Wednesday, October 19, 2011

Mag-smile ka naman jan sir!

May professor kami nung first year college, prof namin siya sa Philippine Constitution. Tuwang-tuwa ako sa istilo niya magturo. Malinaw siya mag-hayag ng mga facts at maganda siya magsulat. Eh bihira yon sa prof di ba?

Mas challenging basahin sa board ang sulat nila, mas natutuwa pa ata sila kasi, nate-test nila kung sino talaga ang nag-eeffort na magtake-down notes ng mga tamang salitang nakapaskil.

Si Sir na hanggang ngayon naka-wowee deguzan hairstyle ay isa sa mga gurong hindi ko din makaklimutan. Sa klase niya libreng makipag-debatehan tungkol kela Andres Bonifacio at sa poging pogi kong idol na si Rizal.

In fact, dun kami nagkaron ng 'konek' ng kaibigan ko, (pinagkakamalan nga pala kaming lesbiana) kasi pagkatapos niya mag-recite, si Repato naman ang tatayo.

Noong nag-birthday siya, sinurprise siya ng klase namin.. nagsulat sila ng malaking 'HAPPY BIRTHDAY SIR' sa harap.

Pagpasok niya, napatingin lang siya.. tapos with garfield eyes.. 'Thank you'. Walang expression ah! As in wala!

'Sir! di niyo po ba na-appreciate? Wag na tayo mag-klase pahinga muna kayo.. pagod na pagod po ata kayo.' Kinantahan pa nga ata siya ng 'Ikaw, na ata ang pinakamagandang lalake sa mundo...lalalala'.

Siyempre, segway para makatakas sa lecture. Di siya pumayag, binura niya lang yung nakasulat sa harap at sinulat ang 'topic for the day'. Ayun, nalungkot lahat. FAIL mapangiti si pogi eh.

Nung fourth year kami, naging prof ulit namin siya sa Rizal. Eh ano pa nga ba? Mas nainlove ako kay Rizal. Ganun pa din, isa ako sa masugid niyang taga-recite. (Pambawi, kasi late ako lagi)

Noong isang beses, tapos na klase namin, kaso hinihintay namin yung tropa naming pasaway kasi tinawag siya sa office... Nakita namin si sir, eh di kami naman si corteous. "Goodafternoon sir!", nagreply naman siya ng "Goodafternoon ladies". Garfield faced padin.

Ang tagal ni tropa, eh napansin ko, wala pa yung mga studyante sa loob ng classroom... Kumatok ako..
"Sir, pwede po kami maki-sit in? behave po kai promise."
Sabi niya..
"O? talaga? sige"

Parang di ata siya makapaniwalang.. may gustong mag-sit-in sa klase niya. Eh hello si Rizal the pogi ang topic. Kahit ilang beses pa yan. Oks lang sakin!

Ayan na hinatak ko yung dalawa ko pang friends. 'Tara!! minsan lang oh!', 'Di ba nakakahiya?'. 'Wow, chic! Tara naaa!'. Ayun..

Walang nagre-recite sa klase.. at! Walang nakaupo sa harap! Kami pang nakiki-sit-in ang nasa harap.
AHHH!! ayaw niyo mag-recite ah!

Recite ako!

ANAK NG TIPAKLONG!!! Nag-smile si sir!!!

FIRST TIME EVAHH!!

FULFILLMENT!!! Napangiti namin siya!

Mga ilang minuto ang nakalipas.. nagtext na yung tropa namin. Hinahanap na kami..
Eh di nagpa-alam na kami kay Sir. Tas sabi niya 'Thank you'. WOW! Damang-dama namin!
Paglabas namin.. sabi ng tropa namin.. "Ano ginagawa niyo sa loob? Bakit nag-Ririzal ulit kayo?"

Proud kaming sabihin na..
"Loko! NAPANGITI namin si sir!"

Alam niyo yung reaction niya (nung tropa).. kulang naman sabihin niya.
"Ay, bakit? Crush niyo si sir?"

----
Iba lang yung feeling pag may napapngiti kang tao. Sarap sa feeling.

'Friend-on-call'/Nagmamarunong

Minsan naisip ko kung matino ba talaga akong tao o nagmamarunong lang akong maging matino.

Inaamin ko namang nagkakasala ako, di ako mabuting Kristyano pero trying hard talaga to the fullest.

Kadalasan kasi ngayon, ako yung 'friend-on-call', yung tipong.. isang text lang ng..
"Vivie, free ka? Tambay tayo!"

Since ako ang nagwawagayway ng bandila ng mga bum sa tropa, wala akong karapatang tumanggi. Di naman sa tinatamad ako.. pero kasi, nauubos ang allowance ko sa overpriced drinks. Hampaslupa nga ako remember?

Sa isang banda, kailangan ko din umalis ng bahay kasi hindi naman malusog na pamumuhay ang manatiling nakababad sa harap ng libro/gitara/laptop/telebisyon araw-araw. Maniwala kayo, hindi. Ayoko naman magising isang araw na hindi ko na matandaan yung feeling ng init ng araw. OA! Kala mo centralized yung aircon sa bahay eh noh? Tigas ng mukha ko minsan magreklamo, pasensya. Feeling mayaman e.

Osige, eto kasi ang kaso ngayon. Panahon ata ng problema ng mga relasyon ngayon? Ang benta ng 'viviethoughts', ang tanong, eh nag-reregister ba naman sa mga suki ko ang mga payo na ipinapamahagi?

Ang mga payo pa na yon, partida ah! Galing sa isang single na nilalang. Ano bang alam ko?? Minsan, sarap din nilang tanungin ng..
"Nang-aasar ka ba?"
"Tini-train mo ba ako?"
"Pa-explain muna pwede?"

Kaso wala e, minsan kailangang pigain ang utak para mejo bumuti ang pakiramdam ng nag-request ng tambay... Para maintindihan ng mga babae na magkaiba talaga ang lalake sa babae. Magkaibang-magkaiba. Hugis pa lang at madami pang iba. (Wag na detalyado, total..'di naman pare-pareho ang mga lalake di ba?)

Kadalasan naman, pag bobong bobo na talaga ko sa mga relasyon na yan, nanahimik lang ako. At least, alam nilang may nakikinig sa kanila. Mas okay na yun kesa sa sabihin kong, 'Break na yan! Shot naaaa!!' Please, highschool? Konting ka-maturan. Konting laban. Konting effort.

Ina-analyze naman namin yon kahit papano, sa isang banda, nagrerecord din kami ng mga sinasabi nila. Madalas kasi kaming  nagkaka-busugan ng mga sarili naming salita ee..

At least, may magsasabi ng..
"O teka, di ba sabi mo ...."

Trying hard naman kasi lahat ng may mga 'paki'.

Pero, may mga taong ayaw magpakielam. Akala natin nakakatulong tayo pero, hindi pala.
Isang matinong pagsabi nalang ng.. "Sige na, okay lang kami"
By all means, kayo na bahala... Pagdadasal nalang namin kayo ha?

Para magupit na 'tong kabarberuhang 'to, eto nalang..
Sa lahat ng walang makausap, go, eto lang ang tenga.
Sa lahat naman ng ayaw magpakausap, ilalayo lang namin ang blade sa paningin mo, pati baril. At di ka pwedeng pumunta sa SM ah! Kahit anong branch.

Endearments

Tuwing kelan ba napapahiya ang tao? Tao nalang naman ata ang may pakelam sa dignidad ee..

Malamang.. namumula ba ang aso pag napapahiya? (Kuya Kim, ano po ba?) Kaya nga sobrang sakit pag tinawag kang 'hayop' o di kaya'y 'bitch'.

Pero.. sa panahon ngayon.. pansin niyo bang sobrang normal nalang na magtawagan ng 'hayop' sa kalye?
At! nagiging endearment na ang 'bitch'. HAHAHA!

Nakakatuwang isipin dahil sobrang iba na talaga ng mundo.. sobrang maliksi ang utak ng tao. Noong una kung narinig sa tropa namin na nagtatawagan sila ng ganun.. Napa-'WHAT'? ako. Partner-an pa natin ng.. 'SERIOSO? ANO YUN? May away ba?'

Kaso hindi pala, napagtanto ko na sila ang nagiiba ng kahulugan ng mga masalimuot na salitang iyon. Pero, hindi parin ako nagpapatawag ng ganun, di parin matanggal ung 'eeky' feeling. Ang cute lang nila panoorin, okay nako dun. Kanya-kanyang trip.

Ganto pa nga sila ee.. 'Bitch, anong ulam ngayon sa tambayan?' (Sweet pa yung tono ah)

Sa mga nakakatanda.. intindihin niyo nalang po sana ang henerasyon namin.. kasama na po ito sa mga napakarami pang nakatago na ka-abnormalan namin.

Minsan ba naranasan/nakarinig kayo ng sobrang wirdong endearment?

Noong unang salta ko sa isang tropa.. tawag sakin, 'ulol'. Acceptable naman, kasi laging ang taas ng energy na parang asong ulol na. Take note, galing nako sa school nun ah. Buti nalang ngayon, di na yun ang tawag sakin.

Kweky/Baby Sister/Ginger/Sugar/Puff/Partner

Yan, yan na ang tawag nila sakin.. kasi diba sa tropa, may kanya-kanya kayong tawagan. Eh kung di niyo naranasan yan, tapos babae ka.. mejo iba ka. Nakihalo nalang ako sa trip na ganyan..

Hanggang sa lahat ng tao/bagay pinapangalanan ko na..

Pero, alam niyo ba kung ano ang weird? Wala akong maisip na matinong endearment pag may 'Special Someone' na. Tipong naubos yung powers kong man-binyag.

Kasi syempre gusto ko unique! Tama na yang mga...
mahal, love, babe, baby, sweetiepie, honeybunch, muffin, honey, sweetheart,
heart, sweetie, sweet, miel, schatz, dairen at iba pa!

Ah alam ko na! Next boyfriend ko! Tawag ko na sakanya.. COCO MARTIN!
at ako si YAMMY!

HAHAHAHAHAHAHAHAHAH!

(Pang-habangbuhay kong COCO MARTIN! Nasan ka na?? )

Friday, October 14, 2011

Know Things for Yourself

Alam mo sa school, ayaw na ayaw ng mga professors ang 'Spoon-feeding'. Kasi nga naman di na ginagamit ng mga estudyante ang mga utak nila. Pare-parehong istilo para lang mapadali ang solusyon.

Wala nang...Spontaneity na tinatawag. Lahat naka-format, para daw may kaayusan. Ayan! Sige! Eh di robot na gumraduate ang mga estudyante pagdating ng Marso.

Sinasabing..'Do Something New'.. pero sangkatutak na rules and regulations naman ang ilalatag sa iyo. At yung rules na yun ah.. tipong pati paghinga mo bawat minuto kailangan nasa ayos.

Masaya ako na naituro ang Tama sa Mali. Ang Tama ang dapat gawin.. pero paano kung yung Mali, maganda ang epekto. Diba ibig sabihin, nag-sugal ang tao? Eh sabi nila, bihira ang tamang pagsusugal. Lahat naman nagkakamali e, pero bakit pag bago ang mali.. wala nang handang tumulong? Tablado ka na ng buong populasyon.

Ewan ko.. pero yung mga gantong bagay, sabihin nang tanga ako, o makitid ang utak.. pero, di ko talaga maintindihan. Lahat contradicting. Gusto mo mag-explain? Okay lang.. comment mo dali.