Showing posts with label puso. Show all posts

Tuesday, July 24, 2012
I soo love my job!
Grabe na 'to mga ate't kuya, kaunting kembot nalang eh magiging regular na ako sa trabaho ko. Sana lang maregular ako, dahil mejo kabado nga ako. May mga kaso din kasi akong naipon habang probationary ako.
Anyway,gusto ko talaga tong trabahong to. Bukod sa hindi siya 8-hour job at hindi office work.. Dude! Ang gaganda ng mga tao.
Ang popogi at mga dyosa!
At may bago akong crush. Kapangalan siya ng nawala kong aso dati, pero walang tatalo sa ka-pogian niya. OA? De, sarap niya lang katrabaho, sobrang gaan. Cloud9 talagaaa.
Pareho pa kami ng trip na tugtugan, my galleymate naman!
Aaat! Yung sa post ko, na ito, sinabi niya yan eeee!
Parang ako, 'sir, ako nalang?' 'choose me! Choose me!' haha!
Kaso, kailangan gumising, daming kaagaw.FAIL.
Di pa nagyoyosi, FAIL.
Pero promise, ganado ako magtrabaho pag ikaw ang ka-galley. :)
Di ko aatrasan, kahit pa masiraan tayo sa cotabato.
Kinikilig kinikikig, kinikilig ako.
Parang highschool.
Tuesday, December 13, 2011
Tomboy Turns
Hello! Kakauwi ko lang galing sa tugtog namin dun sa Christmas party ng opisina ng kabanda namin. As usual, ano pa nga bang bago? Ang dami kong mali.. Anak ng grasshopper vie! mag2-2012 na, End of the world na o, sablay pa din ka pa din. Anak ng...
Dumating kami dun at mararamdaman ang aura ng.. 'Mabuhay ang kagandahan, ka-kinisan, ka-tangkaran at! Ka-kurbahan'. Mga magagandang dilag na nagdulot ng pagdadalawang isip ko kung babae nga ba ako o lalake. Ayan nanaman ho ang 'Identity Crisis'.
Kumain kami ng mga hindi ko mabigkas na mga pagkain, pero nalunok ko naman at nanguya ng maayos. Sarap nga ee, libre kasi, tapos ganun pa mga nakapaligid! Nakupooo nakakgana nga naman.
Maganda ang stage, puno ng instruments. Tapos, may lalake na naglatag ng bass. Sabi ko.. wow! Di ako ngunguyain nito, lunok agad! Alam ko magaling siya. Basta alam ko.
Habang tumutugtog kami, alam kong madami nakong mali pero fini-feel ko nalang yung kanta, tinigtnan ko minsan yung paligid, at nakikita ko na yung bahista ng kabilang banda na mejo nakatingin, kaya tumalikod nako. Hiya ako.
At nang matapos kaming tumugtog sumunod nga yung isang banda na regular naman palang tumutugtog dun. Hanak ng! Ang galing nga ng bahista nila!!! Ewan ko, pero kasi bano talaga ako. Hindi siya madamot sa chords, talagang tinataas niya.
Cute siya! May dimples! At!
Pag napapatingin siya sa side namin, KINIKILIG AKO!!
Eh di lalo na nang magkaron ng eye-contact, MAS KINILIG AKO!
Nabawi ho! Babae na ulit ako! Magdamag nakong nakatitig sakanya.
Sabi ko sa kasama ko, "Ui! gusto ko magpa-picture!"
Hindi talaga ako ganun, pero for some reason, ewan ko ah? Lumalandi na ba ako o iba kasi ang kamandag ng dimples ni Kuya? Eh ewan ko.. basta kinikilig ako. Surebol.
Eh natapos na silang tumugtog, napapaisip ako kung itutuloy ko ang kalandiang naisip ko..
Nang biglang pumasok sa kokote ko na,
'Ay! di ko nga pala kilala mga tao dito, so.. if ever, walang makaka-alam, wapakels sila'
'Picture lang naman!'
Nag-cr ako.. nakita ko drummer nila sa labas.. pero nag-c.r. muna ako.
Di ko namalayan na nasa c.r. din pala ung kasama ko.
Pero nag-c.r. muna talaga ako, habang nag-wiwiwi ako..
"Ui!! nasa labas yung drummer! Pag lumabas tayo nandun parin sila.. Papa-picture ako ah??"
"Oba, ikaw bahala"
(Pero binilisan ko talagang lumabas para maabutan ko yung banda)
Success. Andun pa sila.
"Kuya, excuse me po, pwede po bang magpa-picture sa bahista niyo?"
"Ay nasa loob yata, sa may bar"
"Ay, okay po."
Pumasok ako.. takte, para akong batang nasaniban. Ang tapang ko, walang ka-demure-an na natira sa katawan ko. Hinanap ko siya. Nakita ko siya.
"Excuse me po, pwede pong magpapicture?"
"Ah! ikaw yung bassist kanina diba?"
"Joke lang po yun" (kasi nga dami kong mali di ba? AS IN)
(Pictuuure!)
Friend: Ay mejo malabo. Madilim kasi.
Crush: Sa labas maliwanag, sa may c.r.
Vivie: Taraaa!:) (kumikinang na mata ko)
(Pictuuuure!!!)
V: Thank you po!:D ano nga po pala name ng band niyo?
Crush: (Ewan ko, di ko maintindihan yung sinabi niya, pero ang lakas ng dating niya)
Ano nga pala name mo?
V: Vivie po.
Crush: as in BB? sabay turo sa phone ko.
(Kailangan may coordination kuya? Tsk! baka tayo mag-coordinate niyan!)
V: ay hindi po, v-v po.
C: ah, haha! Vivie
V: Eh kayo po?
C: Vince
(tapos inabot niya kamay niya, pero di kami nag-shake, nag-hawak lang, ANAK NG!! mas malambot pa kamay niya sakin! Nakakahiyaaaa!)
Mejo mga 6seconds din yun. Ahehehe.
KINILIG AKO!!! Merry Christmas sa lahat ng may crush!
Manatili tayong may 'dating'!
Sa kaibigan kong nangunsinti sa kalandian ko, yer the man!
Sa kabanda namin na nag-invite para tumugtog, SALAMAT!
Kay Vince, Hi po. :) You like science? Kasi we have chemistry oh!
Ipilit pa!

![]() |
| Buti di ako nag-heels |
Sa kaibigan kong nangunsinti sa kalandian ko, yer the man!
Sa kabanda namin na nag-invite para tumugtog, SALAMAT!
Kay Vince, Hi po. :) You like science? Kasi we have chemistry oh!
Ipilit pa!
Wednesday, October 19, 2011
Mag-smile ka naman jan sir!
May professor kami nung first year college, prof namin siya sa Philippine Constitution. Tuwang-tuwa ako sa istilo niya magturo. Malinaw siya mag-hayag ng mga facts at maganda siya magsulat. Eh bihira yon sa prof di ba?
Mas challenging basahin sa board ang sulat nila, mas natutuwa pa ata sila kasi, nate-test nila kung sino talaga ang nag-eeffort na magtake-down notes ng mga tamang salitang nakapaskil.
Si Sir na hanggang ngayon naka-wowee deguzan hairstyle ay isa sa mga gurong hindi ko din makaklimutan. Sa klase niya libreng makipag-debatehan tungkol kela Andres Bonifacio at sa poging pogi kong idol na si Rizal.
In fact, dun kami nagkaron ng 'konek' ng kaibigan ko, (pinagkakamalan nga pala kaming lesbiana) kasi pagkatapos niya mag-recite, si Repato naman ang tatayo.
Noong nag-birthday siya, sinurprise siya ng klase namin.. nagsulat sila ng malaking 'HAPPY BIRTHDAY SIR' sa harap.
Pagpasok niya, napatingin lang siya.. tapos with garfield eyes.. 'Thank you'. Walang expression ah! As in wala!
'Sir! di niyo po ba na-appreciate? Wag na tayo mag-klase pahinga muna kayo.. pagod na pagod po ata kayo.' Kinantahan pa nga ata siya ng 'Ikaw, na ata ang pinakamagandang lalake sa mundo...lalalala'.
Siyempre, segway para makatakas sa lecture. Di siya pumayag, binura niya lang yung nakasulat sa harap at sinulat ang 'topic for the day'. Ayun, nalungkot lahat. FAIL mapangiti si pogi eh.
Nung fourth year kami, naging prof ulit namin siya sa Rizal. Eh ano pa nga ba? Mas nainlove ako kay Rizal. Ganun pa din, isa ako sa masugid niyang taga-recite. (Pambawi, kasi late ako lagi)
Noong isang beses, tapos na klase namin, kaso hinihintay namin yung tropa naming pasaway kasi tinawag siya sa office... Nakita namin si sir, eh di kami naman si corteous. "Goodafternoon sir!", nagreply naman siya ng "Goodafternoon ladies". Garfield faced padin.
Ang tagal ni tropa, eh napansin ko, wala pa yung mga studyante sa loob ng classroom... Kumatok ako..
"Sir, pwede po kami maki-sit in? behave po kai promise."
Sabi niya..
"O? talaga? sige"
Parang di ata siya makapaniwalang.. may gustong mag-sit-in sa klase niya. Eh hello si Rizal the pogi ang topic. Kahit ilang beses pa yan. Oks lang sakin!
Ayan na hinatak ko yung dalawa ko pang friends. 'Tara!! minsan lang oh!', 'Di ba nakakahiya?'. 'Wow, chic! Tara naaa!'. Ayun..
Walang nagre-recite sa klase.. at! Walang nakaupo sa harap! Kami pang nakiki-sit-in ang nasa harap.
AHHH!! ayaw niyo mag-recite ah!
Recite ako!
ANAK NG TIPAKLONG!!! Nag-smile si sir!!!
FIRST TIME EVAHH!!
FULFILLMENT!!! Napangiti namin siya!
Mga ilang minuto ang nakalipas.. nagtext na yung tropa namin. Hinahanap na kami..
Eh di nagpa-alam na kami kay Sir. Tas sabi niya 'Thank you'. WOW! Damang-dama namin!
Paglabas namin.. sabi ng tropa namin.. "Ano ginagawa niyo sa loob? Bakit nag-Ririzal ulit kayo?"
Proud kaming sabihin na..
"Loko! NAPANGITI namin si sir!"
Alam niyo yung reaction niya (nung tropa).. kulang naman sabihin niya.
"Ay, bakit? Crush niyo si sir?"
----
Iba lang yung feeling pag may napapngiti kang tao. Sarap sa feeling.

Tuesday, September 20, 2011
Teacher! Teacher!
Ang mga guro o titser ay tinaguriang ga pangalawang magulang ng mga bata sa paaralan.
Hindi lingid sa kaalaman nating lahat na nag mga guro dito sa bansa natin ay may sweldo na kulang pa sa kulang talaga. Tipong masabi lang na, 'may sweldo ako'.
Kung tutuusin, ubod ng hirap ang trabaho ng mga guro. Sangkatutak na effort.
Nung bata ako, mejo pangarap ko din ang maging teacher.. kasi ang cool nung pag-nagchcheck sila ng papers. Nasa harap kasi ako dati lagi, pag seating arrangement.. una lagi! Kasi maliit ako (thanks to cherifer)... kaya lagi kong napapanood ang mga teachers sa teacher's table nila.
Sa tuwing magtuturo sila ng kung ano mang subject na naka-assign sa kanila, anjan na yung magpprepare sila ng course outline, at iba pang mga aktibidades tulad ng games para masaya ang klase.
Syempre gusto nila masaya ang mga mag-aaral, ang hirap nga naman magturo ng mga walang kabuhay-buhay na klase. Makuha alang ang atensyon ng mga bata, panalo na! Maituro lang ang mga dapat matutunan, masaya na, FULFILLED!
Pag nag-quiz at exams, dun na magkakaalaman. Dati, di ko gets yung, 'Walang teacher ang gustong may bumabagsak sa studyante'. Kasi ang feeling ko, isa sila sa mga nabuhay para pahirapan ang mga bata, sila ang dapat nirereport sa Bantay Bata. Pero hindi pala.
At hindi lang yon ang papel nila sa buhay ng mga studyante.. Halata sa mga guro kung sino ang may mga "puso" talaga sa pagtuturo. Sila yung ga gusto mong balikan pagka-graduate mo, pag umasenso ka na..
sila yung gusto mong sabihan na.. "Thank you po"
Sila yung mga guro na naging magulang mo, pag hindi okay sa bahay at halata nila..
Sila yung kakausap sayo, susuyuin ka para mas gumaan ang pakiramdam mo..
Sila na, lahat ibubuhos para lang may extra kang matutunan sa eskwela... ang magbigay ng atensyon, makinig sa problema at tumulong.
Maituturing nga na bayani ang mga guro.
Pakielamera sila minsan, daig pa ang pari mag-sermon, pinagtataguan ng kodigo at ginagawan ng codenames.
Sila ay minsang nagbigay ng 'impact'.
Iilan nalang ang mga totoong guro, at swerte akong, may iilan akong nadaanang ganun.
Salamat sa paghubog at paniniwala.
Pag umasenso tayo..sana isa-isahin natin sila.. ang nagturo satin ng tamang pronounciation ng "Thank you". Hindi basta tenkyu, kundi yung THank you talaga...
...ang nagturo satin ng biology, ang paiba-ibang value ng X-Y-Z, ang nagpakilala kay Confucius at Rizal,
...ang nagpakita satin na mas maganda pa rin ang Pilipinas
...at syempre, ang mga taong nagpa-realize satin na hindi lahat pera.
Mas mayaman pa din ang mga titser na may puso.

Subscribe to:
Posts (Atom)