Tuesday, January 4, 2011

Oi.. nakakatakot pala..

kung nabasa nio na ung "risk" post ko sa wordpress ehh makakarelate kayo dito..

Bale ganto ang drama ngaun.
Monthsary namin ni boypren. Kanina. January3.
Di ako naniniwala na kailngang magkita ang magkasaintahan sa tuwing monthsary.. kalokohan para sakin yon.. ok na sakin ang simpleng:

"HAPPY MONTHSARY.. I LOVE YOU" na text.
Konti lang naman kailigayahan ko sa mundo.

Pero.. para mejo maging memorable ang bawat monthsary..
Ni-require ko si boypren na magsulat ng letter bawat monthsary namin.
Ako din naman syempre magsusulat.

Nagsimula ang ka-chic-an na toh nung mag-dadalawang buwan na kami. (Pangatlong buwan pa lang namin ngaun)

Nagulat ako sa letter.. facebook ang letter..
kasi nga di kai magkikita dahil may pasok siya..
aun.. paggising ko.. BULAGA!
isang letter!:)

mukhang masaya? mga gago.. ndi. NATAKOT ako.
Minsan lang kami magseriosohang usap..
Kasi nga,. gagu talaga ko.. di mo ko makakusap ng matino kung di ako lasing o di kaya'y kailngan talagang maserioso.
Kaya bihira lang talaga.

Serioso ang letter! Napa-"tungenuhhh-anu-toh?" ako.
Matagal tagal din ako bago nakareply.

Nagyosi ako ng madami. Madami talaga.
Nag-gitara muna ko.. Kumain. Naghilamos.
Kung di nga ko lalabas para tumambay.. pepetix pa talaga ko.

Eh sa Awa naman ho ng Diyos.. nakapagreply din.

Takot talaga kong mawala yung unggoy na yun.
Tangina. Wala naman akong habol sa kanya.. pero nasanay na kasi ako na nanjan siya.
Parte na siya ng sistema ko. Kahit baduy at nakakaantok ang sistema ko..
Gumanda naman ito at mejo nagkakulay nang dumating siya.
Cheezy pero.. potek. GANON.

Mga loko-loko.. pagbigyan niyo na..
Minsan lang mainlab ang pango.
Kaya ayan.. takot ako kung bibitawan ako.
Di ako bibitaw. Ndi talaga. Pero pag siya bumitaw. Yun na.
Klaro yan.

Pero masakit. Baka matagal ulit bago ko pumatol sa lalaki.


"Patol"
Di naman kasi talaga biro ang pagkakaron ng ka-relasyon.
ANG HIRAP KAYA!
Pero masaya..
Naging simbolo siya ng "pwede pala kong bigyang halaga" - yun ang dating sakin.

Kaya naman.. ngaun na nasa tamang wisyo ako..
Hangga't maari ibubuhos ko lahat ng la-coolan ko sa katawan para sa kanya!
Hanggang sa abot ng aking makakaya.

Mahal ko nga siya. Di ako sigurado sa kanya. Pero.. di ko pa kayang mawala ung unggoy na yun. Di ko pa kaya. Wag muna. Wag sana.

Kung magkataong huling buwan na namin toh...tangina. Mahihirapan ako.
Kaya please. Wag sana.

No comments:

Post a Comment