There was an error in this gadget

Wednesday, October 9, 2013

Vibrate

Aha! message tone alert.

Message: Wala na sa buhay namin ang ex-gf ng kapatid ko natinawag akong "kupal". Sweeet!

Isang gabi, nag-overnight ako sa Cebu at may ni-room mate akong chics. Buong gabi kaming nagkulitan at nagharutan. Slumber party ee, bakit ba..

Umaga may nag-alarm, syempre nakakairita.. hindi ko pinansin.

Bigla ko nalang naalala bgla yung isang beses,nasa bahay kami. Wala na ang gumuhong relasayon ng kapatid ko at ng ex nya.. (halata bang ganun na lang ang galit ko sa ex?)
 Nsa kwarto kaming nuong pamilya, epro nandun yung ex nya.. weird. Wala na nga sila pero nasa bahay pa siya..

Tuwing lalabas ako sa garahe para magyosi, lagi kong nadadanan sa dning room ang cellphone ng ex ni kuya.. na bigay ni kuya.. Nagvivibrate. Diko na pinansin, pakelam ko sa phone nya.

Pasok ulit ako sa kwarto, lwemtuhan..
Labas ulit.. para magyosi, nadaanan ko nanaman yunglintik na cellphone nagvvibrate.
Pasok ulit.. kwento
Labas.. vibrate ulit lintik na cellphone.

Diko alam kung censor ba yun na tuwing lalabas ako magvvibrate. Nananadya pati cellphone. Badtripee.
Pero sige, hinayaan ko nalang at nagwwish na sana makaramdam yung ex ni kuya.

Balik sa routine,
Labas para magyosi
Pasok para kwento
Labast ulit..
Walang intis, bawat labas ko, nagvvibrate talaga.

Hanggang sa pumitik nako..

"Ano ba yang cellphone nayan?  Kung di papatyin yan lulublob ko sa batcha kasama ng pagong yan!!"

--Nanahimik lahat..
Lakas ng boses ko ee.

Yun pala nananaginip ako, at yung cellphone ng isang chics, nagvvibrate.. tinatawagan ng ermats nya.

Pakshet boys and girls, hanggang ngayon, binabangungot ako ng ex ng kapatid ko.

Thursday, December 13, 2012

Kamusta Disyembre?

Unang Disyembre na may trabaho.

Nag-perform kami nung Christmas party namin sa kumpanya.

Sabi ni Bayabas, may duty siya. Pero gagawa daw siya ng paraan. Eh di ako napa-tss-okay.

Pagkatapos kong kumanta ng "cant take my eyes off of you"..

May nagtxt..
"Kaya pala i cant take my eyes off of you"

Pagkatapos ng lahat lahat...
Nagtanong siya..
"Nanalo ka sa raffle?"
Ewan ko, katamad mag-check
"Patingin ticket mo"
...
"Nanalo ka!"
O?
"Ng pag-ibig."


Anak ng!
Sooo...
Pumunta ba si bayabas o hindi?

Grabe yung ngiti ee, nakalimutan mag-ayos ng necklace.

Merrrry Christmasss!:)



Thursday, November 15, 2012

Amalayer Feverrrr

Sa wakas, naka-relate na din ako sa #amalayer na 'to.

Dami kong nakitang post na naka-highlight ang Amalayer pero... Dko talaga alam na ito pala ay isang eksena ng normal college girl at lady guard. Akala ko new hit song, parang 'in the ayer' shit.

At ayun, napanood ko na nga..

Yep, skandalo nga ang video na ito at may bago nanamang sina-cyberbully ang sambayanan. Linis natin ee.

Kung tutuusin, may mga guard naman talagang bastos mag-check. Siguro, ayan, nakahanap ng katapat.

Pag magpapahiya ka ng tao, sana kalma lang...

CHILL. Kasi babalik sayo ang humiliation pag nagover-react ka.

Sana binato niya nalang ang line na...
"May i get your name and your supervisor's name?"

Mas professional ata pakinggan yun, at mas may pinag-aralan ang dating.

Para kasing nasa teatro si Ms. Amalayer ee. Tignan natin ah..

Voice quality CHECK!
Actions/hand gestures CHECK!
Feelings/emotions CHEECK!!
Rapport--- dude, CHECK.

Sa kabilang banda, sobraaang minalas si Ms. Amalayer. Akalain mong may kumuha pa ng video ng moment niya.

Diko lang alam kung kinaliligalig ng kanyang puso ang pagiging sikat niya ngayon, pero malaki ang pusta ko na hindi na muna siya sasakay ng tren sa susunod na mga araw.

Sa kumuha ng video na yun.. Congratulations po, pwede ka nang mag-apply sa TMZ. Ganda ng device mo sir, linaw!

Ngunit, subalit, datapwat at anak ng tipaklong! Imbis na bulungan si Ms. A ng...
"miss, kalma lang, napapahiya ka na din"
Vinideohan pa, good job. Isa ka ngang concerned citizen. Dahil ang totoo, hindi pa sapat ang highlight sa nag-iibang ugali ng kabataan.

Pumatol lang siya at na-videohan.
Wag tayong magmalinis, may kanya kanya tayong 'pitik' moments.

Saturday, November 10, 2012

I love being pango

Tama. You read that right hunnie!!

Oo, aaminin ko naman na sa aming mga pango, may mga disadvantages talaga.

Una, hirap humanap ng shades na bagay sayo, wayfarer lang ata pwede ee and most importantly dapat may requirement na yung shades ee yung kakapit sa pisngi. (Kasi walang nosebridge remember??)

Pangalawa, pag nilagyan ng filter ang closeup-picture... Matik yun, mawawala nalang bigla ang ilong sa picture. Maliit na nga lumayas pa.

Pangatlo, pag may sipon kami, promise!!!! Mahirap. Pano ko ba dedescribe, basta putik mahirap.

Peeeeero!!!!

ETO NA!

May isang malupet na pwedeng gawin ang mga pango, na hindi kaya ng mga matatangos!!!

Henyo. Bangis. Wapak!!

O ganto, kunware si Bayabas nalang...
Eh di crush ko nga siya diba.

Pag nakita ko syang bored... At may time. Magt-toothbrush at mouthwash muna ako.

Sabay lapit at magsasabi ng..

V: yow, bayabas... Favor naman.
B: K.
V: try natin mag nose-to-nose. :)


Ano kaya magiging reaksyon niya.

Wednesday, October 17, 2012

Try mo banatan

Dahil may crush ako ngayon, isang beses binanatan ko siya.

Vivie: Alam mo, para tayong kwento ni Juan tamad. Ako si Juan at ikaw ang Bayabas. Hinihintay ko lang na mahulog ka sa akin.

Crush: eh mam mukang madaming nahuhulog na bayabas sayo. Madami akong kaagaw.

V: dahon lang yun, hindi sila bayabas.

(A moment of silence)

V: goodnight (insert name here), ikaw lang ang nagiisa kong bayabas.

Ewan ko kung bumenta, pero kinilig ako ee.


Btw, kung sino may instagram jan, pwede niyo kong sundan. 'Vvvivie'

Wednesday, September 5, 2012

Sick leave sucks.

Hindi naman lingid sa kaalaman ninyo na nakapag-sick leave nako kahit sa una-unang panahon na probationary ako.

Heto nanaman ho, mas matindi. Pagkatapos ko magka-pesteng bulutong, nagkaroon naman ako ng mataas na lagnat.
Tapos nagkaroon ako ng pula-pula sa braso't hita.
Bumaba ang lagnat, tapos bumalik ulit.

Holy shit! Tama ka!

Nagka-dengue ako.
Great.
I love mosquitos, not mojitos.

Monday, August 13, 2012

Lihis

Anak ng tipaklong! Sobrang badtrip ako sa bahay, kaya pinili kong umalis muna. Tama ba namang i-take home ang susi ng kotse habang naka-park sa garahe namin yung sasakyan??

Magdamot? Bwisit.

Kaya pinili kong lumabas at mag-kape. Sakto... Mag-aaral ako.

Pagpasok ko sa kapehan, merong isabg nakaupo sa dulo. Ewan ko kung pogi. Masyado akong imberna para pansinin siya.

Aral muna bago landi iha.
Good job vie. Tatanda ka ngang dalaga sa ugali mong yan.