There was an error in this gadget

Saturday, January 7, 2012

Tama ba pagkakaintindi ko?

Bunso ako sa magkakapatid, maldita ako at bitchera minsan, kadalasan. Mabait ang nanay ko, tatay ko naman cool, ayaw niya ng conversations and  confrontations pero, cool pa din naman siya.

Kaso sa kahit anong bait at tino ng mga tao sa paligid ko, sadyang mareklamo talaga ako. Siguro yan na ang new year's resolution ko.

Ang panganay kong kapatid, nakatira din dito sa bahay, kasama yung girlfriend niya. Siguro mga higit-kumulang dalawang taon na silang nakatira dito. Nagsimula silang tumira dito nung nagkaroon ng kaaway si kuya sa pamilya ng babae, soo.. ayun, sumama din siya dito sa bahay.

Si kuya, nagtrabaho siya minsan bilang freelancer, pero ngayon, may trabaho na siya na kailangan niyang lumabas ng bahay.

Yung girlfiriend niya, dito sa bahay. Dumating sa bahay si kuya, andito siya, umalis ng bahay, andito din siya.

Nung una, kahit hindi din naman okay sakin na may-live-in kapatid ko sa bahay namin, eh nilunok ko naman. Tipong, nag-try din akong mahalin yung girlfriend niya kasi, kapatid ko siya eh. Atsaka, ayaw ko din namang ma-o.p. siya sa bahay namin. Frustrated cool family nga kami e.

Public Highschool graduate si Ate, nagtrabaho sa isang kumpanya bilang factory worker. Magaling siya magluto ng adobo, spaghetti, carbonara, at iba pang pagkain. Housewife material nga, yun ang nagustuhan ng kuya ko sakanya.

Hanggang sa nung isang araw napapansin ko na, mejo awkward na kami ni Ate. Siguro kasi di nga maganda yung set-up nasa isang bahay. Anjan na yung sari-sariling gamit na, eh okay lang din naman sakin, madamot din ako eh.

Isang araw, may nag-add sakin sa facebook, kapamilya ni Ate, so ako naman, okay lang sige.. CONFIRM!
Eh iba pala ang gusto.. sa isang picture kong napakalandi, (naka-swimsuit kasi) nag-tag siya ng mga lalaking di ko kilala. As in madami. Umiyak ako syempre, potek, wala na ngang boobs, pagttripan mo pa?

Nagalit talaga ako sa pamilya ni Ate, unfair nga ako nun nung sinabi ko na.. "Eh ano aasahan mo eh walang breeding?" Kaso nasabi ko na sa likod niya dahil sa sobrang hiya at galit talaga.

Nakita ako ni kuya na umiiyak, tapos sabo niya.. "Sorry daw sabi ni Tang."
Ako naman, anak ng tipaklong na may mansanas!!! Hindi niya ba kayang mag-sorry ng personal?
Yun  po ang ugat ng lahat ng to, "Sorry" lang.

Simula nun, di nako malayang nakakapasok sa kwarto ni kuya, mas tumindi ang pagsasarili ng mga groceries, wala nang pakelamanan. Nagulat nga ako, kasi si Kuya yung nagtatak sa utak ko na "Pamilya muna", eh siguro nga, nag-iiba ang tao.

Yon naman ang major tampo ko, alam na ngang may mali eh, di mo pa ko kinausap? Kuya kita diba? Yon! Yon ang drama ko. Eh kung sabagay, di ko naman kayang ipagluto kapatid ko araw araw kasi tamad nga ako.. Atsaka ano ako? Katulong? este, girlfriend?

Dumating ang araw na, lumipat ng bahay yung pamilya ni Tang. Mas malayo pa yung simbahang nilalakad namin kesa sa bahay nila. Nagtaka ako, bakit di pa siya lumipat? Napaisip ako, malamang hindi yun tungkol sa, may sarili siyang desktop, naka-aircon siya at higit sa lahat 24-hours facebook. Hindi yun dahil dun.. dahil yun sa mahal na mahal niya talaga yung kapatid ko, na hindi niya maatim na hindi makita sa pagmulat ng kanyang magagandang mata. Inuulit ko, HINDI dahil sa masarap ang buhay niya dito.

Ayan nananaman ang kamalditahan ko!! Akalain mong nasabi kong 'Social climber' siya? Sa likod niya ah? Binabackstab ko girlfriend ng kapatid ko na nakatira sa bahay namin? Ang kapal ng mukha ko. Di ko man lang inisip yung quality time nila sa kwarto nila? Kapal ng mukha ko nga naman. Oh shet, isang malaking delubyo. Help me Lord.

Nagpatulong ako kay Lord, sabi ko, "Bro, tulungan niyo naman po akong intindihin si Tang, kasi mahal ko po yung kapatid ko, eh alam ko naman na malungkot siya na magkaaway kami, kasi pati siya di ko na din nakakausap, ano po ba dapat ko gawin?"

Tadaa!
Wala, di pa sinasagot ni Bro yung dasal ko. Or! Maldita lang talaga ako. Dahil ewan ko nga ba! Di ko maalis sa isip ko na bahay namin ito, girlfriend pa lang siya, at higit sa lahat, pinagmamadamot niya kapatid ko sa amin.

Kaso mali din talaga ako. Wala ako sa lugar, 'Kuya' ko yun eh. Mas bata ako. Kaya pag aalis ang buong pamilya, walang may karapatang magsabi na mali ang pagsakay ni Tang sa passenger's seat habang sila mommy, daddy, at isa pang kuya ay nasa likod. Wala din nagsasabing mali ang pag-cargo ng mga magulang namin sakanya tuwing aalis. Wala. Magaling naman siyang makisama.


Walang masama sa ginagawa nila, kaya ko nga nakikitang harap-harapan eh, kasi walang dapat itago.
Walang masama sa pag-grocery nila na may auto pa, habang yung nanay namin nag-ggrocery ng naka-tricycle lang.
Wala din namang masama na kahit harap-harapang...

Ay hindi pala ako yung tinutukoy ni Tang niyan, sensitib lang ako. Tangina me talaga!
Tsaka kung ako nga yan, dapat wala eh, may karapatan siya, girlfriend siya ng kapatid ko eh, chaka sus! Ano lang ba yan kumpara sa ginawa ko sakanya? Kinausap ko lang siya ng konting may taray, kupal na? Di ba pwedeng nasindak ka lang kasi alam mong tama ako pati nasa bahay ka namin? Im not sure.

Ako nagsimula nito eh. Ay ewan nga naman. Asan kaya kuya ko?

Hhmm..Di naman gwapo kapatid ko, (well, di rin naman ako kagandahan) pero pag may nagsabing panget siya, !@$%^&*( ako babasag sa mukha mo para lang masabi mong mas panget ka na sa kuya ko. Pag may nagsabing o gumalaw o kahit ano, kapatid ko yan eh. Alam mo na. (Yun ang alam ko) Tama ba alam ko o nagmamarunong lang ako.

Iba yata ang usapan pag girlfriend mo. Ewan ko, tama ba pagkakaintindi ko? O hindi lang talaga ako makaintindi?

Siguro ito yung isa mga tampuhan na kailangan talaga ng matinding tulong ni Bro, kasi nakaka-immune din pala ang walang pakielamanan sa loob ng bahay. Ewan ko, tama ba?

Ay potek, ewan ko, pero for the meantime...Good luck nalang sa kanya-kanya nating buhay!:D

--From your loving kupal sister.:) Best Wishes!