There was an error in this gadget

Thursday, November 15, 2012

Amalayer Feverrrr

Sa wakas, naka-relate na din ako sa #amalayer na 'to.

Dami kong nakitang post na naka-highlight ang Amalayer pero... Dko talaga alam na ito pala ay isang eksena ng normal college girl at lady guard. Akala ko new hit song, parang 'in the ayer' shit.

At ayun, napanood ko na nga..

Yep, skandalo nga ang video na ito at may bago nanamang sina-cyberbully ang sambayanan. Linis natin ee.

Kung tutuusin, may mga guard naman talagang bastos mag-check. Siguro, ayan, nakahanap ng katapat.

Pag magpapahiya ka ng tao, sana kalma lang...

CHILL. Kasi babalik sayo ang humiliation pag nagover-react ka.

Sana binato niya nalang ang line na...
"May i get your name and your supervisor's name?"

Mas professional ata pakinggan yun, at mas may pinag-aralan ang dating.

Para kasing nasa teatro si Ms. Amalayer ee. Tignan natin ah..

Voice quality CHECK!
Actions/hand gestures CHECK!
Feelings/emotions CHEECK!!
Rapport--- dude, CHECK.

Sa kabilang banda, sobraaang minalas si Ms. Amalayer. Akalain mong may kumuha pa ng video ng moment niya.

Diko lang alam kung kinaliligalig ng kanyang puso ang pagiging sikat niya ngayon, pero malaki ang pusta ko na hindi na muna siya sasakay ng tren sa susunod na mga araw.

Sa kumuha ng video na yun.. Congratulations po, pwede ka nang mag-apply sa TMZ. Ganda ng device mo sir, linaw!

Ngunit, subalit, datapwat at anak ng tipaklong! Imbis na bulungan si Ms. A ng...
"miss, kalma lang, napapahiya ka na din"
Vinideohan pa, good job. Isa ka ngang concerned citizen. Dahil ang totoo, hindi pa sapat ang highlight sa nag-iibang ugali ng kabataan.

Pumatol lang siya at na-videohan.
Wag tayong magmalinis, may kanya kanya tayong 'pitik' moments.

Saturday, November 10, 2012

I love being pango

Tama. You read that right hunnie!!

Oo, aaminin ko naman na sa aming mga pango, may mga disadvantages talaga.

Una, hirap humanap ng shades na bagay sayo, wayfarer lang ata pwede ee and most importantly dapat may requirement na yung shades ee yung kakapit sa pisngi. (Kasi walang nosebridge remember??)

Pangalawa, pag nilagyan ng filter ang closeup-picture... Matik yun, mawawala nalang bigla ang ilong sa picture. Maliit na nga lumayas pa.

Pangatlo, pag may sipon kami, promise!!!! Mahirap. Pano ko ba dedescribe, basta putik mahirap.

Peeeeero!!!!

ETO NA!

May isang malupet na pwedeng gawin ang mga pango, na hindi kaya ng mga matatangos!!!

Henyo. Bangis. Wapak!!

O ganto, kunware si Bayabas nalang...
Eh di crush ko nga siya diba.

Pag nakita ko syang bored... At may time. Magt-toothbrush at mouthwash muna ako.

Sabay lapit at magsasabi ng..

V: yow, bayabas... Favor naman.
B: K.
V: try natin mag nose-to-nose. :)


Ano kaya magiging reaksyon niya.