There was an error in this gadget

Thursday, June 21, 2012

Corroded na pag-convict kay Corona

Pagkatapos kong basahin ang post na ito, na-elibs ako at nagayak na makisawsaw. Mejo, nagdalawang isip pako bago magsulat ng post, dahil baka mapahiya lang ako sa low-leveled observations ko, ngunit!(yes?) Napa-'Di yan! keber' nalang ako. Pero di nga, nakakainspire naman talaga si Sir Zhurutang. Salamat sir, sa pag-post ng topic na ito.


Sa totoo lang, napakalayo ng kursong tinapos ko para maintindihan ang bagay bagay sa pulitika, pero hindi hadlang ito sa pagkakaroon ng pakielam kung anong nangyayare sa gobyerno ng bansang tinitirhan ko. Dahil hindi ako ganoon katanga para hindi mahalatang magkakaroon ng malaking epekto ang magiging desisyon ng paglilitis.

Naalala ko nun, bago ako mag-training para sa trabaho, solidong nagmamasid ako sa trial ni Corona. Ru-miritweet pa nga ako ng tweets ng @ANCAlerts at ni Ces Drilon eh. Hanggang sa nagtraining ako, di ko na nasubaybayan. Natapos ang training (March)--ayan na! halos araw araw nang frontpage ang mukha ni Corona, lahat ng angles ng 'sad/worried face' niya na-capture.

Simula palang, halata na ang pagka-dungis ng proseso. Eh nilabas sa media lahat ng props para kay Corona, ano pa aasahan natin? Eh di sisiklab ngayon ang mga tulad kong wala masyadong alam sa pulitika.

Ganun naman eh, konting mali, grabe na ang reaksyon. Malinis tayo eh noh? Pero eventually, naawa na rin ako kay ex-CJ, kasi halatang... "Whoa!! sana nga!" yung muka niya eh. Meron siyang hindi hinayag sa SALN niya, pero hindi naman ata sinabing pati childhood-dream-properties eh kailangan i-declare. Eh di sana sinama niya na din yung kotse ni batman.

Nawala ang sympatya ko kay Corona nang inatake siya ng diabetes. Napa-"SERIOSO?? drama nanaman?" ako. Eh lahat sila ganyan ang skit eh, paiba-iba lang ng sakit. Hindi naman niya kasalanan na atakihin ng diabetes. Ikaw kaya ma-stress ng more than five months, try mo.

Kaso isa pa din eh nung pinagsalita siya, anak ng, daming ka-CHIC-an na sinabi, (pero walang tatalo sa ka-chic-an ni Villar, promise! Alam niyo yan), parang nasa Baclaran ang sentro ng apoy, sa Baguio ka nagpadala ng bumbero. Or... Hindi ko lang nanaman gets? Hindi ko gets kung bakit sinabi niya ang health condition niya, ang hard family situations niya. Duude, paliwanag mo lang SALN mo, okay na eh.

TADA!! Judgement day na! Sakto, day-off ko nun. Hanep lang! Sana pumusta ako sa ending! Alam ko na eh, 20-3 talaga yan! HAHA!

Inabangan ko ang sasabuhin ni Miriam, Marcos, Jingoy at Chiz. Ewan ko ah, pero parang natuwa ako bigla kay Jingoy pagkatapos nang magka-issue ang mga ka-parian ng Pilipinas dahil sa mga "PAJERO" nila.

Anyway. Hindi na ako nagulat na sumigaw nanaman si Ma'am Miriam, at dabes ang unlispeech niya. Bahagya siyang nagbigay ng open-forum sa gitna ng senado. Malupit ang researches niya.
Within the day lang, naka-paskil na yan sa pader ng facebook. 

Marcos, very diplomatic ang atake, at halatang hindi rin siya nabulag sa SALN discrepancies ng nasasakdal.

Jingoy, wala, cute lang, kamuka talaga siya ni Erap noh? HAHAHAAH! de, joke, hindi ko na matandaan sinabi ni Sir Jinggy basta alam ko inabangan ko siya. (nonsense)

Chiz Escudero, natuwa ako sa pin-ropose niya na lahat ay pipirma ng waiver. Ang tanong, ilan din ang magpapaayos ng accounts nila. Kaya sila nasa pusisyon eh malamang may pre-arranged under-the-tables, what more ngayon? Well, sana hindi na.


Limang buwang tela-novela sa senado, suot ang Hogwarts na baro. Mayroon tayong nasaksihan na....
MYSTERY! THRILLER!
DRAMA!

ROMANCE!
at syempre.....  hindi makakalampas ang...
COMEDY!!
Matagal na ngang wala si Corona sa pwesto, pero sana'y totoo ito.
at hindi para takpan ang hacienda de cojuangco.

*All images posted are from google, those are not mine.

PBB Teens: Promise, ayoko na i-try

Madami daming gabi na at pagkakataon na nagtrend ang #PBBTeens, isama na natin ang mga pangalan nila Myrtle. HAHAHA! Di ba? Sikat sila talaga, kahit na hindi nakakanood ng reality show na yun eh, alam ang pangalan. Sa twitter pa lang nakakainis na ang tema, ano pa pag pinanuod ko yan? Magtatanggal nalang ako ng alikabok sa bookshelf.

De joke. Kahit kasi gustuhin kong panoorin ang palabas na yan, eh wala din akong oras. (Feelingera si atih!) De, wala lang kami talagang TV. Anyway, halata naman na ang mga nanunuod nito ay walang magawa sa buhay, pasintabi lang ho sa fans ng show. (Pwede niyo na rin i-close ang tab na ito, dahil promise, walang pumilit sa iyong basahin to)

Pero seryoso diba? Kung magpapa-entertain ka lang naman, eh dun ka na sa masaya ka, hindi yung makapagtweet eh halos isumpa mo yung show, kesyo OA dahil umiyak lahat, kesyo landian ng landian... Aysuskupooo! madami kayang ibang channel, try mo pumindot ng iba sa remote noh?

Sabi nga nila, "kanya kanyang trip lang yan", eh kung trip niyong masira ang gabi niyo bago kayo matulog.. ah e labas nako jan, sino ba naman ako para pigilan ang kasiyahan niyo diba?

Sa kasalukuyan, #PBBTense and trending. Gosh, never failed to climb the trendlist ang show.

Sa may malaking boses na tinatawag na "Kuya", elibs ako sayo ser! Humaling na humaling sayo ang tweeps.

Siguro nga ang show na ito yung nagsasalamin kung ano ang tunay na personalidad ng mga kabataan ngayon,  at siguro nga kaya naaasar ang iba dahil hindi na tayo ganun kabata para lumandi at maging walang paki sa mga bagay na dapat may pakielam tayo.

Ang masama lang kasi, at nakakatampo, sana kung napansin na natin (sa loob palang ng bahay ni kuya) na wala na talagang sense ang pangyayari, imbis na drama ang gawing pakulay, sana medyo school-type yung ginawa. Yung may disiplina sana, yung mababawasan sana ang kalandian ta ka-dramahan.

Kasi pinapanuod sila ng buong bayan eh, para lang maiwasan na mapahiya sila sa harap buong bayan. Dahil tignan niyo, pati reaksyon natin nakakahiya.

"Ang landi landi talaga ni (kung sino man siya)" ---tweet

Mukha bang worth-tweeting? Hindi, nakakainis lang din, kasi mundo nila yun at nakikimundo ka, nakikiproblema ka.

Tama na, magtrabaho o mag-aral ka nalang.
So, sila pala yan.. K.





Sunday, June 17, 2012

Hindi na ako BUM!

Salamat sa iyo Bro! Actually, matagal tagal na din akong hindi bum, medyo halata naman yun dahil matagal tagal na din akong hindi nagpapapansin dito sa blogger. Mas aktibo ako sa 'twitter', alam ko! Hindi ako artista pero, masarap lang magma-feeling. :)

So nag-umpisa ang training noong January, nagtapos nang Marso, lumarga ng Marso 23, 2012.
Trabaho ko? okay naman, people-oriented.. sobrang person oriented...

BOOOOOM!!

Nahawaan ako ng.. CHICKEN POX! oo! Chicken pox man! Sa tanda kong toh! Ngayon lang ako nagkaroon ng bulutong. Bwiset talaga. Muntikan pa naman lumaki sa ilong ko ang bulutong sa muka ko. Bwiset.

Hindi ako hinayaang mag-trabaho ng sampung araw, at pangatlong araw kong naka-tengga dito sa bahay.

Eh ang kaso ganito, Probationary ako, mag-tatatlong buwan pa lang, hindi maganda sa record di ba? WhattheF telege.

Kaso, ano magagawa ko? Fudge lang talaga mga sir, mukhang witch na pango. Hindi nako maglalakas loob na magpost ng picture dahil alam kong pagsisisihan ko ito balang araw.

Hindi talaga ako pakapaniwala, akala ko kasi nung una, pimples lang. tapos biglang nagkaroon sa legs. Imposible namang rashes un, kasi, imposible talaga. Anak ng choochoo. Badtrip.

So ayun, hindi nako BUM pero may chicken pox naman.