There was an error in this gadget

Saturday, December 24, 2011

Aruykupo! Di pa ba tayo sanay?

Dati, sangkatutak na ka-konserbatibuhan ang pinapairal ng mga Pilipino. Pero ngayon, hindi na.

Dati, pag may lakad ang pamilya, lahat! Sasama, uunahin ang pamilya.
Dati, pag sinabing ito lang ang 'pwede', wag kang makulit dahil kahit anong ngawa mo jan, yon lang talaga ang pwede.
Dati, ang paninigarilyo ay para sa mga nakakatanda lang at may mga sweldo.
Dati, hindi tanggap ang babaeng lumalaklak ng serbesa sa kung saan saan.
Dati, ang nakasal lang ang pwedeng tumira sa iisang bubong.
Dati, ang alas-sais ng umaga ay mejo madilim pa.
Dati, ang mga bakla't tomboy ay kinamumuhian.
Dati, hindi kailangang magtrabaho ng mga nanay.
Dati, ang mga damit ng mga tao ay hindi pa kasing weird ni Lady Gaga na ultimo karne ginagawang damit.
Dati, ang usapang sex ay sagrado't walang pwedeng sumigaw ng mga private organs natin out loud.
Dati, di ka pwedeng mag-rason sa nakakatanda saiyo.

Lahat yan, dati na. Ahh, yung iba mejo natira..
Pero madami pang 'dati' na maaring idagdag sa listahan, masyado lang siguro akong bata para hindi malaman yung mga yun.
Nalaman ko lang naman yang mga yan base sa mga kwento ng Tanders e.

Ngayon, marami na ang pagbabago.
Ayaw mo man o hindi, wala kang kontrol sa takbo, pero may kontrol pa din kahit papano kung papairalin mo 'to sa pamilya mo o hindi. Mejo mahirap nga lang kontrolin. Para kang nagpigil ng tsunami.

Hhmm..may mga matatanda, elders na nakakaintindi sa mga pagbabago. At meron namang, wala, walang pag-asang makaintindi sa mga pagbabago. Pag isa sa mga nakagisnang 'Dati' ay hindi nasunod ng mga kabataan. Bastos ka na, walang modo, walang respeto, kulang nalang itakwil ka sa angkan.

Kung sabagay, may mga paraan namang nakakabastos. Pero may banat na innovative yet respectful. Maganda yun, kaya yung ibang elders nakiki-jive na din sa mga trip natin. Konting hide-hide nalang ng mga mejo extreme-trips na alam naman nating tayo lang ang makakaintindi. At least may effort silang umintindi. Kaya naman sa facebook, hala! Hide ng mga.. hhmm, alam niyo na yan.

Meron din namang mga elders na mababait. Open to changes. Kaso, minsan, naaapi nga sila, sabay tanong ng "Ganyan na ba talaga ang mga Kabataan ngayon?".. sabay analyze. Kaya dumadami ang wrinkles niyo mothers and fathers. Sabi nga eh, "Hindi porket nasanay na ang mga mata at tenga natin sa kabastusan eh tama na iyan, baka tularan pa ng mga mas nakakabata."

May mga pagbabago kasing hindi masyadong iniisip. Padalos-dalos ika-nga. Hindi natin napapansin na may natatamaan at naaapektuhan na pala tayo sa hindi magandang paraan. Sana ba kung sa atin lang ang mundo.. okay lang. Pero kahit papano kailangan nating MAKISAMA.

Hindi masyado magandang tignan kung sa isang pamilya, KANYA-KANYA na.
Walang pakielamanan sa nararamdaman ni nanay, tatay, kuya, ate o bunso. Kahit sana man lang yung tradisyon na yun lang ang maitago natin, okay na. Solb na.

Yun na nga lang ang magpapasaya sa'ting tunay e, tatakwilan pa ba?
Give and Take lang.

MERRY CHRISTMAS!

Monday, December 19, 2011

Ano ang SMP?

Pinauso ng nestea.. Samahan ng Malalamig ang Pasko daw..

Wehh? Seryoso? Di kaya.

Ang ibig sabihin niyan,

SARAP MAGING PANGO.

Dear Gasolina

Dear Gasolina,

Isa ako sa mga namumubrublema sayo sa twuwing magtataas ka, pa-cute ka naman pag bumababa ka.

O sige na, direchahan na tayo, ano bang balak mo? Magtataas ka nanaman ba? Lahat naman ngayon magmamahal na ulit o nagmahal na ulit, uso eh, pasko diba? Ikaw pa magpapahuli? Eh ikaw ang gasolina. Sikat ka, di matitiis ng tao.

Alam mo ba? Ngayong taon lang ako nagkaroon ng lisensya. Pwede ko nang mailabas ang kotse namin. Kaso di  ko magawa yun dahil wala pa akong pambili sayo eh.

Ibang klase ka talaga Gasolina, ibang iba talaga. Sigurista kang tunay. Elibs ako sa iyo, tigas mo. Di ka ba nakokonsensya? Ang daming nag-aaway dahil sa mood-shifts mo. Pisces ka ba? Hindi porket alam mong kailangan ka ng tao mag-dedemand ka ng ganyan. Di lahat ng tao kurakot, hindi lahat isasa-alangalang ang budget sa pagkain para lang makuha ka. Maawa ka naman.

Sige, sabihin na nating, Gasolina ka nga, sabihin na nating di mo kasalanang maging Gasolina. Kaso nagpapagamit ka e, di mo ba nakikitang maraming nahihirapan dahil sa trip ng mga lokong pinagttrabahuhan mo? Mga walang puso.

Kanina, sumakay ako ng jeep, bina-backstab ka ng tsuper. Dahil di ka nagmumura, halos lahat minumura ka na. Sabi ba naman ni manong, "Putanginang Gasolina yan, ubod ng taas."

Seryoso? Di ka ba magpapaka-humble? Wala ka man lang bang offer na unli?

Ayan, sobrang sama mo, pinipilit ka nang palitan. Napalitan ka na nga ng ibang taxi drivers eh, LPG pangalan niya. Ano? Malapit ka nang ma-deads. Pero siguro kakunchaba mo din talaga ang tadhana, mejo supot pa ang ideyang yun, kaya mejo napapaisip pa ang ibang gumaya sa konseptong yun.

Pero, dapat matakot ka na, matalino at madiskarte ang mga Pilipino. Mapapalitan ka din namin ng buong-buo.. SOON! May nakaimbento na nga pala samin ng makina ng kotse na tubig ang gamit bilang kapalit mo. May electricity-generated vehicles pang umusbong!

Hindi ka pa ba natatakot? Okay, kung di pa, sige, ikaw yan eh. Panindigan mo pagiging Gasolina mo, basta binalaan na kita. Okay? Klaro?

Okay, thanks, bye.

God Bless you. Merry Christmas.

Love,
Vivie


---------------------------------------------------------------
entry for: http://www.gasolinedude.com/2011/10/gasoline-dudes-blogversary-writing.html

Tuesday, December 13, 2011

Tomboy Turns

Hello! Kakauwi ko lang galing sa tugtog namin dun sa Christmas party ng opisina ng kabanda namin. As usual, ano pa nga bang bago? Ang dami kong mali.. Anak ng grasshopper vie! mag2-2012 na, End of the world na o, sablay pa din ka pa din. Anak ng...

Dumating kami dun at mararamdaman ang aura ng.. 'Mabuhay ang kagandahan, ka-kinisan, ka-tangkaran at! Ka-kurbahan'. Mga magagandang dilag na nagdulot ng pagdadalawang isip ko kung babae nga ba ako o lalake. Ayan nanaman ho ang 'Identity Crisis'.

Kumain kami ng mga hindi ko mabigkas na mga pagkain, pero nalunok ko naman at nanguya ng maayos. Sarap nga ee, libre kasi, tapos ganun pa mga nakapaligid! Nakupooo nakakgana nga naman.

Maganda ang stage, puno ng instruments. Tapos, may lalake na naglatag ng bass. Sabi ko.. wow! Di ako ngunguyain nito, lunok agad! Alam ko magaling siya. Basta alam ko.

Habang tumutugtog kami, alam kong madami nakong mali pero fini-feel ko nalang yung kanta, tinigtnan ko minsan yung paligid, at nakikita ko na yung bahista ng kabilang banda na mejo nakatingin, kaya tumalikod nako. Hiya ako.

At nang matapos kaming tumugtog  sumunod nga yung isang banda na regular naman palang tumutugtog dun. Hanak ng! Ang galing nga ng bahista nila!!! Ewan ko, pero kasi bano talaga ako. Hindi siya madamot sa chords, talagang tinataas niya.

Cute siya! May dimples! At!

Pag napapatingin siya sa side namin, KINIKILIG AKO!!

Eh di lalo na nang magkaron ng eye-contact, MAS KINILIG AKO!

Nabawi ho! Babae na ulit ako! Magdamag nakong nakatitig sakanya.

Sabi ko sa kasama ko, "Ui! gusto ko magpa-picture!"
Hindi talaga ako ganun, pero for some reason, ewan ko ah? Lumalandi na ba ako o iba kasi ang kamandag ng dimples ni Kuya? Eh ewan ko.. basta kinikilig ako. Surebol.

Eh natapos na silang tumugtog, napapaisip ako kung itutuloy ko ang kalandiang naisip ko..
Nang biglang pumasok sa kokote ko na,
'Ay! di ko nga pala kilala mga tao dito, so.. if ever, walang makaka-alam, wapakels sila'
'Picture lang naman!'

Nag-cr ako.. nakita ko drummer nila sa labas.. pero nag-c.r. muna ako.
Di ko namalayan na nasa c.r. din pala ung kasama ko.
Pero nag-c.r. muna talaga ako, habang nag-wiwiwi ako..
"Ui!! nasa labas yung drummer! Pag lumabas tayo nandun parin sila.. Papa-picture ako ah??"
"Oba, ikaw bahala"

(Pero binilisan ko talagang lumabas para maabutan ko yung banda)

Success. Andun pa sila.
"Kuya, excuse me po, pwede po bang magpa-picture sa bahista niyo?"
"Ay nasa loob yata, sa may bar"
"Ay, okay po."

Pumasok ako.. takte, para akong batang nasaniban. Ang tapang ko, walang ka-demure-an na natira sa katawan ko. Hinanap ko siya. Nakita ko siya.

"Excuse me po, pwede pong magpapicture?"
"Ah! ikaw yung bassist kanina diba?"
"Joke lang po yun" (kasi nga dami kong mali di ba? AS IN)

(Pictuuure!)
Friend: Ay mejo malabo. Madilim kasi.
Crush: Sa labas maliwanag, sa may c.r.
Vivie: Taraaa!:) (kumikinang na mata ko)

(Pictuuuure!!!)
V: Thank you po!:D ano nga po pala name ng band niyo?
Crush: (Ewan ko, di ko maintindihan yung sinabi niya, pero ang lakas ng dating niya)
Ano nga pala name mo?
V: Vivie po.
Crush: as in BB? sabay turo sa phone ko.
(Kailangan may coordination kuya? Tsk! baka tayo mag-coordinate niyan!)
V: ay hindi po, v-v po.
C: ah, haha! Vivie
V: Eh kayo po?
C: Vince
(tapos inabot niya kamay niya, pero di kami nag-shake, nag-hawak lang, ANAK NG!! mas malambot pa kamay niya sakin! Nakakahiyaaaa!)

Mejo mga 6seconds din yun. Ahehehe.

KINILIG AKO!!! Merry Christmas sa lahat ng may crush!
Manatili tayong may 'dating'!

Buti di ako nag-heels

Sa kaibigan kong nangunsinti sa kalandian ko, yer the man!
Sa kabanda namin na nag-invite para tumugtog, SALAMAT!
Kay Vince, Hi po. :) You like science? Kasi we have chemistry oh!

Ipilit pa!

Friday, November 18, 2011

Halimbawa ng mga Halimaw

Biglaan lang kagabi nang magkita-kita ang ilan sa mga tropa. Kwentuhan, as usual.
Pinayuhan ako ng kaibigan na aralin ang tipa nito.


Siya si Halimaw example #1

Di ko alam kung ano naisipan ng kaibigan kong yun para i-recommend yan. Kasi kay Halimaw example #2 eh walang humpay na ang pagsamba ko.
 
Siya nga si Halimaw example #2

Alam ko namang marami pang mas halimaw sa kanila, kaso kasi, mukhang di ko na sila kayang tanggapin pa... grabe ang pagsira ng pangarap eeh. Lalo na si...

Halimaw example #3

Ewan ko naman kung anong trip nito ni kuya, ginawa na ngang piano yung bass.. di pa nakuntento sa isa. May utak ata na sarili ung kabilang kamay ee. 


Hay naku mga halimaw.

Sunday, November 13, 2011

Seatmate

Naalala ko lang yung seatmate ko nung college, kadaldalan ko yun.
Pero malas niya, siya napapagalitan, ako hindi. Di kasi marunong magpigil yung ng halakhak niya.
Itago natin siya sa pangalang 'Gloria'. Hhhmm! bango ng pangalan!

Isang beses, nag-check kami ng papel.
G:Vie, ano ulit sagot sa number 5?
V: (Sinabi yung sagot)
G: okay, thanks! Hhhmm, Vie, bakit nga pala wala ka pang boyfriend?
V: (Napa-super weird look ako sa kanya) Okaayy ka lang???
 Pagkatapos mo akong tanungin kung anong sagot, yan naman tanong mo? Anong relevance??
G: Napaisip lang ako
V: Nambabastos ka ba? o gusto mo lang na doktorin ko papel mo?
G: Gago ka, ano naman feeling mo sakin? Di ako papasa kung di mo dodoktorin yan?
V: Oo, kasi di ka nakakopya kanina e.
G: Ugali mo din eh noh? Sama mo.
V: Direchahan na kasi, ise-segway mo pa kasi sa kabastos-bastos na tanong e.
G: Tangek, natanong ko lang talaga.
V: Muka mo.

(# 17 na.. konti pa lang ang check ni Gloria)

V: O pano ba yan?
G: Pleeease?

Alam na.

Pacman vs. Marquez

Ayun! Nanalo si Pacman pero mejo hindi natuwa ang madla.
Wala nakong pakelam.

Kayo na bahala magisip kung ngka-dayaan nga ba o nagka-bayaran.
Basta siya nanalo. Di ko ikayayaman ang pag-analyze jan.

Ang iniinda ko, di ako nakapanood ng live. Walang kwentang cable yan.
Muka lang akong tanga na nag-aabang ng tweets galing sa ANC.

Hindi naman ako makanood sa laptop kasi, bubulok bulok na rin to.
Nagrereklamo lang ako.

Nung naabutan ko sa GMA ang laban, mas nainis lang ako.
Ang sarap ng pagkain sa Tokyo tokyo commercial.
Badtrip.

Tuesday, November 8, 2011

Leukemia

Wala pa din akong trabaho, pero mejo sume-segway ng business. Baka may tutoran akong bata mamaya, grade five student. Kapatid siya ng tropa ko, sana matulungan ko siya. Kahapon, may baon pa kong assignment niya na 'Book Report', kaya ayun busi-busihan ang pango.

Bago ako gum-raduate ng highschool, mayroon nakong mga nararamdamang mga sakit sa dibdib (sana nga dahil  lumalaki yung boobs ko eh, pero hindi), sa likod at sa paa. Ayokong magpa-check-up kasi sasabihin nila, sa yosi to. Sus, nevahmind duhkter!

Kagabi, actually, kanina, mga alas-3 ng madaling araw, nagutom ako. Kampante naman ako na may pagkain kasi bertday ni erpats kahapon. Bale, may tirang pansit sa lamesa. At alam kong para sa akin siya.

Eh di ayon, ano pa nga ba? Pag gutom, eh di kumain! Walang diet diet! Kahit mas malaki na yung chan ko kesa sa boobs ko.. WAPAKELS!

Pagkaharap ko ulit sa laptop kong bulok, mejo nakaramdam nako ng paninikip ng dibdib.
Sabi ko sa sarili ko.. 'Ah, tubig lang 'to'

Wala, masakit pa din..
Makapagyosi nga.. (Tanga)
Eh di mas lumala.

Hanggang sa hindi ko na kaya..
Nag-goodnight na ako sa ka-chat ko.

Eh di sabi ko nanaman sa sarili ko.
'Alam ko na, lambing lang 'to galing kay ermats'

'Moooommmy!!!'
eh si mommy tulog na, malamang alas-3 ng madaling araw ee.

'Maaaamy!! Chest pains ulit'
Naiiyak nako, kasi ang sakit talaga.
Parang may nakapatong na 5 Margarette (yung pamangkin ko) sa dibdib ko.

Iniipit ko na yung dibdib ko ng unan, tapos naka-fetus position pa ako.
As in namimilipit ako sa sakit.

Bumangon si ermats.
Aba! Galit (First time!)

'Ano ba naman yan! Anong oras na?'
Sa isip isip ko.. mata-taymingan ko ba yung sakit?
Kasalanan ko bang kumain ng pansit? Eh gutom ako.

'Wag ka nang lalabas!' (Sino ba naman lalabas ng alas-3 ng madaling araw na masakit ang dibdib?)
sabi ko.. 'Tutor'
'Mommy, tutor'

'ANO??!' Iritable talaga siya.
Naisip ko tuloy.. Di ako love ni mommy. (Bata ampotek)
Tutor... sabi ko ulit. (Kasi mamaya na ako mag-sstart)

Hinihilot niya na ulit ako..
tapos kinuha yung BP ko..

'Uminom ba kayo kagabi?'
umiling ako..
'Abusuhin mo pa yang katawan mo!'
Hindi nga po ako uminom ehh.

Hanep di ba? Namimilipit ka na, sinesermunan ka pa.

Ngayong umaga, dumating si kuya...
at the same time, malambing na din si mommy. Nasa wisyo na ee.

'May, wag ka na kasing maliligo ng madaling araw.'
Eh ang lagkit kayaa, kahit na sabihin mong may aircon.. iba padin pag fresss!
Atchaka, di ako naligo kagabi. Nagpalit lang ako ng damit.

'Alam mo bang 100 over 70 ka?, lowblood ka'
Ehh okay lang.. halos lahat sa tropa maga ganun ganun din ang score sa BP.

Eh di si kuya emeksena!
'Hoy! gusto mo bang magka-leukemia?? Ang bata bata mo pa! Wala na kaming kapatid!'

ANAK NG TIPAKLONG!!
Winner ah!
Para ngang sa tono niya, excited siya eh! Chaka, maka-leukemia naman 'teh!
Di ba pwedeng stressed muna?
Over eh!

Tanggap ko namang magkaka-cancer ako balang araw pero.. hindi cancer of the blood. Lungs, pwede pa..


Di ko din ma-gets kung malabing ba sila o may hidden agenda ee.
CHIIC!

'Under-aged ka pa nga sa ibang mga trabaho tapos ngayon 20 ka palang kung anu-anong sakit na yang meron ka'

Parang hinatulan eh.

Wednesday, October 19, 2011

Mag-smile ka naman jan sir!

May professor kami nung first year college, prof namin siya sa Philippine Constitution. Tuwang-tuwa ako sa istilo niya magturo. Malinaw siya mag-hayag ng mga facts at maganda siya magsulat. Eh bihira yon sa prof di ba?

Mas challenging basahin sa board ang sulat nila, mas natutuwa pa ata sila kasi, nate-test nila kung sino talaga ang nag-eeffort na magtake-down notes ng mga tamang salitang nakapaskil.

Si Sir na hanggang ngayon naka-wowee deguzan hairstyle ay isa sa mga gurong hindi ko din makaklimutan. Sa klase niya libreng makipag-debatehan tungkol kela Andres Bonifacio at sa poging pogi kong idol na si Rizal.

In fact, dun kami nagkaron ng 'konek' ng kaibigan ko, (pinagkakamalan nga pala kaming lesbiana) kasi pagkatapos niya mag-recite, si Repato naman ang tatayo.

Noong nag-birthday siya, sinurprise siya ng klase namin.. nagsulat sila ng malaking 'HAPPY BIRTHDAY SIR' sa harap.

Pagpasok niya, napatingin lang siya.. tapos with garfield eyes.. 'Thank you'. Walang expression ah! As in wala!

'Sir! di niyo po ba na-appreciate? Wag na tayo mag-klase pahinga muna kayo.. pagod na pagod po ata kayo.' Kinantahan pa nga ata siya ng 'Ikaw, na ata ang pinakamagandang lalake sa mundo...lalalala'.

Siyempre, segway para makatakas sa lecture. Di siya pumayag, binura niya lang yung nakasulat sa harap at sinulat ang 'topic for the day'. Ayun, nalungkot lahat. FAIL mapangiti si pogi eh.

Nung fourth year kami, naging prof ulit namin siya sa Rizal. Eh ano pa nga ba? Mas nainlove ako kay Rizal. Ganun pa din, isa ako sa masugid niyang taga-recite. (Pambawi, kasi late ako lagi)

Noong isang beses, tapos na klase namin, kaso hinihintay namin yung tropa naming pasaway kasi tinawag siya sa office... Nakita namin si sir, eh di kami naman si corteous. "Goodafternoon sir!", nagreply naman siya ng "Goodafternoon ladies". Garfield faced padin.

Ang tagal ni tropa, eh napansin ko, wala pa yung mga studyante sa loob ng classroom... Kumatok ako..
"Sir, pwede po kami maki-sit in? behave po kai promise."
Sabi niya..
"O? talaga? sige"

Parang di ata siya makapaniwalang.. may gustong mag-sit-in sa klase niya. Eh hello si Rizal the pogi ang topic. Kahit ilang beses pa yan. Oks lang sakin!

Ayan na hinatak ko yung dalawa ko pang friends. 'Tara!! minsan lang oh!', 'Di ba nakakahiya?'. 'Wow, chic! Tara naaa!'. Ayun..

Walang nagre-recite sa klase.. at! Walang nakaupo sa harap! Kami pang nakiki-sit-in ang nasa harap.
AHHH!! ayaw niyo mag-recite ah!

Recite ako!

ANAK NG TIPAKLONG!!! Nag-smile si sir!!!

FIRST TIME EVAHH!!

FULFILLMENT!!! Napangiti namin siya!

Mga ilang minuto ang nakalipas.. nagtext na yung tropa namin. Hinahanap na kami..
Eh di nagpa-alam na kami kay Sir. Tas sabi niya 'Thank you'. WOW! Damang-dama namin!
Paglabas namin.. sabi ng tropa namin.. "Ano ginagawa niyo sa loob? Bakit nag-Ririzal ulit kayo?"

Proud kaming sabihin na..
"Loko! NAPANGITI namin si sir!"

Alam niyo yung reaction niya (nung tropa).. kulang naman sabihin niya.
"Ay, bakit? Crush niyo si sir?"

----
Iba lang yung feeling pag may napapngiti kang tao. Sarap sa feeling.

'Friend-on-call'/Nagmamarunong

Minsan naisip ko kung matino ba talaga akong tao o nagmamarunong lang akong maging matino.

Inaamin ko namang nagkakasala ako, di ako mabuting Kristyano pero trying hard talaga to the fullest.

Kadalasan kasi ngayon, ako yung 'friend-on-call', yung tipong.. isang text lang ng..
"Vivie, free ka? Tambay tayo!"

Since ako ang nagwawagayway ng bandila ng mga bum sa tropa, wala akong karapatang tumanggi. Di naman sa tinatamad ako.. pero kasi, nauubos ang allowance ko sa overpriced drinks. Hampaslupa nga ako remember?

Sa isang banda, kailangan ko din umalis ng bahay kasi hindi naman malusog na pamumuhay ang manatiling nakababad sa harap ng libro/gitara/laptop/telebisyon araw-araw. Maniwala kayo, hindi. Ayoko naman magising isang araw na hindi ko na matandaan yung feeling ng init ng araw. OA! Kala mo centralized yung aircon sa bahay eh noh? Tigas ng mukha ko minsan magreklamo, pasensya. Feeling mayaman e.

Osige, eto kasi ang kaso ngayon. Panahon ata ng problema ng mga relasyon ngayon? Ang benta ng 'viviethoughts', ang tanong, eh nag-reregister ba naman sa mga suki ko ang mga payo na ipinapamahagi?

Ang mga payo pa na yon, partida ah! Galing sa isang single na nilalang. Ano bang alam ko?? Minsan, sarap din nilang tanungin ng..
"Nang-aasar ka ba?"
"Tini-train mo ba ako?"
"Pa-explain muna pwede?"

Kaso wala e, minsan kailangang pigain ang utak para mejo bumuti ang pakiramdam ng nag-request ng tambay... Para maintindihan ng mga babae na magkaiba talaga ang lalake sa babae. Magkaibang-magkaiba. Hugis pa lang at madami pang iba. (Wag na detalyado, total..'di naman pare-pareho ang mga lalake di ba?)

Kadalasan naman, pag bobong bobo na talaga ko sa mga relasyon na yan, nanahimik lang ako. At least, alam nilang may nakikinig sa kanila. Mas okay na yun kesa sa sabihin kong, 'Break na yan! Shot naaaa!!' Please, highschool? Konting ka-maturan. Konting laban. Konting effort.

Ina-analyze naman namin yon kahit papano, sa isang banda, nagrerecord din kami ng mga sinasabi nila. Madalas kasi kaming  nagkaka-busugan ng mga sarili naming salita ee..

At least, may magsasabi ng..
"O teka, di ba sabi mo ...."

Trying hard naman kasi lahat ng may mga 'paki'.

Pero, may mga taong ayaw magpakielam. Akala natin nakakatulong tayo pero, hindi pala.
Isang matinong pagsabi nalang ng.. "Sige na, okay lang kami"
By all means, kayo na bahala... Pagdadasal nalang namin kayo ha?

Para magupit na 'tong kabarberuhang 'to, eto nalang..
Sa lahat ng walang makausap, go, eto lang ang tenga.
Sa lahat naman ng ayaw magpakausap, ilalayo lang namin ang blade sa paningin mo, pati baril. At di ka pwedeng pumunta sa SM ah! Kahit anong branch.

Endearments

Tuwing kelan ba napapahiya ang tao? Tao nalang naman ata ang may pakelam sa dignidad ee..

Malamang.. namumula ba ang aso pag napapahiya? (Kuya Kim, ano po ba?) Kaya nga sobrang sakit pag tinawag kang 'hayop' o di kaya'y 'bitch'.

Pero.. sa panahon ngayon.. pansin niyo bang sobrang normal nalang na magtawagan ng 'hayop' sa kalye?
At! nagiging endearment na ang 'bitch'. HAHAHA!

Nakakatuwang isipin dahil sobrang iba na talaga ng mundo.. sobrang maliksi ang utak ng tao. Noong una kung narinig sa tropa namin na nagtatawagan sila ng ganun.. Napa-'WHAT'? ako. Partner-an pa natin ng.. 'SERIOSO? ANO YUN? May away ba?'

Kaso hindi pala, napagtanto ko na sila ang nagiiba ng kahulugan ng mga masalimuot na salitang iyon. Pero, hindi parin ako nagpapatawag ng ganun, di parin matanggal ung 'eeky' feeling. Ang cute lang nila panoorin, okay nako dun. Kanya-kanyang trip.

Ganto pa nga sila ee.. 'Bitch, anong ulam ngayon sa tambayan?' (Sweet pa yung tono ah)

Sa mga nakakatanda.. intindihin niyo nalang po sana ang henerasyon namin.. kasama na po ito sa mga napakarami pang nakatago na ka-abnormalan namin.

Minsan ba naranasan/nakarinig kayo ng sobrang wirdong endearment?

Noong unang salta ko sa isang tropa.. tawag sakin, 'ulol'. Acceptable naman, kasi laging ang taas ng energy na parang asong ulol na. Take note, galing nako sa school nun ah. Buti nalang ngayon, di na yun ang tawag sakin.

Kweky/Baby Sister/Ginger/Sugar/Puff/Partner

Yan, yan na ang tawag nila sakin.. kasi diba sa tropa, may kanya-kanya kayong tawagan. Eh kung di niyo naranasan yan, tapos babae ka.. mejo iba ka. Nakihalo nalang ako sa trip na ganyan..

Hanggang sa lahat ng tao/bagay pinapangalanan ko na..

Pero, alam niyo ba kung ano ang weird? Wala akong maisip na matinong endearment pag may 'Special Someone' na. Tipong naubos yung powers kong man-binyag.

Kasi syempre gusto ko unique! Tama na yang mga...
mahal, love, babe, baby, sweetiepie, honeybunch, muffin, honey, sweetheart,
heart, sweetie, sweet, miel, schatz, dairen at iba pa!

Ah alam ko na! Next boyfriend ko! Tawag ko na sakanya.. COCO MARTIN!
at ako si YAMMY!

HAHAHAHAHAHAHAHAHAH!

(Pang-habangbuhay kong COCO MARTIN! Nasan ka na?? )

Friday, October 14, 2011

Know Things for Yourself

Alam mo sa school, ayaw na ayaw ng mga professors ang 'Spoon-feeding'. Kasi nga naman di na ginagamit ng mga estudyante ang mga utak nila. Pare-parehong istilo para lang mapadali ang solusyon.

Wala nang...Spontaneity na tinatawag. Lahat naka-format, para daw may kaayusan. Ayan! Sige! Eh di robot na gumraduate ang mga estudyante pagdating ng Marso.

Sinasabing..'Do Something New'.. pero sangkatutak na rules and regulations naman ang ilalatag sa iyo. At yung rules na yun ah.. tipong pati paghinga mo bawat minuto kailangan nasa ayos.

Masaya ako na naituro ang Tama sa Mali. Ang Tama ang dapat gawin.. pero paano kung yung Mali, maganda ang epekto. Diba ibig sabihin, nag-sugal ang tao? Eh sabi nila, bihira ang tamang pagsusugal. Lahat naman nagkakamali e, pero bakit pag bago ang mali.. wala nang handang tumulong? Tablado ka na ng buong populasyon.

Ewan ko.. pero yung mga gantong bagay, sabihin nang tanga ako, o makitid ang utak.. pero, di ko talaga maintindihan. Lahat contradicting. Gusto mo mag-explain? Okay lang.. comment mo dali.

Thursday, September 29, 2011

Philippine Airlines

May naisipan ang kumpanyang Philippine Airlines na mag-outsource ng mga empleyeado. At libo-libong empleyado ang maaapektuhan sa prosesong ito. Marami ang mawawalang ng trabaho.

Sangkatutak na welga at batikos naman ang inabot ng PAL galing sa mga empleyado/dating empleyado at mga pamilya ng empleyadong maaapektuhan ng outsourcing.

DRAAAAMA! Ayan nanaman ho tayo, magddramahan at mag-aaksyunan sa airport. Kahiya-hiyang eksena para ipakita sa mga dayuhan at kapwa Pilipino. Ano yan? may taping sa airport? Eksena.

Hindi naman sa hindi ko iniintindi ang mga nawalan ng trabaho, dahil, oo nga naman napakahirap maghanap ng trabaho ngayon. Sa napaka-kapal na kumpetisyong bumubulaga sa atin araw araw, hindi talaga natin maikakaila iyon.

Kaso kung iisipin naman nating mabuti, kung magsisisigaw tayo sa labas ng kumpanya maibabalik ba natin ang trabahong nawala?

At kung halata namang hindi nakikinig ang administrasyon sa ating mga hinaing, bakit hindi  nalang tayo gumawa ng paraan para makausad sa dagok ng buhay? Kesa sa ngangawa lang tayo maghapon at magsayang ng oras. May mahihita ka ba jan? Nandamay ka pa ng mga sibilyan, pinerwisyo mo pa ang bumubuhay sainyo, ang mga pasaherong na-delay.

Walang damayan. Alam mo na ngang may mali ang kumpanya hihiritan mo pa ng barbarikong banat? Asan na ang diskarte natin brad? Binigyan mo lalo ng dahilan ang kumpanya na tama ang pagpapatalsik sa iyo.

Isa pa, mag-iwan ka naman ng pride sa sarili mo. Kung alam mong walang kwenta ang kumpanya, walang pumipilit sa iyong manatili ka. At! unang una! Walang pumilit sa iyo na mag-apply ka sa kanila!

Pangalawa, naging boss ka na ba? Nagkaroon ka rin ba ng kumpanyang tulad ng pinagta-trabahuhan mo? Malamang sa malamang hindi, kaya wag kang magmarunong! Kung masyado kang marunong eh di gumawa ka ng sarili mong mundo. Simple di ba? Kesa sa magiging kritiko ka at aabang sa pagbagsak ng kumpanya.

Sa lahat ng PALEA members jan, paalala lang ho, 'Time is Gold'. Kesa sa sayangin natin ang oras sa pagpapaka-chic, gawin nating produktibo ang oras at humanap ng bagong trabaho o gumawa ng panibagong landas tungo sa mas masayang buhay.

'Everything happens for a reason' ho!

Sunday, September 25, 2011

Margarette

Anak ng tipaklong!! Ang cute ng pamangkin ko talagaaa!!


Ang Pangalan niya ay MARGARETTE RINOA
Ang tawag ko sakanya Meg
Ang tawag ng lolo niya sakanya Buretret

Kahit ano pang tawag sakanya, aminin na natin na cute talaga siya! Mukha ngang Koreana ee.. Pero, pinay po siya.. at pamangkin ko siya.

Siya syung tipo ng bata na  pag nakita mong ngumiti at tumawa sayo.. Erase na lahat ng pagod at worries mo.

Sa kasalukuyan, siya ang definition ng innocence, happiness and simplicity sa akin. Napaka-simpleng buhay.. ma-karga lang ni mommy, solb na.

Makakita lang ng bote ng Gerber, alam na! FOODTIME! Hahahaha! Ang sweet niya sobra. Siya ang anghel ng pamilya.

Mag iisang taon na siya sa susunod na buwan. Ang unang apo ng pamilya ay isang taon na! Excited lahat! Lalao na ang lolo't lola. Di mapakali kung san bibili ng damit! Wapakels na sa presyo ee, basta kay Margarette, lahat! Kaya!
Nakakatakot nga lang.. baka biglang maging spoiled to, katulad ng pag-spoil sa huling unica hija bago siya dumating.

Pero, hindi yan. Lord! Kayo na bahala, hehe.

Madaming pagababago sa pamilya nang dumating si Margarette.
Anjan na yung magliligpit kami ng bahay pag dadating siya..
Lilinisin ang bawat sulok, kulang nalang i-sterilize ang buong bahay.

Namememorize namin ang favorite songs niya. Alam niyo yung 'Three Special Steps' ni Agent Oso? Memorize namin yun! Kaming tatlo magkakapatid, sasayaw ng sabay sabay, mapatawa lang siya o mapatahan lang sa pagiyak.

Isa pang patok yung 'Hotdog Dance' ng tropa ni Mickey Mouse! HAAHAHA! Ang cute cute niya!
At! napapasayaw niya kami ah! Exclusive entertainers kami ni Margarette, ang bayad.. tumawa lang siya.

Minsan nagkasakit siya, at labas-pasok sa ospital... lungkot na lungkot kaming lahat. Di na ako sumasama sa ospital kasi ayokong makita yung pag-injection sa kanya.. Si mommy din, lungkot na lungkot lalo. Kaya isang araw...

Mommy: Tara, rosary tayo para kay Margarette
Kuyas and me: Okay po.

GANUN! Basta may 'Para kay Margarette'. Umu-okay ang lahat. Eh kami pa naman si tamad mag-rosary. Pero nung time na yun, heartlfelt talaga ang bawat Hail Mary..

Nakakatuwa ang mga baong saya samin.

Super cute pa!

Kaya naman na-conclude na namin ng isa kong kapatid na...

Nakakapressure magka-anak.. ang cute ni Meg e.
HAHAHAHAHA!! Totoo!

Wednesday, September 21, 2011

Reality shows are for the poor

Napakaganda ng konsepto ng Reality Shows..
Lahat kasi pwede..
Lahat sariwa..

WEHHH???

Wag niyo na kaming bolahin! Alam naman nating lahat na..
ang pinakamadramang buhay,
ang may pinakamakabagdamdaming storya..
ang laging..
WINNER!

Walang karapatan ang may-kaya manalo.
Kahit may talento ka, wala! Mas nakakaawa kasi ang mahirap.

Teka nga! kasalanan ba ng bata na nagsumikap ang mga magulang niya?
Bakit kailangang ipagdiinan na mahirap ang mahirap?

Gets na namin yun! Tulungan ang mahirap para lumaban, hindi i-endorse ang masaklap na buhay para yumaman o sumikat!

Hindi talaga patas ang mundo, pero ang determinado, may nararating dahil hindi tumitigil.
Hindi abnormalidad ang pagkatalo at pagkapanalo.. nasa timing yan ni Lord.
Kung feeling mo ikaw si Lord. WOW! Goodluck sa gimik mo.

Third Parties

Dati, sabi sa Biblya, ang mga nakikiapid ay pinaparusahan ng pampublikong paggagawad ng parusa.

Sila ay binabato ng bato hanggang makitil ang buhay..
Pero mga tol! Iba na ang panahon ngayon!

Ang pagiging third party o 'nakikiapid' ay isang estado na ubod ng hirap i-maintain..
Kaya naman minsan, kadalasan.. ipinagmamalaki na ito!

Kasi, pinaglalaban daw nila ang.. 'Pag-ibig'!!!
!@#$%^&*( NIYO!!

Hindi ko alam kung anong nagpapaandar at umaandar sa kokote niyo.
Hindi ko talaga maintindihan.. pero ang alam ko MALI!

RESPETO lang naman yan ee, pag nakuha mo yang 'partner' mo sa ganyang paraan..
duude! Matakot ka sa karma.

Sige, iba iba ang mga storya.. dahil magkakaibang tao nga naman tayo. Kaya nga naman suportado tayo ng mga nagsisulputang mga storya tungkol sa mga kabit.

Nakakaaliw nga naman ang mga kwento, pero hindi kailangang gayahin.
Utang na loob. Hindi porket matanda ka na at napatunayang hindi totoo ang kasabihang..
"Gaya gaya puto maya paglaki buwaya"
papalitan mo na ng..
"gaya gaya puto maya paglaki p*ta"

Konting moralidad lang, bawasan ang drama.
(hindi lang babae ang nagiging p*ta, dahil... ah! mahabang usapan yan)

Minsan din naman, hindi alam ng tao na 'third party' siya..
pero once nalaman mo na... alam mo naman ata ang gagawin..

kaso.. babanatan na tayo ng linyang..
"EH MAHAL KO SIYA E"

haylavet! haylavet! hay love the drama!!
Round of applause for the _______. (kayo na bahala)

Tuesday, September 20, 2011

Teacher! Teacher!

Ang mga guro o titser ay tinaguriang ga pangalawang magulang ng mga bata sa paaralan.

Hindi lingid sa kaalaman nating lahat na nag mga guro dito sa bansa natin ay may sweldo na kulang pa sa kulang talaga. Tipong masabi lang na, 'may sweldo ako'.

Kung tutuusin, ubod ng hirap ang trabaho ng mga guro. Sangkatutak na effort.

Nung bata ako, mejo pangarap ko din ang maging teacher.. kasi ang cool nung pag-nagchcheck sila ng papers. Nasa harap kasi ako dati lagi, pag seating arrangement.. una lagi! Kasi maliit ako (thanks to cherifer)... kaya lagi kong napapanood ang mga teachers sa teacher's table nila.

Sa tuwing magtuturo sila ng kung ano mang subject na naka-assign sa kanila, anjan na yung magpprepare sila ng course outline, at iba pang mga aktibidades tulad ng games para masaya ang klase.

Syempre gusto nila masaya ang mga mag-aaral, ang hirap nga naman magturo ng mga walang kabuhay-buhay na klase. Makuha alang ang atensyon ng mga bata, panalo na! Maituro lang ang mga dapat matutunan, masaya na, FULFILLED!

Pag nag-quiz at exams, dun na magkakaalaman. Dati, di ko gets yung, 'Walang teacher ang gustong may bumabagsak sa studyante'. Kasi ang feeling ko, isa sila sa mga nabuhay para pahirapan ang mga bata, sila ang dapat nirereport sa Bantay Bata. Pero hindi pala.

At hindi lang yon ang papel nila sa buhay ng mga studyante.. Halata sa mga guro kung sino ang may mga "puso" talaga sa pagtuturo. Sila yung ga gusto mong balikan pagka-graduate mo, pag umasenso ka na..
sila yung gusto mong sabihan na.. "Thank you po"

Sila yung mga guro na naging magulang mo, pag hindi okay sa bahay at halata nila..
Sila yung kakausap sayo, susuyuin ka para mas gumaan ang pakiramdam mo..
Sila na, lahat ibubuhos para lang may extra kang matutunan sa eskwela... ang magbigay ng atensyon, makinig sa problema at tumulong.

Maituturing nga na bayani ang mga guro.
Pakielamera sila minsan, daig pa ang pari mag-sermon, pinagtataguan ng kodigo at ginagawan ng codenames.
Sila ay minsang nagbigay ng 'impact'.

Iilan nalang ang mga totoong guro, at swerte akong, may iilan akong nadaanang ganun.
Salamat sa paghubog at paniniwala.


Pag umasenso tayo..sana isa-isahin natin sila.. ang nagturo satin ng tamang pronounciation ng "Thank you". Hindi basta tenkyu, kundi yung THank you talaga...

...ang nagturo satin ng biology, ang paiba-ibang value ng X-Y-Z, ang nagpakilala kay Confucius at Rizal,
...ang nagpakita satin na mas maganda pa rin ang Pilipinas
...at syempre, ang mga taong nagpa-realize satin na hindi lahat pera.

Mas mayaman pa din ang mga titser na may puso.

Sunday, September 18, 2011

Facebook 001

Anak ng tipaklong!!

Nakita niyo na ba ang bagong layout ng facebook?? May 'SUBSCRIBE' na!

Holy shit! anong pauso yon? at! may mga kung anu-anong additional shits pa sa gilid!
May mga babaeng ubod ng lake ng boobs sa sidebar.. ano yun? Dadag sa mga easy-accessed pornsites?
Way to go!

Nung minsan, pinalampas na yung ka-chican na chatbox ee. Kasi may option na i-modify, pero eto parang wala nang option kundi, lumayo at i-basura na ang facebook.

Siguro isang malaking bagay rin ang luma na ang makinang gamit ko para sa teknolohiya, pero ibig sabihin ba nito kung hindi kagandahan ang kompyuter mo, wala nang kwenta ang pag-ffacebook mo?

RACIST! Oo! third world country kami! pero wag niyong kakalimutan na ang mga pinakamahusay at pinakabangis na hackers at pirata eh galing samin! !@#$%^&*( kayo!


Sana inayos diba? ang sagwa.
Minsan na nga lang babalik ng facebook, wala pang dating.

YAYA! padalan mo ng goldbars si Mark Zuckerburg, patahimikin mo siya.

Friday, September 16, 2011

100 Days before Christmas

Pasko na, sinta ko, wala akong hinahanap.

Ayan nanaman, sangkatutak na Christmas Love songs nanaman ang maririnig natin.. sa bus, sa jeep, sa grocery, sa ministop, 711, sa lahat talaga!

Hindi naman ako si Scrooge na galit sa pasko.. sadyang, eh overrated na kasi ang pasko para sakin.
Pinagsama-samang, piyesta, valentines, at bday ng lahat. Masaya naman sana eh, kaso puro materyal na.
Yun! Yun ang nakaka-turn-off, nagsimula akong lumayo sa 'pasko' dahil hindi na ito ang nakagawian.

Pagandahan ng cellphone, pabonggahan ng damit, pagalingan mag-social climb. Hindi ko na nakita ang presensya ng Katolisismo sa pasko.

Isa pa, pagka pasko, ang mga kabataan, dapat lagi kang may 'partner', boyfriend o girlfriend na magpapainit ng pasko mo.. o diba? valentines day din?

Pag wala kang partner, official member ka na ng SMP, Samahan ng Malalamig ang Pasko.
Eh teka, diba dapat nga daw lahat kasali? Bakit exclusive kayo bigla? Oh see? Nagkakalimutan ng concept eh. Nakakainis.

Kaya sa tuwing nakakarinig ako ng Christmas songs,imbis na matuwa, napapalakas ang ipod ko..
Sa mga tunog na yun, naaalala ko ang komersyalismo at pagka-materyalismo ng mundo.

Ayusin naman sana natin, sayang eh, para sa mga bata, iparamdam ang pagibig hindi ang lutong ng bagong pera.

Friday, September 9, 2011

Passed!

Wuhaaannep! kung nabasa niyo at naaalala niyo,, sa blogpost kong, "Pressure", final interview ko nun para sa trabaho.

At oo! Pasado! LAhat naman talaga sa kumpanyang yun, pumapasa sa final interview.. pero di ba Malay mo ba kung gagawa ka ng history na ikaw ang isa sa hindi nakapasa. Hiyang hiya ka naman nun siguro.. at sangkatutak na.. "Everything happens for a reason" advices at pang-pakalma ang matatanggap galing sa pamilya't kaibigan!

Buti nalang, hindi nangyari yun! HAHAHA!

Kanina, nanggaling ako sa final medical.. okay naman.
Impressive ang kumpanya! Nasa isang building ang dental, x-ray, optometrist, physician at laboratory.. ang wala lang yung sa drug test.

Late pa nga ako dumating dahil.. ewan ko ah! sa lahat ng araw ngayon lang nagpapansin ang tiyan ko. Gets na?

Sinabi ko naman ang totoo.. kasi pinagalitan ako, "Ms. Repato! Bakit ngayon ka lang?'
"Eh miss.. nahirapan ako sa stool specimen ee.. pinaghirapan ko yan promise"
napangisi lang siya..

November na ang training! Mejo may dalawang buwan pako magliliwaliw! SULITIN NA TO!!

"Say goodbye to your Christmases, New Years, Christenings, Weddings and all other important occasions with your friends and family, pag duty niyo.. no excuses. There's no stopping now."

Okay, yang line na yan,, its either.. magpapatakot ka o machchallenge ka.
So, let's see!

Hello career!

Party Experience

Kiss and Cris
Nung Saturday.. gumimik kami ng friends ko.. dahil bday ni Kiss. 16 na daw siya.. char!
Dahil sa minsan nga lang kami magbihis ng ‘more than the usual’, excited ako! Matagal tagal na din ako di nag-heels kaya, nailabas muli sa kahon ang aking sapatos..

Take note, school shoes ko yun ah! TAPANG!! Kayan niyo yan? Kala mo de-auto at hatid sundo? HINDI! Isa ako sa mga pathetic college students na nakatayo sa bus pag late nagigising, with matching balance pa un ah! 

Dami kasing gentleman ngayon. !@$%^, or! Di lang ako pasado sa mga babaeng nakakagana paupuin. Reality shit.

O anyway.. mga alas-seven.. naligo nako tas nag-make up, sabi ko.. “!@#$%^ Ang PUTI KO!!” pero,  naisip ko.. magffade din yan.

Lumabas ako ng kwarto mga 8:45 para sa ‘Utol-check’, wala din kasi si ermats, nasa retreat. (okay di ba?)

V: Kuya, alis nako.. magkikita kami ni Kiss sa 711
Kuya: Ang puti ng mukha mo!
V: solid? Magffade din yan.
K: may auto ba kayo?
V: oo, dala ni Kiss si Paj.
K: Bakit ang laki ng bag mo? Para kang pupunta ng conference
V: Andito ung shoes ko ee.. atchaka, may mini purse akong dala.. yun lang bitbit ko later.
K: Bakit yan suot mo? (Longsleeves kasi ni erpats suot ko)
V: Eh ayoko mag-dress ee, baka mapaso pako ng yosi. Delikado na.
K: Ano oras ka uwi?
V: Mga 3 onwards..
K: Penge ako contact number ng kasama mo.. yung may birthday
(Kuha papel.. sulat number pati pangalan)
K: Sulat mo yung totoong pangalan
V: Yan nga! Kiss!
K: O?
V: Naman! Ngayon pa ba ko manttrip?
K: Ocge, ingat. Text text nalang
V: Okay Brotha!

At tuluyan nako umalis..

Pagdating dun.. elibs na elibs ako! Kasi first time ko sa place! Ang galiing!

At narealize ko.. ang puti nga ng mukha ko.. GEISHA.

Eh, alangan naming maghilamos ako dun.. keme na! PARTTTY!!! 

Cris, Iam, Vivie, Jen, Kiss

Sa loob ng club (7th High).. samu’t saring tao!
May bumbay sa likod namin, may Koreano sa kaliwa.. Akon sa kanan.
Models na hot, Dayoff na swerteng pinays, Kanong hanap ay swerteng pinay, mga college students na DRESS-TO-KILL talaga, at madami pang iba.

Kanya kanyang tactics ang mga kalalakihan, at ang mga chics naman, bigay na bigay magpapansin. May kindatan-action pa!

May lumapit sa table naming na bopuncer para sabihin na.. “Ma’am, may nag-ooffer po na ilibre kayo ng drinks and all, join-in lang daw po kayo sa table nila” At syempre, company call kami. “Mali eh! Mali yung age ni kuya”. May lumalapit din ng ilang beses para sabihing.. “CHEERS!!” tapos ipapamukha sayo ung baso niya! HAHAHA! Badtrip ka kuya!!

Masaya ang sounds ni  DJ Ron! Panahon ng 90’s ang tugtugan! SAYAA!!!

Iam and Vie
Malungkot na balita.. sumuko ang paa ko. Hindi na nga ako sanay, dati nagpapatintero pa kami kahit naka-heels, ngaun.. di na keri. Lumabas muna kami ni Iam. 

Yosi sa labas,  Hanap ng spot...
at nakita ang sasakyan ng 'Eastwood Models', 
yep! ang karwahe ng mga dyosang kumekendeng sa loob ng club!


I: Kweky, gusto ko mag-papicture sa limo!
V: o game!
I: Eh baka bawal..
V: Osige, papaicture ako.. pag di ako sinita, sumunod ka.
I: HAHA! cge.

Tumayo ako tas turo ng konti dun sa auto.. 
Ui! Walang sumita! Pero, may lumapit! 
"Ma'am! buksan ko yung pinto, kunware sasakay ka!"
V: O? Pwede? HAHAAH!
Kuya: Onaman!

AHHHHH!!

Syempre si Iam din, nagpapicture! HAHA! COOL!

Kuya: apply kayo sa eastwood models ma'am!
I&V: Weehh?? KAMI??
Kuya: Onaman! oh eto calling card, pasa lang kayo portfolio niyo.

HANEP!! Eastwood models!


Ang usapan naming ng birthday girl.. go-gora kami sa paghatak! Pero. Nag nangyari ay.. namayani pa rin ang mas gora! Di kinaya ang lebel ng ibang girls na bihasa na sa flirting101. Sorry ahh! HAHAH!
Birthday girl and Geisha

Pagkauwi namin, nasa auto na.. syempre mas masarap na mag-usap.. kasi di na sigawan. Kwentuhan na kung sino ang crush for the night! Akalain niyong yung minamata ko, ay! TAKTE! Di ko alam kung maiinis ako o matutuwa ako sa kwento ng kaibigan ee..

C: Vie, naalala mo nung sumasayaw tayo?
V: oh!
C: Yung lalake sa likod natin, (Hindi yung mga arabo ah! Yung crush of the night ko!)
V: Oh! Ano?
C: Tumitingin ako sakanya hanbang nagsasayaw tayo e, tumatawa lang siya. Siguro, sabi niya sana ikaw nalang kasayaw niya.

Feeling ko nman, nagiging mabait lang kaibigan ko.. KAIBIGAN NGA EH! Pwede din kasing.. “Kawawa naman tong babaeng toh, walang ibang masayaw buti nalang mabait ung friend nia”

Oh! Cris! Salamat sa pagiging mabait na friend! Salamat!

Nagkaroon ng paraan para Makita yung mga pictures mng gabing yun. Semi-kilig feeling nung Makita ang crushes of the night. Under-Probi pa yung bet ko ee.  Sorry naman ah!

And at 4am of September4. Kissy’s Brithday celebration with Bebs had officially ended.
GREAAT NIGHT! There’s always something about September!

Tuesday, September 6, 2011

Bad Band Name?

Magka-chat kami ng lidista namin.. nabalita niya na tutugtog kami sa school.. at dahil kami na lang available/bummed sa banda,, kami nalang ang natira..

Masaya kong binalita sa kanya na nakapagpractice nako. Kasi bukas may jam kami, oo. Pagkatapos ng interview ko.. manalo o hindi.. may jam kami. SARAP!

Matagal tagal na din kami hindi nag-jam kasi mahal ang renta.. dun sa may Estrada, Transound ang ngalan ng studio. Mababait tao dun, maganda amps, cable... basta maganda kaya may karapatang magmahal.

Anyway.. nagiisip kami ng pangalan ng banda..
sabi ko.. Chicken?
emoticons?

SABOG!! sabog ang suggestion, mema-pangalan lang, talaga. Kahit walang dating.. parang.. 'Please, bandname lang naman e'.

Pero, hindi siya pumayag, malamang hindi kami tugma ng lebel ng kasabugan (hindi kami nag-adik, natural sabog lang.. gets niyo yun) sooo.. nagisip pa kami..

Sabi niya. 'DILAW', dahil favorite color ng girlfriend niya dilaw. Koneksyon diba???
PERO! dahil sabog ako, pinatulan ko. 'OO! MAGANDA! maangas, parang myterious'
At least may motif na kami sa pictorial.

!@#$%^&*!!! TARAY! MAY PICTORIAL!!!

eh di solb na.. Dilaw. Matino di ba?
ngunit di nagtapos dun ang suhestyon! nag-type bigla!

"flavidus yellow, yellowish"


anak ng tipaklong!! MAS SABOG SIYA!!
sabi ko! ayan! mas okay yan!!
*sarcastic ka ba?
hindi!! hello!! magseseryoso pa ba tayo?? Mahiya naman tayo, graduate na tayo, lokohin naman natin para mejo enjoy!
*oo nga, pde na tayo magyosi sa school
oba! salubungin ko pa si *** (pangalan ng prof na galit sa amoy ng yosi)

Ang ganda di ba? parang magic spell lang na galing kay Harry Potter and friends, at dahil cute si Hermione magpronouce.. may tamang pronunciation ang band name.. ENGLISH ACCENT. Di kami tutugtog unless tama ang punto!

ayan na!! may band name na ulit kami!!
buti libre at hindi komplikado ang pagpalit ng bandname, kundi nalintikan nanaman kami.


****Yung next entry nito, dapat.. 'PARTY EXPERIENCE' na.. so watch out!!

PRESSURED

Bukas na... ay! mamaya na interbyu ko sa kumpanya! Final interview na yun.. alas-8 ng umaga. Gising pako.. parang field trip.. nakaka-excite!

De joke, di ako na-eexcite.. kinakabahan ako.. kasi baka hindi ako magising. At! may malaking pulang marka ako sa kanang braso ko. Parang masking tape pero pula, magmula kamay hanggang gilid ng siko.

Ewan ko,, pero kinaakabahan talaga ako..eto pa! may GPS ako sa noo! (Pimple sa noo) nang-aasar ang pagkakataon.. sentro talaga ehh.. 'You are here'. !@#$%^&* diba?

Pimple din sa siko meron! anak ng tipaklong! Ngayon lang ako nagkaron ng pimple sa siko!

So Bro, kayo na po bahala...
(Daanin nalang natin sa smile yung panel)

Friday, September 2, 2011

Tugs tugs tugs

Birthday ng tropa ko, at bukas ang celebration.

Tama!! Paparty nga kami ng mga friends ko this weekend! Excited noh? Eh matagal tagal na din kasi akong hindi nagpaparty, ang huli ko pa ngang napuntahan ay yung sa MOA, yung LAX. Mejo bago bago pa nga yun nun.

Hindi naman kami mahilig sa pag-paparty party, lalo na nung college, mas swak sa trip namin ang inuman lang, tutugan. Petix. Come as you are nga ika-nga nila.

Kaso, di rin maiaalis na minsan, masaya mgaparty, something new lang. Once in a blue moon ginagawa.

Bakit nga ba di naging 'Party animal'?

Una, wala akong sariling auto. Kung meron man, wala pakong lisensya nun. Mahirap umuwi.
Pangalawa, hirap kaya magdamit! ume-effort kapang mag-makeup.
Pangatlo, ang sakit sa mata ng usok na kulob.
Pang-apat, nasisiko ko yung mga midgets sa ulo nila. (may katangkaran kasi ako, pag nasisiko ko sila, ayun, irap ang abot ko sa small-but-terrible peeps)
At ang pinakahuli't pinakamatinding dahilan. Ang hirap magpaalam kela ermats at erpats. Di nga kasi ako nagsisinungaling, lalo na sa magulang ko.. pagalitan na nila ko, okay lang. Pero kung papayagan ako dahil sabi ko 'group study', di kaya ng konsensya ko.

Bukas! paparty kami!! HAHAHA! at dahil lahat kami matagal-tagal nang hindi pumaparty, excited kami!

Ano ba ang hanap namin sa bar?
Syempre tugtog! sasayaw, kahit di ako magaling sumayaw, okay na yung konting sway sway.
Lalake? HAHA! OO NAMAN! pero, window-shopping lang.

So ayan, para sa masayang gabi bukas! Leggo!!
GV GV GV GV!!

Happy Birthday Kiss!

Wednesday, August 31, 2011

'Hide' mo kung guilty ka.

Lahat naman siguro ay may facebook sa mga panahon ngayon. Pwera nalang kung sobrang busy mo na tipong wala kang panahon mag-facebook, super anti-social ka, bata ka pa masyado o matanda ka na masyado sa mga bagay na tulad ng facebook.

The point is, imposibleng wala kang facebook, pero! Kahit wala kang facebook, makakarelate ka sa entry na ito.

Kasi ganito, hindi ko maintindihan kung bakit kailangang itago ang bagay na alam mong wala namang masama. Walang pinagkaiba ang pagtatago sa pagsisinungaling.

Bakit? eh kung ibalik ko yung tangang tanong na yan sayo, bakit hindi?

Ilang beses na kasi kaming nagaaway ng erpats ko dahil jan sa Facebook na yan. Kesyo nakikita daw ng mga  ka-opisina niya na umiinom ako, naninigarilyo at may mga kaibigan akong mga lalake.
(Yung lalake: one seat apart pa madalas, at! wala akong boyfriend! Higit sa lahat! DI AKO MALANDI!)

Hindi ako proud alcohol drinker at smoker. Pero, sa tingin ko, walang masama sa pagiging drinker at smoker kaya bakit kailangan kong itago yun? Isa pa, kung masama man tignan sa mata ng karamihan na ang babaeng pango na tulad ko ay umiinom at naninigarilyo, wala na ako dun, kayo ang makibagay, nakikitingin nalang kayo. At guess what. Ako ito. Walang pakelamanan.

Hindi ako galit, sadyang ayoko lang talaga ng mga taong bumabato ng puro pagmamarunong lang naman ang alam.

So ayun, naisip ko minsan na, 'Sige na nga, !@#$%^ para matapos na tong napakababaw na isyu, i-hide na nga lang'.

Wala, hindi ko kaya. Magalit na kayo sakin dahil manginginom ako at iba pa, pero di ko kayang magpaka-plastik sa mundo ng facebook. Hindi ako anghel sa facebook at hindi ako demonyo sa tunay na buhay.

Hindi sapat ang libo-libong litrato para husgahan ang tao. At kahit anong gawin niyo, walang karapatan ang kahit na sino mang-husga. Lalo na kung hindi ka hinihingan ng opinyon, dahil hindi ka nakakatulong.

Naisip ko naman, di kaya inggit lang ang mga taong to? Malamang! hindi lahat may lakas ng loob magpakilala sa mundo kung sino talaga sila eh, kaya ayan, sobrang tago.. di na rin nila kilala sarili nila. Di nila alam kung ano ang kapasisdad nila.

Minsan na akong naging duwag para magpakilala at promise! Napakalungkot ng buhay, napaka-plastik. Ayoko nang bumalik dun.

Ang mga taong 'to ay hindi limitado sa mga ka-opisina ng mga magulang natin, mga ka-eskwelang luging lugi sa social life, mga kapamilyang inggit sa kalayaan at iba pang mga tao. To sum them up, mga insecure.

Sorry nalang talaga sa mga taong hindi natutuwa sa mga nakikita nila tungkol sakin. Pasensya na pero lahat ng nanggagaling sa akin, ako yun. At !@#$%^ niyo, di ko kayo pinipilit na gustuhin ako.

Sa lahat ng nagbabasa nito: Wag kayong matakot magpakilala, wag tayo masyadong kampante sa pagiging plastik. Eco-friendly dapat ang banat.

Tuesday, August 30, 2011

Sino bang ayaw lumakwatsa?

Kung titignang maigi ang petsa na isinulat 'to, eto yung isa sa mga araw na 'Long Weekend', o 'Sarap' weekend.

Sino ba naman ang hindi matutuwa eh napakaganda pa ng timing ng bagyong Mina, ang sarap talaga matulog sa malambot na kama akap ang malambot na unan.

Sa mga mayayamang tao, malamang mayroong isang malupit/budgeted na outing ngayon. Haii. sarap.

Sino ba naman ang ayaw lumabas? Ayaw mag-out of town, pumunta ng beach! Kahit na bumabagyo.. WAPAKELS! Magandang paraan yan para masabing,

'Minsan lang walang pasok ang Monday at Tuesday- ng legal'.

So ano ba ang problema, bakit naka-tengga ako dito sa bahay namin?

Si Ermats/Erpats? - hindi, pinapayagan na ko eh. Sarap nga eh, may 'Kalayaan' na kahit papano. Iba na na talaga pag may hawak na diploma. Full-pledged ka na umuwi ng kahit anong oras/araw! Haylavet!

Kasama?- Hindi din, dami dami pwedeng mayaya jan oh. O kahit nga wala eh.

Pupuntahan?- Sus! napakaimposible maging problema 'to.

Lakas ng Loob?- Leche ah, chic?

Panahon? - Magiging problema lang 'to kung hahabulin mo yung masungit na bagyo. Common Sense.

Pera? - OO!! Tumpak!

Aminin na natin, mahirap talagang gumalaw ng walang sandatang salapi. Pang-bisyo nga lang di ba? Pamasahe, minimun fare ocho pesos. (Dati talaga kwatro lang yun) Ang sagwa naman jung magiging 'buraot' ka, mukha ka lang social climber.

Gastusin mula pagkain, pamasahe/gas (napakamura pa mandin ng gas ngayon), accommodation, at ang pinakamahal sa lahat.. PASALUBONG!

Eh sa kuripot na taong tulad ko.. matagal-tagal ko pang pag-aaralan kung ano ang pinaka-mabisa, at syempre pinaka-murang paraan ng paglalakwatsa.

Mejo mission accomplished na ako sa Manila. Thanks to Jeepneys, kwek-kwek at libreng parks sa Manila. Leggo Luneta! Saya dun manood ng tao. Intramuros, haii.. ang cute ng costume ng mga guards dun.

Next naman siguro yung next station ng LRT, kung saan mapadpad. Di pa naman ako sanay sa LRT, pero balita ko, dun pa lang madami ka na mapapansin at maamoy. Depende pa yun sa oras ng pagsakay mo, pinaka-pektus daw ang LRT-alas4. Dahil nga naman lahat ng trabahador ay pinagpawisan na't jinabar.

Haii, Lord? Kayo na po bahala gumawa ng itinerary sa tulad kong kuripot pero malikot ang paa. Ha? I love you Bro!

Lahat kami gusto lumakwatsa pero ayaw gumastos.
Resulta: Pudpod na tsinelas

Naisip ko lang. Pwede nga yon, maglakad ng walang humpay. Bahala na.

Saturday, August 27, 2011

Insekto ka

Hindi bulutong yan.
Kagagawan yan ng mga pinakamatulunging insekto sa lahat para maudlot ang trabaho.

LAMOK!

Insekto ka! Legs ko pa pinuntirya mo! Eh yan na nga lang ang asset ko!!!

Insekto ka! Panira ka ng pangarap!

Insekto ka! Dadalhin ko dito sa bahay yung mga echuserang palaka para mamatay ka na! UBOS ANG LAHI mo sa kanila!

!@#$%^&*!! LEGS KO!!! Insekto ka!!

(weird kasi pag sinabi kong, 'hayop ka', kasi insekto ang lamok diba)

Ano ang CHIC?

Kalupitan ng pagka-bum!! Pang-ilang entry ko na to! Solid na sa ka-adikan, Kahit alam kong walang ngababasa.

Wapakels na mehn, sulat lang ng sulat.

Karamihan ng mga lalake ngayon, hanap ay 'chics'. Serioso, pag ako tinatawag na chic, nakakturn off! Dahil una, wala sa physical traits ko ang pagiging 'chic'. (Pero di ako panget, sabi yun ng nanay ko.) Pangalawa, bakit mo ko sasabihan ng chic ako?? Pinakalumang istilo na yan para mambola, at nakakabastos na minsan. Pangatlo, panandalian lang ang kamandag ng chic.

Nakabase lahat sa physical traits kapag sinabihan kang 'CHIC'.

Hello?? Kung babae ka, gusto mo bang indirectly kang sabihan na,
'Wow! You're body's perfect and you got no brains'
-Kung indirectly, hindi pa nila gets yan, kasi 'no brains' nga e.

Malupit manamit ang chics, girly kung girly. Oops! Hindi slut-ish ang dating ah. Iba na ang tawag dun.

Magaling mag-groom ng sarili. Yup, 'kikay kit' sa bag ay laging dala.

Vain ang chics mag-picture. Eh maganda sila ee, kaya ayun, pati sila natuwa. I-ppost pa yan sa facebook ah! Lahat ng anggulo talaga makukunan. Ultimo mag t-timer pa yan para may 'whole body' shot na kunware stolen pa.

Ang chics, nagsisinungaling para lang makasama ang boyfriend okaya, maka-shot lang kasama ang tropa.

Ang chics na nakakatakas sa school works dahil siya ang magffinance o acting-like-HELLping

Ang chics na hindi nagpapaligaw sa loob ng bahay.

Ang chics, hindi marunog magsalita para sa sarili niya, ang paboritong linya, 'ikaw bahala', 'kahit ano', 'ewan ko'.
Ang chics, safe ang mga trip.. walang adventure!

..mga hindi nagsisimba
..mga laitera
..haters

More likely, chics are.. ah putek, bahala na kayo. Basta yan ang idea ko sa 'chic' kanya kanya nalang!

BADTRIP AKO SA CHICS. Kaya pag sinabihan kitang, 'Wow, chic!'
Ako na magttranslate: Wow! papansin ka! nakakainis ka! Umalis ka nga jan!

Sa title pa lang sobrang nagc-contradict na kami ng blog na to.
pero sana kasi hindi 'chicks' yung ginamit nila..
Mas kaaya-ayang pakinggan ito.. 'Ang tunay na babae'

Friday, August 26, 2011

Frustrated person.

Sa dinami-daming nakaka-inspire na storya, tao at mga bagay na dumapo sa mata, tenga, sige, buong katawan na!

Aba naman, bawat isa dun may significance. Daming influences na dumadating, parang meteor shower.

Bata pa lang ako at, di pa kumpleto ang mga buhok sa katawan. Mahilig na ako sa sining. Elibs ako sa mga taong nakakalikha ng mga kung anu-anong ka-henyohan.

Ang lola ko kasi, may apartment, madami! pero kuripot yun, kaya hindi halata ang yaman. Isa siya sa maituturing na "Silent Milionaires", ang alam ko ah?

Di kasi kami close nun.. pero tuwing nakikita ko siya na nagbabantay ng mga karpintero. Impressed ako. Hindi sa kanya, pero dun sa mga karpintero. Ang husay kasi nila.. hirao kaya pumukpok ng pako, yung isesentro mo talaga.

Minsan tinry ko yun..Kinder2 pa lang ako nun.. nagpukpok ako ng pako sa likod ng lata. Wala pa kasi si mommy, kaya ayun.. kung anu-anong explorations nanamang ang nag-occur. To cut this stupid story short, napako ko yung kuko ko.

Si kuya ang nataranta kasi alam niyang siya ang malilintikan kay mommy, siya kasi babysitter ko nun. Ang sense ng storyang to, nasugatan na ako dahil sa pag-eexplore dahil, elibs ko yung mga karpintero.

Frustrated karpintero ako.

May isa pang kwento, yung panganay namin, ang husay nun sa arts. Ang galing talaga.. sa sobrang galing yung notebook niya, mas nauubos from the back.. Kasi di ba, pag nagdu-doodle sa likod mostly ng notebook naguumpisa? Kaya tignan niyo ang notebooks ng artists, halos lahat dino-drawingan. Sample? ayun.. yung sa taas. Pero yung kay utol hindi ganyan.. mga Batman, Spiderman, Spawn, Marvel heroes at iba pang mas masculine. Malamang.

Sa litrato sa taas, halata namang..

Frustrated artist ako.


Lalong nadagdagan yung frustration kong to, nang dinala ako ng kaibigan kong to..


Sa Silahis. Bilihan yon ng mga crafts from Asia.. at may mga paintings din. Pero since, hampaslupa’t walang sweldo ako.. wala akong nabili.. busog nako sa tingin.


Isa pa.. may DSLR ako. Nakakahiya mang aminin, pero.. totoo. Hindi lahat ng may ganung camera, magaling kumuha ng litrato. Opo. Tama, ang third frustration..

Frustrated Photographer ako.


Ano pa ba? Frustrated Police, Rugby Player, Scientist, Astronaut, Magician, Chef, Songwriter...





Frustrated VeterinarianKahit na mapaliguan lang mga aso ko.. tamad na tamad nako. Bakit Veterinarian kamo? Eh halos lahat naman ngayon hayop na e. Oh, halos lang!







Frustrated Guitarist, Bassist/ Musikera.





(Nairita ka ba sa picture na hindi na-rotate? okay lang yan. Para ma-frustrate ka din)





Frustrated Writer.

asdfghjklasdfghjkqwertuio. Yung hindi tulad nito, memasulat lang.


Frustrated.. Ah! Basta madami pa!!!

Kaya obvious ba? Frustrated Person ako??

Pero syempre.. yung ibang frustrations jan, hindi matatapos ang storya na 'frustration' lang, yung iba jan.. matutupad. Manood nalang kayo!


Kindat para mysterious! ;)