There was an error in this gadget

Friday, December 31, 2010

babanat pa!!!

kakatapos ko lang masyosi.. last stick. Aba potek! ang lamig!!

(iniisip ko kung isstat ko nalang toh sa facebook)
bigla akong tinamad.

ay leche. shshut down ko na.

bukas buburahin ko na litrato ko dito! hahaha! baka babuyin ng mga hinayupak na manttrip ehh.. baboy na nga mukha ko bababuyin pa!! HUSTISYAAA!!!

nga pala... di naman sa pagmamayabang ahh.. feeling ko tumatangos na ilong ko! HAHAHAH!!
(yan nalang isstat ko.. sana bumenta)

matutulog na talaga dapat ako!!

takte!!! ayan na! ehh! maglologout nako ehh...
tapos nakita ko toh sa facebook!!!

walangya.. mga kaibigan.. ganyan ho ang figure ko..
malaki ulo.. bilog na bilog.. pagdating sa katawan. ayan.. parang ballpen..
walang pwet walang boobs.. pero may chan.. (may edit pa pala dapat gawin dito)

pero hanep!! ang COOOL!:)) laftrip!
tapos dahil tourism ako.. di pantay ang kulay ng mukha sa katawan!!

WALANG ILONG!!!!!:))) daming similarities!!!:))

goodnight!

pangalawang ka-adikan

kakapublish lang nung una.. eh.. nabitin ako sa pindutan! kaya pipindot ulit ako.

Malapit na Marso.. Graduation na! ggraduate nako sa pang-bobo kong course! Ano kaya meron sa future??

May balak ako maging serbidora sa eroplano ehh.. saya kasi tignan nung mga stewardess na may maletang hila sa airport.. ang sexy tignan..

Kahit na ndi ako sexy.. kahit ung paghila lang ng maleta.. solb nako!

Tapos.. may pangarap ako! oo! MADAMI!!!

gusto ko magtayo ng business.. ung tshirt printing.. digital printing ung balak kong gamitin... kasi nga.. eco-friendly daw un.. pero di ako bibili ng makina.. mahal un eh.. bahala na! pero.. mukhang malabo toh.. kasi di ako masyadong magaling sa kulay pati sa photoshop..
sa klase pa ng laptop ko na mas mahaba pa ang ruler..

maduduling kahit na sino pag ginamit toh pang-design.

gusto ko din magtrabaho nga pala sa cruise.. kasi malaki tip dun..

gusto ko din maging tourguide! babawiin ko ung sinirang pangalang ng bayan dahil kay Mendoza! oha!! yan ang PANGARAP!!!

gusto ko din kumita sa pag-bblog.. nakakainspire kasi si utol.. ganyan kasi trabaho niya ngaun..
isipin mo naman kasi di ba.. magttrabaho ka naka-sando pati shorts... wlang gupit gupit ng buhok! mas mahaba pa nga buhok niya ngayon kesa sakin eh.

(nangangalay na kamay ko.. AYOS! may exercise nako)

kasama rin sa pangarap ko ang pagbuo ng bucket list ko..
-dadalin ko nanay ko sa Roma.. kasi bata pako pin-romise ko sakanya yun
-pupunta kong Madame Tussuad's kasi magpapa-picture ako sa Michael Jackson wax figure dun!
-Mag-bubungee jumping ako sa Petronas Tower!
-Pupuntahan ko lahat ng Disney! mapa-world, land o kahit anu pa yan! basta andun si Cinderella! Papatulan ko talaga!!
-Gusto ko rin makagawa ng libro... naniniwala kasi ako na pag nakagawa ka ng libro.. matalino ka.
For once, gusto ko mapatunayan na mejo maykaya ang utak ko. Kahit minsan lang sa buhay ko bago ko mataningan ng buhay dahil sa yosi...

chaka na ung iba! inaantok nako!

unang filipino blog

ayun.. natutusta nako sa ingles! para ulit akong nag-ththesis!
walangyang thesis yan.. life-changer nga naman oh..

alas-singko na ng madaling araw.. kakaayos ko lang ng ippost kong article sa wordpress.. pero baka next week ko pa ilabas un.. inaayos pa kasi ung themes.. at malamang.. mukang matatagalan pa talaga ang pag-ayos nun..

mejo kinakarir ko na din ang pagsusulat sa wordpress dahil mejo impressive naman ang stats nun..
para sa tulad kong tatanga tanga sa blog at tatanga tanga sa iba pang bagay... namangha nako dun.

bakit nga ba ingles ang pinili ko sa kabilang blogsite? ah.. kasi baka sakaling sumikat.. at least pang international ung dating..

kung tutuusin mga boss.. eksperiment lang talaga ang pagbblog sakin.. wala nga.. ayon sa introduction, gusto ko lang itrato na emotional outlet ang pagsusulat.

Pindot lang ng pindot ng mga letra hanggang maubos ang mga tumatakbong 'thoughts' sa utak. Walangyang thoughts yan.. hahaha! may "viviethoughts" nga pala ha..

Yung pa-usong yon.. nagsimula sa tumblr (vivierepato.tumblr.com) ayan.. yan na din pala ung address baka sakaling madagdagan ung 29 followers. HAHA!! asa! dito nga ata sa blogger wala ehh.

Mukang walang nagbabasa.. pero sige lang! walang magawa ehh

Ok.. balik tayo sa pagiimbento ng viviethoughts. May mga.. ayan,, ganto madaling araw.. sabog galing sa msword ang utak.. thesis, feasib, at kung anu ano pang pauso ng mga professors na akala mo binabasa nila.. walangya.. effort ko.

Nga pala tourism lang kurso ko.. mukang maganda ko dahil sa course.. pero di talaga.. lecheng buhay toh.. di ka na nga maganda,, pang-bobo pa ung course. Ang alam lang make-up pati red lipstick! hahaha!

oh ayon! sabog ako.. sabaw. kaya tulad nito.. kung anu anong pinagsususulat. Pero feeling ko naman may dating kasi may mga naglilike ehh.. un na ung sa facebook. Kasi di ba ung posts mo sa tumblr tulad sa twitter, may option kung ililink mo sa facebook. ayun. may mga naawa naman at naglike. Awa sa Diyos.

Halata naman siguro.. lahat na halos ng networking sites may account ako,.
pwera nalang ang plurk, flickr... na halos ung ibang tropa-idols ko eh meron.
eh pano.. wala naman akong ka-anggulo anggulo kumuha ng litrato.. dinadaan lang sa contrast ung edit para may 'dating'.

ung plurk kaya ko inayawan kasi... eh! nakakatamad mag-aral ng bagong environment.. eh naalala nio ba? tanga ko? hahaha!!!

So.. ayan.. mejo inaantok nako.. gusto ko sanang mag-open ng topic na may sense kaso.. mukha namang walang magbabasa nito..

PERO! may kkwento ako!!

ung pagkabuhay ng (itsvivierepato.wordpress.com) aun nga... emotional outlet lang.
May boypren ako.. POTEK! may pumatol sa tanga!! hahaha!
eh nakatago talaga ung site na un.. pero minsan nakkwento ko sakanya.. eh actually madalas pala.. kasi namangha talaga ko sa 'hits' (pero feeling ko kapatid ko lang un)

Yung mga pinagpppost ko dun eh puro ka-cheezihan.. ung tipong ayoko niya talaga malaman. Tangga talaga.. pinost sa net ung gustong secret. BOBO. nagkwento pa.. saksakan ng tanga nga naman..

eh matalino si boypren.. nagmasid,, aun! nahanap! takte,... ung ka-bruskuhan ko umatras eh. walangyang yan.

Pero di ata na-appreciate ni boypren kasi may minsang nagkwento ko ng kasalanan nia dun.. eh binawi ko naman sa huli.. ung tipong.. nag-anticipate ako na baka mabasa nia! HAHAAHAH!

bastos eh! papansin!:)) oh sana naman eto di na niya mabasa! pero sige pambawi!

"chong.. i love you"

HAHAHAHAHAHH!!!:)) oy serioso!:))

takte! tama na!! sa muling pagkabangag ko!

alam ko talaga walang nagbabasa nito.