There was an error in this gadget

Tuesday, April 19, 2011

Graduate nako.

Ayan. Sa wakas.. tapos na ang mga lektura sa loob ng silid-aralan.
Ang mga sangkatutak na papel na nasayang... maari nang ipadala sa junk shop.

Isang buwan na halos akong gradweyt.. at eto WAIT nalang ako sa mga interview dates.
Nag-apply nako, may walk0in, at karamihan eh online..

Yung mga online, ayun,, ininjan ko ung mga interbyu,, o di ba? ang pogi ko.

Bahala na,, marami pakong gustong gawin, kaso nahihiya naman ako kay ermats humingi lagi ng pera para makalabas. Kasi nga naman, dapat graduate na din sila sakin sa pag-abot ng pera't pambaon sa tuwing lalabas ako ng gate.

May mga tagumpay naman akong nagawa habang ako'y naka-tengga dito sa bahay.
Nagsimula akong maglampaso ng sahig, regular yan, pagkakain ko ng almusal.. ang almusal ko nga pala, alas dose na,.. saraa nga naman ng buhay ng walang alarm clock.

Balik tayo sa lampasong usapan. Napansin ko, grabe na.. sagad na.. ginawa ba naman kasing universal toilet ng mga aso ko ung sahig.. buong sahig. Kaya ayan, di pantay ung kulay ng sahig, kuskos ako ng kuskos ng sahig, di pa din matanggal ung mga bakas ng ihi nila.

Nakakapikon pero, okay na din, pampatay ng oras. Good-terms pa kami ni ermats. :)
Mejo may improvement naman ang sahig, aba! Gamitan mo ba naman ng papel de liha! Tignan natin kung di mamuti yan! At! Namuti nga! di naman pantay,, anak ng,,, patay talaga ang oras!
AHAHAHAHAHA!

Naisipan ko din tulungan talaga si ermats mag-ayos ng bahay, masyado na kasing napabayaan. Nag-concentrate kasi siya sa pagpapalaki samin, nakalimutan niya tuloy ang housekeeping. May kanya-kanyang kahinaan ang tao, at kaayusan ang sa nanay ko. SABOG ang bahay.

Dahil dun, niyaya ko si ermats, sabi ko bili kami ng mga kagamitang magpapaganda ng bahay. Kabilang dun, kurtina, pillowcases para sa sofa. Cute naman, at mejo umaliwalas ang sala.

Tuloy pa din ang pagkiskis ko ng sahig gamit ang papel de liha.
Alam kong natutuwa si ermats pag ginagawa ko yun, minsan lang kasi talaga kong magmasipag. Minsan lang talaga.

Noong nakaraang dalawang araw, umalis ako mag-isa para tumingin tingin ng mga presyo ng mga kailangan nang palitan sa bahay. Kitams, seryoso talaga ko sa pag-'makeover' ng tahanan namin.

Anak ng tokwa, ang MAHAL!!!! Shower pa lang, kulang kuloang 17 libo! Anak ng!!
Walang sinabi ang balde't tabo na nakagisnan na namin.

Umuwi akong masakit ang ulo sa dalawang araw na yun, kahit na alam ko ng di galing sa bulsa ko ang pambibili (dahil wala naman talaga), napressure ako sa mararamdaman ng taga-hawak ng pondo ng pamilya.

AYAN! Isa pa sa mga nagawa ko pagkatapos gum-raduate... EHEM! Sa wakas! Natututo na rin akong magmaneho.. un nga lang.. automatic. Pero okay na din, balang araw, matututo din ako ng manual, katulad ng sa Tokyo Drift na movie. Angas kasi,,, chic.

Ang kasama ko habang nagmamaneho, eh yung kapatid ko, si Kuya Jay. Masaya siyang kasama habang nagmamaneho kasi kalmado lang siya, kahit na gugutter nako at sasabit sa trak na kasalubing ko. Mag na-pakyuhan na nga pala akong traysikel drayber, takte kasi nun, nakaharang.

Ano pa ba? ayun, wala na.

No comments:

Post a Comment