There was an error in this gadget

Sunday, July 29, 2012

Sadyang Inabangan.

Taun-taon kong inaabangan ang mga tinipong likha ng mga malikhaing tao ng sining. Ang malupit pa dito, pinoy sila.


Cinemalaya! Simula nang maging requirement ng masscom friends ko ang pagnood nito, inabangan ko na siya.

Hindi man ako masscom graduate, na ikinalulungkot ko talaga. Masaya na din ako dahil may mga 'artist' friends naman ako.

Photographist, videographist, songist, modeller, paintist at music-er. Mga friends kong ganyan, proud ako sa inyo. Mga weirdo't out of this world magisip.

Soo, nung nakaraang cinemalaya, dadalawang pelikula lang ang napanood ko. Bitin dahil diko napanood ang mga nanalo ng award.

Kaso, iisa ang napapansin ko kada taon, nagging showbiz na ang cinemalaya. Pati mga exhibit sa taas, tamed na, dahil nga na-isyu yung 'kulo' last year.

Di naman sa gusto ko ng bastusan galore. Pero maganda lang makakita ng mga bagay na hindi mo maintindihan, yung mapapatigil ka.

Parang, math, pero in a good freakin' way.

No comments:

Post a Comment