There was an error in this gadget

Friday, December 31, 2010

pangalawang ka-adikan

kakapublish lang nung una.. eh.. nabitin ako sa pindutan! kaya pipindot ulit ako.

Malapit na Marso.. Graduation na! ggraduate nako sa pang-bobo kong course! Ano kaya meron sa future??

May balak ako maging serbidora sa eroplano ehh.. saya kasi tignan nung mga stewardess na may maletang hila sa airport.. ang sexy tignan..

Kahit na ndi ako sexy.. kahit ung paghila lang ng maleta.. solb nako!

Tapos.. may pangarap ako! oo! MADAMI!!!

gusto ko magtayo ng business.. ung tshirt printing.. digital printing ung balak kong gamitin... kasi nga.. eco-friendly daw un.. pero di ako bibili ng makina.. mahal un eh.. bahala na! pero.. mukhang malabo toh.. kasi di ako masyadong magaling sa kulay pati sa photoshop..
sa klase pa ng laptop ko na mas mahaba pa ang ruler..

maduduling kahit na sino pag ginamit toh pang-design.

gusto ko din magtrabaho nga pala sa cruise.. kasi malaki tip dun..

gusto ko din maging tourguide! babawiin ko ung sinirang pangalang ng bayan dahil kay Mendoza! oha!! yan ang PANGARAP!!!

gusto ko din kumita sa pag-bblog.. nakakainspire kasi si utol.. ganyan kasi trabaho niya ngaun..
isipin mo naman kasi di ba.. magttrabaho ka naka-sando pati shorts... wlang gupit gupit ng buhok! mas mahaba pa nga buhok niya ngayon kesa sakin eh.

(nangangalay na kamay ko.. AYOS! may exercise nako)

kasama rin sa pangarap ko ang pagbuo ng bucket list ko..
-dadalin ko nanay ko sa Roma.. kasi bata pako pin-romise ko sakanya yun
-pupunta kong Madame Tussuad's kasi magpapa-picture ako sa Michael Jackson wax figure dun!
-Mag-bubungee jumping ako sa Petronas Tower!
-Pupuntahan ko lahat ng Disney! mapa-world, land o kahit anu pa yan! basta andun si Cinderella! Papatulan ko talaga!!
-Gusto ko rin makagawa ng libro... naniniwala kasi ako na pag nakagawa ka ng libro.. matalino ka.
For once, gusto ko mapatunayan na mejo maykaya ang utak ko. Kahit minsan lang sa buhay ko bago ko mataningan ng buhay dahil sa yosi...

chaka na ung iba! inaantok nako!

No comments:

Post a Comment