There was an error in this gadget

Thursday, November 15, 2012

Amalayer Feverrrr

Sa wakas, naka-relate na din ako sa #amalayer na 'to.

Dami kong nakitang post na naka-highlight ang Amalayer pero... Dko talaga alam na ito pala ay isang eksena ng normal college girl at lady guard. Akala ko new hit song, parang 'in the ayer' shit.

At ayun, napanood ko na nga..

Yep, skandalo nga ang video na ito at may bago nanamang sina-cyberbully ang sambayanan. Linis natin ee.

Kung tutuusin, may mga guard naman talagang bastos mag-check. Siguro, ayan, nakahanap ng katapat.

Pag magpapahiya ka ng tao, sana kalma lang...

CHILL. Kasi babalik sayo ang humiliation pag nagover-react ka.

Sana binato niya nalang ang line na...
"May i get your name and your supervisor's name?"

Mas professional ata pakinggan yun, at mas may pinag-aralan ang dating.

Para kasing nasa teatro si Ms. Amalayer ee. Tignan natin ah..

Voice quality CHECK!
Actions/hand gestures CHECK!
Feelings/emotions CHEECK!!
Rapport--- dude, CHECK.

Sa kabilang banda, sobraaang minalas si Ms. Amalayer. Akalain mong may kumuha pa ng video ng moment niya.

Diko lang alam kung kinaliligalig ng kanyang puso ang pagiging sikat niya ngayon, pero malaki ang pusta ko na hindi na muna siya sasakay ng tren sa susunod na mga araw.

Sa kumuha ng video na yun.. Congratulations po, pwede ka nang mag-apply sa TMZ. Ganda ng device mo sir, linaw!

Ngunit, subalit, datapwat at anak ng tipaklong! Imbis na bulungan si Ms. A ng...
"miss, kalma lang, napapahiya ka na din"
Vinideohan pa, good job. Isa ka ngang concerned citizen. Dahil ang totoo, hindi pa sapat ang highlight sa nag-iibang ugali ng kabataan.

Pumatol lang siya at na-videohan.
Wag tayong magmalinis, may kanya kanya tayong 'pitik' moments.

No comments:

Post a Comment