Showing posts with label bebs. Show all posts
Showing posts with label bebs. Show all posts

Wednesday, October 19, 2011

Endearments

Tuwing kelan ba napapahiya ang tao? Tao nalang naman ata ang may pakelam sa dignidad ee..

Malamang.. namumula ba ang aso pag napapahiya? (Kuya Kim, ano po ba?) Kaya nga sobrang sakit pag tinawag kang 'hayop' o di kaya'y 'bitch'.

Pero.. sa panahon ngayon.. pansin niyo bang sobrang normal nalang na magtawagan ng 'hayop' sa kalye?
At! nagiging endearment na ang 'bitch'. HAHAHA!

Nakakatuwang isipin dahil sobrang iba na talaga ng mundo.. sobrang maliksi ang utak ng tao. Noong una kung narinig sa tropa namin na nagtatawagan sila ng ganun.. Napa-'WHAT'? ako. Partner-an pa natin ng.. 'SERIOSO? ANO YUN? May away ba?'

Kaso hindi pala, napagtanto ko na sila ang nagiiba ng kahulugan ng mga masalimuot na salitang iyon. Pero, hindi parin ako nagpapatawag ng ganun, di parin matanggal ung 'eeky' feeling. Ang cute lang nila panoorin, okay nako dun. Kanya-kanyang trip.

Ganto pa nga sila ee.. 'Bitch, anong ulam ngayon sa tambayan?' (Sweet pa yung tono ah)

Sa mga nakakatanda.. intindihin niyo nalang po sana ang henerasyon namin.. kasama na po ito sa mga napakarami pang nakatago na ka-abnormalan namin.

Minsan ba naranasan/nakarinig kayo ng sobrang wirdong endearment?

Noong unang salta ko sa isang tropa.. tawag sakin, 'ulol'. Acceptable naman, kasi laging ang taas ng energy na parang asong ulol na. Take note, galing nako sa school nun ah. Buti nalang ngayon, di na yun ang tawag sakin.

Kweky/Baby Sister/Ginger/Sugar/Puff/Partner

Yan, yan na ang tawag nila sakin.. kasi diba sa tropa, may kanya-kanya kayong tawagan. Eh kung di niyo naranasan yan, tapos babae ka.. mejo iba ka. Nakihalo nalang ako sa trip na ganyan..

Hanggang sa lahat ng tao/bagay pinapangalanan ko na..

Pero, alam niyo ba kung ano ang weird? Wala akong maisip na matinong endearment pag may 'Special Someone' na. Tipong naubos yung powers kong man-binyag.

Kasi syempre gusto ko unique! Tama na yang mga...
mahal, love, babe, baby, sweetiepie, honeybunch, muffin, honey, sweetheart,
heart, sweetie, sweet, miel, schatz, dairen at iba pa!

Ah alam ko na! Next boyfriend ko! Tawag ko na sakanya.. COCO MARTIN!
at ako si YAMMY!

HAHAHAHAHAHAHAHAHAH!

(Pang-habangbuhay kong COCO MARTIN! Nasan ka na?? )

Friday, September 9, 2011

Party Experience

Kiss and Cris
Nung Saturday.. gumimik kami ng friends ko.. dahil bday ni Kiss. 16 na daw siya.. char!
Dahil sa minsan nga lang kami magbihis ng ‘more than the usual’, excited ako! Matagal tagal na din ako di nag-heels kaya, nailabas muli sa kahon ang aking sapatos..

Take note, school shoes ko yun ah! TAPANG!! Kayan niyo yan? Kala mo de-auto at hatid sundo? HINDI! Isa ako sa mga pathetic college students na nakatayo sa bus pag late nagigising, with matching balance pa un ah! 

Dami kasing gentleman ngayon. !@$%^, or! Di lang ako pasado sa mga babaeng nakakagana paupuin. Reality shit.

O anyway.. mga alas-seven.. naligo nako tas nag-make up, sabi ko.. “!@#$%^ Ang PUTI KO!!” pero,  naisip ko.. magffade din yan.

Lumabas ako ng kwarto mga 8:45 para sa ‘Utol-check’, wala din kasi si ermats, nasa retreat. (okay di ba?)

V: Kuya, alis nako.. magkikita kami ni Kiss sa 711
Kuya: Ang puti ng mukha mo!
V: solid? Magffade din yan.
K: may auto ba kayo?
V: oo, dala ni Kiss si Paj.
K: Bakit ang laki ng bag mo? Para kang pupunta ng conference
V: Andito ung shoes ko ee.. atchaka, may mini purse akong dala.. yun lang bitbit ko later.
K: Bakit yan suot mo? (Longsleeves kasi ni erpats suot ko)
V: Eh ayoko mag-dress ee, baka mapaso pako ng yosi. Delikado na.
K: Ano oras ka uwi?
V: Mga 3 onwards..
K: Penge ako contact number ng kasama mo.. yung may birthday
(Kuha papel.. sulat number pati pangalan)
K: Sulat mo yung totoong pangalan
V: Yan nga! Kiss!
K: O?
V: Naman! Ngayon pa ba ko manttrip?
K: Ocge, ingat. Text text nalang
V: Okay Brotha!

At tuluyan nako umalis..

Pagdating dun.. elibs na elibs ako! Kasi first time ko sa place! Ang galiing!

At narealize ko.. ang puti nga ng mukha ko.. GEISHA.

Eh, alangan naming maghilamos ako dun.. keme na! PARTTTY!!! 

Cris, Iam, Vivie, Jen, Kiss

Sa loob ng club (7th High).. samu’t saring tao!
May bumbay sa likod namin, may Koreano sa kaliwa.. Akon sa kanan.
Models na hot, Dayoff na swerteng pinays, Kanong hanap ay swerteng pinay, mga college students na DRESS-TO-KILL talaga, at madami pang iba.

Kanya kanyang tactics ang mga kalalakihan, at ang mga chics naman, bigay na bigay magpapansin. May kindatan-action pa!

May lumapit sa table naming na bopuncer para sabihin na.. “Ma’am, may nag-ooffer po na ilibre kayo ng drinks and all, join-in lang daw po kayo sa table nila” At syempre, company call kami. “Mali eh! Mali yung age ni kuya”. May lumalapit din ng ilang beses para sabihing.. “CHEERS!!” tapos ipapamukha sayo ung baso niya! HAHAHA! Badtrip ka kuya!!

Masaya ang sounds ni  DJ Ron! Panahon ng 90’s ang tugtugan! SAYAA!!!

Iam and Vie
Malungkot na balita.. sumuko ang paa ko. Hindi na nga ako sanay, dati nagpapatintero pa kami kahit naka-heels, ngaun.. di na keri. Lumabas muna kami ni Iam. 

Yosi sa labas,  Hanap ng spot...
at nakita ang sasakyan ng 'Eastwood Models', 
yep! ang karwahe ng mga dyosang kumekendeng sa loob ng club!


I: Kweky, gusto ko mag-papicture sa limo!
V: o game!
I: Eh baka bawal..
V: Osige, papaicture ako.. pag di ako sinita, sumunod ka.
I: HAHA! cge.

Tumayo ako tas turo ng konti dun sa auto.. 
Ui! Walang sumita! Pero, may lumapit! 
"Ma'am! buksan ko yung pinto, kunware sasakay ka!"
V: O? Pwede? HAHAAH!
Kuya: Onaman!

AHHHHH!!

Syempre si Iam din, nagpapicture! HAHA! COOL!

Kuya: apply kayo sa eastwood models ma'am!
I&V: Weehh?? KAMI??
Kuya: Onaman! oh eto calling card, pasa lang kayo portfolio niyo.

HANEP!! Eastwood models!


Ang usapan naming ng birthday girl.. go-gora kami sa paghatak! Pero. Nag nangyari ay.. namayani pa rin ang mas gora! Di kinaya ang lebel ng ibang girls na bihasa na sa flirting101. Sorry ahh! HAHAH!
Birthday girl and Geisha

Pagkauwi namin, nasa auto na.. syempre mas masarap na mag-usap.. kasi di na sigawan. Kwentuhan na kung sino ang crush for the night! Akalain niyong yung minamata ko, ay! TAKTE! Di ko alam kung maiinis ako o matutuwa ako sa kwento ng kaibigan ee..

C: Vie, naalala mo nung sumasayaw tayo?
V: oh!
C: Yung lalake sa likod natin, (Hindi yung mga arabo ah! Yung crush of the night ko!)
V: Oh! Ano?
C: Tumitingin ako sakanya hanbang nagsasayaw tayo e, tumatawa lang siya. Siguro, sabi niya sana ikaw nalang kasayaw niya.

Feeling ko nman, nagiging mabait lang kaibigan ko.. KAIBIGAN NGA EH! Pwede din kasing.. “Kawawa naman tong babaeng toh, walang ibang masayaw buti nalang mabait ung friend nia”

Oh! Cris! Salamat sa pagiging mabait na friend! Salamat!

Nagkaroon ng paraan para Makita yung mga pictures mng gabing yun. Semi-kilig feeling nung Makita ang crushes of the night. Under-Probi pa yung bet ko ee.  Sorry naman ah!

And at 4am of September4. Kissy’s Brithday celebration with Bebs had officially ended.
GREAAT NIGHT! There’s always something about September!