There was an error in this gadget

Friday, October 14, 2011

Know Things for Yourself

Alam mo sa school, ayaw na ayaw ng mga professors ang 'Spoon-feeding'. Kasi nga naman di na ginagamit ng mga estudyante ang mga utak nila. Pare-parehong istilo para lang mapadali ang solusyon.

Wala nang...Spontaneity na tinatawag. Lahat naka-format, para daw may kaayusan. Ayan! Sige! Eh di robot na gumraduate ang mga estudyante pagdating ng Marso.

Sinasabing..'Do Something New'.. pero sangkatutak na rules and regulations naman ang ilalatag sa iyo. At yung rules na yun ah.. tipong pati paghinga mo bawat minuto kailangan nasa ayos.

Masaya ako na naituro ang Tama sa Mali. Ang Tama ang dapat gawin.. pero paano kung yung Mali, maganda ang epekto. Diba ibig sabihin, nag-sugal ang tao? Eh sabi nila, bihira ang tamang pagsusugal. Lahat naman nagkakamali e, pero bakit pag bago ang mali.. wala nang handang tumulong? Tablado ka na ng buong populasyon.

Ewan ko.. pero yung mga gantong bagay, sabihin nang tanga ako, o makitid ang utak.. pero, di ko talaga maintindihan. Lahat contradicting. Gusto mo mag-explain? Okay lang.. comment mo dali.

4 comments:

  1. hindi lahat ng tama ay dapat gawin. contradiction ulit di ba? wala lang. ;)

    ReplyDelete
  2. Naguluhan ako hehe :)Yang tama o mali according sa iba nasa Gray Area yan. Pero para sakin may tama at mali na ang gumawa ng guideline ay society at meron ding gawa ng Diyos. Screw society. Gawin ang kalugod lugod sa mata ng Diyos kahit pa mali ito sa mata ng nakararami. The end does not justify the means. Yan ay sa wari ko lamang. :)

    ReplyDelete
  3. haahha, hindi ko maintindihan, Pero as myself, i usually brak rules, hindi dahil pasaway ako dahil yung sa tingin ko ang tama, naniniwala kasi ako sa sarili kong kasabihan na "hindi kung ang sinasabi ng karamihan ay tama"

    yun lang. Make a difference kumbaga

    ReplyDelete
  4. MARAMING SALAMAT SA COMMENT NIYO!:) (napa-smile po ako)

    @ka bute: case to case basis nga ata yan sir

    @Mr. P: fo'ever critical thinker! actually, para sayo tong post na to, para mapaisip ka din! HAHAHA! Pero tama, everything's based on the ultimate rule book -- Bible.

    @Stevevhan: Sir, malayo ho ang mararating niyo! Maraming salamat po sa pagbasa ng post na 'to.

    ReplyDelete