Showing posts with label sana may sense. Show all posts
Showing posts with label sana may sense. Show all posts

Thursday, June 21, 2012

Corroded na pag-convict kay Corona

Pagkatapos kong basahin ang post na ito, na-elibs ako at nagayak na makisawsaw. Mejo, nagdalawang isip pako bago magsulat ng post, dahil baka mapahiya lang ako sa low-leveled observations ko, ngunit!(yes?) Napa-'Di yan! keber' nalang ako. Pero di nga, nakakainspire naman talaga si Sir Zhurutang. Salamat sir, sa pag-post ng topic na ito.


Sa totoo lang, napakalayo ng kursong tinapos ko para maintindihan ang bagay bagay sa pulitika, pero hindi hadlang ito sa pagkakaroon ng pakielam kung anong nangyayare sa gobyerno ng bansang tinitirhan ko. Dahil hindi ako ganoon katanga para hindi mahalatang magkakaroon ng malaking epekto ang magiging desisyon ng paglilitis.

Naalala ko nun, bago ako mag-training para sa trabaho, solidong nagmamasid ako sa trial ni Corona. Ru-miritweet pa nga ako ng tweets ng @ANCAlerts at ni Ces Drilon eh. Hanggang sa nagtraining ako, di ko na nasubaybayan. Natapos ang training (March)--ayan na! halos araw araw nang frontpage ang mukha ni Corona, lahat ng angles ng 'sad/worried face' niya na-capture.

Simula palang, halata na ang pagka-dungis ng proseso. Eh nilabas sa media lahat ng props para kay Corona, ano pa aasahan natin? Eh di sisiklab ngayon ang mga tulad kong wala masyadong alam sa pulitika.

Ganun naman eh, konting mali, grabe na ang reaksyon. Malinis tayo eh noh? Pero eventually, naawa na rin ako kay ex-CJ, kasi halatang... "Whoa!! sana nga!" yung muka niya eh. Meron siyang hindi hinayag sa SALN niya, pero hindi naman ata sinabing pati childhood-dream-properties eh kailangan i-declare. Eh di sana sinama niya na din yung kotse ni batman.

Nawala ang sympatya ko kay Corona nang inatake siya ng diabetes. Napa-"SERIOSO?? drama nanaman?" ako. Eh lahat sila ganyan ang skit eh, paiba-iba lang ng sakit. Hindi naman niya kasalanan na atakihin ng diabetes. Ikaw kaya ma-stress ng more than five months, try mo.

Kaso isa pa din eh nung pinagsalita siya, anak ng, daming ka-CHIC-an na sinabi, (pero walang tatalo sa ka-chic-an ni Villar, promise! Alam niyo yan), parang nasa Baclaran ang sentro ng apoy, sa Baguio ka nagpadala ng bumbero. Or... Hindi ko lang nanaman gets? Hindi ko gets kung bakit sinabi niya ang health condition niya, ang hard family situations niya. Duude, paliwanag mo lang SALN mo, okay na eh.

TADA!! Judgement day na! Sakto, day-off ko nun. Hanep lang! Sana pumusta ako sa ending! Alam ko na eh, 20-3 talaga yan! HAHA!

Inabangan ko ang sasabuhin ni Miriam, Marcos, Jingoy at Chiz. Ewan ko ah, pero parang natuwa ako bigla kay Jingoy pagkatapos nang magka-issue ang mga ka-parian ng Pilipinas dahil sa mga "PAJERO" nila.

Anyway. Hindi na ako nagulat na sumigaw nanaman si Ma'am Miriam, at dabes ang unlispeech niya. Bahagya siyang nagbigay ng open-forum sa gitna ng senado. Malupit ang researches niya.
Within the day lang, naka-paskil na yan sa pader ng facebook. 

Marcos, very diplomatic ang atake, at halatang hindi rin siya nabulag sa SALN discrepancies ng nasasakdal.

Jingoy, wala, cute lang, kamuka talaga siya ni Erap noh? HAHAHAAH! de, joke, hindi ko na matandaan sinabi ni Sir Jinggy basta alam ko inabangan ko siya. (nonsense)

Chiz Escudero, natuwa ako sa pin-ropose niya na lahat ay pipirma ng waiver. Ang tanong, ilan din ang magpapaayos ng accounts nila. Kaya sila nasa pusisyon eh malamang may pre-arranged under-the-tables, what more ngayon? Well, sana hindi na.


Limang buwang tela-novela sa senado, suot ang Hogwarts na baro. Mayroon tayong nasaksihan na....
MYSTERY! THRILLER!
DRAMA!

ROMANCE!
at syempre.....  hindi makakalampas ang...
COMEDY!!
Matagal na ngang wala si Corona sa pwesto, pero sana'y totoo ito.
at hindi para takpan ang hacienda de cojuangco.

*All images posted are from google, those are not mine.

PBB Teens: Promise, ayoko na i-try

Madami daming gabi na at pagkakataon na nagtrend ang #PBBTeens, isama na natin ang mga pangalan nila Myrtle. HAHAHA! Di ba? Sikat sila talaga, kahit na hindi nakakanood ng reality show na yun eh, alam ang pangalan. Sa twitter pa lang nakakainis na ang tema, ano pa pag pinanuod ko yan? Magtatanggal nalang ako ng alikabok sa bookshelf.

De joke. Kahit kasi gustuhin kong panoorin ang palabas na yan, eh wala din akong oras. (Feelingera si atih!) De, wala lang kami talagang TV. Anyway, halata naman na ang mga nanunuod nito ay walang magawa sa buhay, pasintabi lang ho sa fans ng show. (Pwede niyo na rin i-close ang tab na ito, dahil promise, walang pumilit sa iyong basahin to)

Pero seryoso diba? Kung magpapa-entertain ka lang naman, eh dun ka na sa masaya ka, hindi yung makapagtweet eh halos isumpa mo yung show, kesyo OA dahil umiyak lahat, kesyo landian ng landian... Aysuskupooo! madami kayang ibang channel, try mo pumindot ng iba sa remote noh?

Sabi nga nila, "kanya kanyang trip lang yan", eh kung trip niyong masira ang gabi niyo bago kayo matulog.. ah e labas nako jan, sino ba naman ako para pigilan ang kasiyahan niyo diba?

Sa kasalukuyan, #PBBTense and trending. Gosh, never failed to climb the trendlist ang show.

Sa may malaking boses na tinatawag na "Kuya", elibs ako sayo ser! Humaling na humaling sayo ang tweeps.

Siguro nga ang show na ito yung nagsasalamin kung ano ang tunay na personalidad ng mga kabataan ngayon,  at siguro nga kaya naaasar ang iba dahil hindi na tayo ganun kabata para lumandi at maging walang paki sa mga bagay na dapat may pakielam tayo.

Ang masama lang kasi, at nakakatampo, sana kung napansin na natin (sa loob palang ng bahay ni kuya) na wala na talagang sense ang pangyayari, imbis na drama ang gawing pakulay, sana medyo school-type yung ginawa. Yung may disiplina sana, yung mababawasan sana ang kalandian ta ka-dramahan.

Kasi pinapanuod sila ng buong bayan eh, para lang maiwasan na mapahiya sila sa harap buong bayan. Dahil tignan niyo, pati reaksyon natin nakakahiya.

"Ang landi landi talaga ni (kung sino man siya)" ---tweet

Mukha bang worth-tweeting? Hindi, nakakainis lang din, kasi mundo nila yun at nakikimundo ka, nakikiproblema ka.

Tama na, magtrabaho o mag-aral ka nalang.
So, sila pala yan.. K.





Saturday, December 24, 2011

Aruykupo! Di pa ba tayo sanay?

Dati, sangkatutak na ka-konserbatibuhan ang pinapairal ng mga Pilipino. Pero ngayon, hindi na.

Dati, pag may lakad ang pamilya, lahat! Sasama, uunahin ang pamilya.
Dati, pag sinabing ito lang ang 'pwede', wag kang makulit dahil kahit anong ngawa mo jan, yon lang talaga ang pwede.
Dati, ang paninigarilyo ay para sa mga nakakatanda lang at may mga sweldo.
Dati, hindi tanggap ang babaeng lumalaklak ng serbesa sa kung saan saan.
Dati, ang nakasal lang ang pwedeng tumira sa iisang bubong.
Dati, ang alas-sais ng umaga ay mejo madilim pa.
Dati, ang mga bakla't tomboy ay kinamumuhian.
Dati, hindi kailangang magtrabaho ng mga nanay.
Dati, ang mga damit ng mga tao ay hindi pa kasing weird ni Lady Gaga na ultimo karne ginagawang damit.
Dati, ang usapang sex ay sagrado't walang pwedeng sumigaw ng mga private organs natin out loud.
Dati, di ka pwedeng mag-rason sa nakakatanda saiyo.

Lahat yan, dati na. Ahh, yung iba mejo natira..
Pero madami pang 'dati' na maaring idagdag sa listahan, masyado lang siguro akong bata para hindi malaman yung mga yun.
Nalaman ko lang naman yang mga yan base sa mga kwento ng Tanders e.

Ngayon, marami na ang pagbabago.
Ayaw mo man o hindi, wala kang kontrol sa takbo, pero may kontrol pa din kahit papano kung papairalin mo 'to sa pamilya mo o hindi. Mejo mahirap nga lang kontrolin. Para kang nagpigil ng tsunami.

Hhmm..may mga matatanda, elders na nakakaintindi sa mga pagbabago. At meron namang, wala, walang pag-asang makaintindi sa mga pagbabago. Pag isa sa mga nakagisnang 'Dati' ay hindi nasunod ng mga kabataan. Bastos ka na, walang modo, walang respeto, kulang nalang itakwil ka sa angkan.

Kung sabagay, may mga paraan namang nakakabastos. Pero may banat na innovative yet respectful. Maganda yun, kaya yung ibang elders nakiki-jive na din sa mga trip natin. Konting hide-hide nalang ng mga mejo extreme-trips na alam naman nating tayo lang ang makakaintindi. At least may effort silang umintindi. Kaya naman sa facebook, hala! Hide ng mga.. hhmm, alam niyo na yan.

Meron din namang mga elders na mababait. Open to changes. Kaso, minsan, naaapi nga sila, sabay tanong ng "Ganyan na ba talaga ang mga Kabataan ngayon?".. sabay analyze. Kaya dumadami ang wrinkles niyo mothers and fathers. Sabi nga eh, "Hindi porket nasanay na ang mga mata at tenga natin sa kabastusan eh tama na iyan, baka tularan pa ng mga mas nakakabata."

May mga pagbabago kasing hindi masyadong iniisip. Padalos-dalos ika-nga. Hindi natin napapansin na may natatamaan at naaapektuhan na pala tayo sa hindi magandang paraan. Sana ba kung sa atin lang ang mundo.. okay lang. Pero kahit papano kailangan nating MAKISAMA.

Hindi masyado magandang tignan kung sa isang pamilya, KANYA-KANYA na.
Walang pakielamanan sa nararamdaman ni nanay, tatay, kuya, ate o bunso. Kahit sana man lang yung tradisyon na yun lang ang maitago natin, okay na. Solb na.

Yun na nga lang ang magpapasaya sa'ting tunay e, tatakwilan pa ba?
Give and Take lang.

MERRY CHRISTMAS!

Monday, December 19, 2011

Dear Gasolina

Dear Gasolina,

Isa ako sa mga namumubrublema sayo sa twuwing magtataas ka, pa-cute ka naman pag bumababa ka.

O sige na, direchahan na tayo, ano bang balak mo? Magtataas ka nanaman ba? Lahat naman ngayon magmamahal na ulit o nagmahal na ulit, uso eh, pasko diba? Ikaw pa magpapahuli? Eh ikaw ang gasolina. Sikat ka, di matitiis ng tao.

Alam mo ba? Ngayong taon lang ako nagkaroon ng lisensya. Pwede ko nang mailabas ang kotse namin. Kaso di  ko magawa yun dahil wala pa akong pambili sayo eh.

Ibang klase ka talaga Gasolina, ibang iba talaga. Sigurista kang tunay. Elibs ako sa iyo, tigas mo. Di ka ba nakokonsensya? Ang daming nag-aaway dahil sa mood-shifts mo. Pisces ka ba? Hindi porket alam mong kailangan ka ng tao mag-dedemand ka ng ganyan. Di lahat ng tao kurakot, hindi lahat isasa-alangalang ang budget sa pagkain para lang makuha ka. Maawa ka naman.

Sige, sabihin na nating, Gasolina ka nga, sabihin na nating di mo kasalanang maging Gasolina. Kaso nagpapagamit ka e, di mo ba nakikitang maraming nahihirapan dahil sa trip ng mga lokong pinagttrabahuhan mo? Mga walang puso.

Kanina, sumakay ako ng jeep, bina-backstab ka ng tsuper. Dahil di ka nagmumura, halos lahat minumura ka na. Sabi ba naman ni manong, "Putanginang Gasolina yan, ubod ng taas."

Seryoso? Di ka ba magpapaka-humble? Wala ka man lang bang offer na unli?

Ayan, sobrang sama mo, pinipilit ka nang palitan. Napalitan ka na nga ng ibang taxi drivers eh, LPG pangalan niya. Ano? Malapit ka nang ma-deads. Pero siguro kakunchaba mo din talaga ang tadhana, mejo supot pa ang ideyang yun, kaya mejo napapaisip pa ang ibang gumaya sa konseptong yun.

Pero, dapat matakot ka na, matalino at madiskarte ang mga Pilipino. Mapapalitan ka din namin ng buong-buo.. SOON! May nakaimbento na nga pala samin ng makina ng kotse na tubig ang gamit bilang kapalit mo. May electricity-generated vehicles pang umusbong!

Hindi ka pa ba natatakot? Okay, kung di pa, sige, ikaw yan eh. Panindigan mo pagiging Gasolina mo, basta binalaan na kita. Okay? Klaro?

Okay, thanks, bye.

God Bless you. Merry Christmas.

Love,
Vivie


---------------------------------------------------------------
entry for: http://www.gasolinedude.com/2011/10/gasoline-dudes-blogversary-writing.html

Wednesday, October 19, 2011

'Friend-on-call'/Nagmamarunong

Minsan naisip ko kung matino ba talaga akong tao o nagmamarunong lang akong maging matino.

Inaamin ko namang nagkakasala ako, di ako mabuting Kristyano pero trying hard talaga to the fullest.

Kadalasan kasi ngayon, ako yung 'friend-on-call', yung tipong.. isang text lang ng..
"Vivie, free ka? Tambay tayo!"

Since ako ang nagwawagayway ng bandila ng mga bum sa tropa, wala akong karapatang tumanggi. Di naman sa tinatamad ako.. pero kasi, nauubos ang allowance ko sa overpriced drinks. Hampaslupa nga ako remember?

Sa isang banda, kailangan ko din umalis ng bahay kasi hindi naman malusog na pamumuhay ang manatiling nakababad sa harap ng libro/gitara/laptop/telebisyon araw-araw. Maniwala kayo, hindi. Ayoko naman magising isang araw na hindi ko na matandaan yung feeling ng init ng araw. OA! Kala mo centralized yung aircon sa bahay eh noh? Tigas ng mukha ko minsan magreklamo, pasensya. Feeling mayaman e.

Osige, eto kasi ang kaso ngayon. Panahon ata ng problema ng mga relasyon ngayon? Ang benta ng 'viviethoughts', ang tanong, eh nag-reregister ba naman sa mga suki ko ang mga payo na ipinapamahagi?

Ang mga payo pa na yon, partida ah! Galing sa isang single na nilalang. Ano bang alam ko?? Minsan, sarap din nilang tanungin ng..
"Nang-aasar ka ba?"
"Tini-train mo ba ako?"
"Pa-explain muna pwede?"

Kaso wala e, minsan kailangang pigain ang utak para mejo bumuti ang pakiramdam ng nag-request ng tambay... Para maintindihan ng mga babae na magkaiba talaga ang lalake sa babae. Magkaibang-magkaiba. Hugis pa lang at madami pang iba. (Wag na detalyado, total..'di naman pare-pareho ang mga lalake di ba?)

Kadalasan naman, pag bobong bobo na talaga ko sa mga relasyon na yan, nanahimik lang ako. At least, alam nilang may nakikinig sa kanila. Mas okay na yun kesa sa sabihin kong, 'Break na yan! Shot naaaa!!' Please, highschool? Konting ka-maturan. Konting laban. Konting effort.

Ina-analyze naman namin yon kahit papano, sa isang banda, nagrerecord din kami ng mga sinasabi nila. Madalas kasi kaming  nagkaka-busugan ng mga sarili naming salita ee..

At least, may magsasabi ng..
"O teka, di ba sabi mo ...."

Trying hard naman kasi lahat ng may mga 'paki'.

Pero, may mga taong ayaw magpakielam. Akala natin nakakatulong tayo pero, hindi pala.
Isang matinong pagsabi nalang ng.. "Sige na, okay lang kami"
By all means, kayo na bahala... Pagdadasal nalang namin kayo ha?

Para magupit na 'tong kabarberuhang 'to, eto nalang..
Sa lahat ng walang makausap, go, eto lang ang tenga.
Sa lahat naman ng ayaw magpakausap, ilalayo lang namin ang blade sa paningin mo, pati baril. At di ka pwedeng pumunta sa SM ah! Kahit anong branch.

Friday, October 14, 2011

Know Things for Yourself

Alam mo sa school, ayaw na ayaw ng mga professors ang 'Spoon-feeding'. Kasi nga naman di na ginagamit ng mga estudyante ang mga utak nila. Pare-parehong istilo para lang mapadali ang solusyon.

Wala nang...Spontaneity na tinatawag. Lahat naka-format, para daw may kaayusan. Ayan! Sige! Eh di robot na gumraduate ang mga estudyante pagdating ng Marso.

Sinasabing..'Do Something New'.. pero sangkatutak na rules and regulations naman ang ilalatag sa iyo. At yung rules na yun ah.. tipong pati paghinga mo bawat minuto kailangan nasa ayos.

Masaya ako na naituro ang Tama sa Mali. Ang Tama ang dapat gawin.. pero paano kung yung Mali, maganda ang epekto. Diba ibig sabihin, nag-sugal ang tao? Eh sabi nila, bihira ang tamang pagsusugal. Lahat naman nagkakamali e, pero bakit pag bago ang mali.. wala nang handang tumulong? Tablado ka na ng buong populasyon.

Ewan ko.. pero yung mga gantong bagay, sabihin nang tanga ako, o makitid ang utak.. pero, di ko talaga maintindihan. Lahat contradicting. Gusto mo mag-explain? Okay lang.. comment mo dali.

Tuesday, September 20, 2011

Teacher! Teacher!

Ang mga guro o titser ay tinaguriang ga pangalawang magulang ng mga bata sa paaralan.

Hindi lingid sa kaalaman nating lahat na nag mga guro dito sa bansa natin ay may sweldo na kulang pa sa kulang talaga. Tipong masabi lang na, 'may sweldo ako'.

Kung tutuusin, ubod ng hirap ang trabaho ng mga guro. Sangkatutak na effort.

Nung bata ako, mejo pangarap ko din ang maging teacher.. kasi ang cool nung pag-nagchcheck sila ng papers. Nasa harap kasi ako dati lagi, pag seating arrangement.. una lagi! Kasi maliit ako (thanks to cherifer)... kaya lagi kong napapanood ang mga teachers sa teacher's table nila.

Sa tuwing magtuturo sila ng kung ano mang subject na naka-assign sa kanila, anjan na yung magpprepare sila ng course outline, at iba pang mga aktibidades tulad ng games para masaya ang klase.

Syempre gusto nila masaya ang mga mag-aaral, ang hirap nga naman magturo ng mga walang kabuhay-buhay na klase. Makuha alang ang atensyon ng mga bata, panalo na! Maituro lang ang mga dapat matutunan, masaya na, FULFILLED!

Pag nag-quiz at exams, dun na magkakaalaman. Dati, di ko gets yung, 'Walang teacher ang gustong may bumabagsak sa studyante'. Kasi ang feeling ko, isa sila sa mga nabuhay para pahirapan ang mga bata, sila ang dapat nirereport sa Bantay Bata. Pero hindi pala.

At hindi lang yon ang papel nila sa buhay ng mga studyante.. Halata sa mga guro kung sino ang may mga "puso" talaga sa pagtuturo. Sila yung ga gusto mong balikan pagka-graduate mo, pag umasenso ka na..
sila yung gusto mong sabihan na.. "Thank you po"

Sila yung mga guro na naging magulang mo, pag hindi okay sa bahay at halata nila..
Sila yung kakausap sayo, susuyuin ka para mas gumaan ang pakiramdam mo..
Sila na, lahat ibubuhos para lang may extra kang matutunan sa eskwela... ang magbigay ng atensyon, makinig sa problema at tumulong.

Maituturing nga na bayani ang mga guro.
Pakielamera sila minsan, daig pa ang pari mag-sermon, pinagtataguan ng kodigo at ginagawan ng codenames.
Sila ay minsang nagbigay ng 'impact'.

Iilan nalang ang mga totoong guro, at swerte akong, may iilan akong nadaanang ganun.
Salamat sa paghubog at paniniwala.


Pag umasenso tayo..sana isa-isahin natin sila.. ang nagturo satin ng tamang pronounciation ng "Thank you". Hindi basta tenkyu, kundi yung THank you talaga...

...ang nagturo satin ng biology, ang paiba-ibang value ng X-Y-Z, ang nagpakilala kay Confucius at Rizal,
...ang nagpakita satin na mas maganda pa rin ang Pilipinas
...at syempre, ang mga taong nagpa-realize satin na hindi lahat pera.

Mas mayaman pa din ang mga titser na may puso.