There was an error in this gadget

Wednesday, October 19, 2011

Mag-smile ka naman jan sir!

May professor kami nung first year college, prof namin siya sa Philippine Constitution. Tuwang-tuwa ako sa istilo niya magturo. Malinaw siya mag-hayag ng mga facts at maganda siya magsulat. Eh bihira yon sa prof di ba?

Mas challenging basahin sa board ang sulat nila, mas natutuwa pa ata sila kasi, nate-test nila kung sino talaga ang nag-eeffort na magtake-down notes ng mga tamang salitang nakapaskil.

Si Sir na hanggang ngayon naka-wowee deguzan hairstyle ay isa sa mga gurong hindi ko din makaklimutan. Sa klase niya libreng makipag-debatehan tungkol kela Andres Bonifacio at sa poging pogi kong idol na si Rizal.

In fact, dun kami nagkaron ng 'konek' ng kaibigan ko, (pinagkakamalan nga pala kaming lesbiana) kasi pagkatapos niya mag-recite, si Repato naman ang tatayo.

Noong nag-birthday siya, sinurprise siya ng klase namin.. nagsulat sila ng malaking 'HAPPY BIRTHDAY SIR' sa harap.

Pagpasok niya, napatingin lang siya.. tapos with garfield eyes.. 'Thank you'. Walang expression ah! As in wala!

'Sir! di niyo po ba na-appreciate? Wag na tayo mag-klase pahinga muna kayo.. pagod na pagod po ata kayo.' Kinantahan pa nga ata siya ng 'Ikaw, na ata ang pinakamagandang lalake sa mundo...lalalala'.

Siyempre, segway para makatakas sa lecture. Di siya pumayag, binura niya lang yung nakasulat sa harap at sinulat ang 'topic for the day'. Ayun, nalungkot lahat. FAIL mapangiti si pogi eh.

Nung fourth year kami, naging prof ulit namin siya sa Rizal. Eh ano pa nga ba? Mas nainlove ako kay Rizal. Ganun pa din, isa ako sa masugid niyang taga-recite. (Pambawi, kasi late ako lagi)

Noong isang beses, tapos na klase namin, kaso hinihintay namin yung tropa naming pasaway kasi tinawag siya sa office... Nakita namin si sir, eh di kami naman si corteous. "Goodafternoon sir!", nagreply naman siya ng "Goodafternoon ladies". Garfield faced padin.

Ang tagal ni tropa, eh napansin ko, wala pa yung mga studyante sa loob ng classroom... Kumatok ako..
"Sir, pwede po kami maki-sit in? behave po kai promise."
Sabi niya..
"O? talaga? sige"

Parang di ata siya makapaniwalang.. may gustong mag-sit-in sa klase niya. Eh hello si Rizal the pogi ang topic. Kahit ilang beses pa yan. Oks lang sakin!

Ayan na hinatak ko yung dalawa ko pang friends. 'Tara!! minsan lang oh!', 'Di ba nakakahiya?'. 'Wow, chic! Tara naaa!'. Ayun..

Walang nagre-recite sa klase.. at! Walang nakaupo sa harap! Kami pang nakiki-sit-in ang nasa harap.
AHHH!! ayaw niyo mag-recite ah!

Recite ako!

ANAK NG TIPAKLONG!!! Nag-smile si sir!!!

FIRST TIME EVAHH!!

FULFILLMENT!!! Napangiti namin siya!

Mga ilang minuto ang nakalipas.. nagtext na yung tropa namin. Hinahanap na kami..
Eh di nagpa-alam na kami kay Sir. Tas sabi niya 'Thank you'. WOW! Damang-dama namin!
Paglabas namin.. sabi ng tropa namin.. "Ano ginagawa niyo sa loob? Bakit nag-Ririzal ulit kayo?"

Proud kaming sabihin na..
"Loko! NAPANGITI namin si sir!"

Alam niyo yung reaction niya (nung tropa).. kulang naman sabihin niya.
"Ay, bakit? Crush niyo si sir?"

----
Iba lang yung feeling pag may napapngiti kang tao. Sarap sa feeling.

6 comments:

  1. Masayang maging isang guro lalo na pag naaappreciate ka ng mga estdyante mo :) Btw vie, db naka TM si rizal? Txt natin! haha

    ReplyDelete
  2. Ikaw na ang may maitim na balak sa teacher mo... hahaha. Baka konti pa malay mapahalakhak na sya.

    ReplyDelete
  3. hahaha, iba nga ang fulfillment, naiimagine ko yung mga eksena na habang binabasa ko ang blog mu.

    Naku, gusto ko ding matry yan kaya lang wala namang simangot na pro sa amin. :)

    ReplyDelete
  4. @Mr. P:masaya din magkaron ng prof ng may naituturong katuturan at kapaki-pakinabang sa estudyante. Oo! hahaha! TM si Rizal! kaso baka walang load ha? HAHA!

    @Lili:'un-garfield face', hahaha! i like the term!!

    @glentot:wala naman akong maitim na balak sakanya.. sabihin nalang natin na minsan, may mga bagay tayong gustong makita na hindi mo nakikita sa pangkaraniwang araw. :)

    @stevevhan:Pwede mo rin i-try yan! It's not necessary na sa prof m gawin yan, pwede m i-try sa librarian, masungit na nagbebenta ng pagkain sa canteen, janitor/janitress, guard at iba pa. Sa lungkot ng mundo ngayon, napakaraming pwedeng pangitiin ngayon. And i tell you, fulfilling talaga yung feeling!:) Let's make everybody smile!:D

    ReplyDelete
  5. wow, ang saya naman niyan.....
    ako nga din pangitihin mo? hehehehe

    ReplyDelete