Tuesday, November 8, 2011

Leukemia

Wala pa din akong trabaho, pero mejo sume-segway ng business. Baka may tutoran akong bata mamaya, grade five student. Kapatid siya ng tropa ko, sana matulungan ko siya. Kahapon, may baon pa kong assignment niya na 'Book Report', kaya ayun busi-busihan ang pango.

Bago ako gum-raduate ng highschool, mayroon nakong mga nararamdamang mga sakit sa dibdib (sana nga dahil  lumalaki yung boobs ko eh, pero hindi), sa likod at sa paa. Ayokong magpa-check-up kasi sasabihin nila, sa yosi to. Sus, nevahmind duhkter!

Kagabi, actually, kanina, mga alas-3 ng madaling araw, nagutom ako. Kampante naman ako na may pagkain kasi bertday ni erpats kahapon. Bale, may tirang pansit sa lamesa. At alam kong para sa akin siya.

Eh di ayon, ano pa nga ba? Pag gutom, eh di kumain! Walang diet diet! Kahit mas malaki na yung chan ko kesa sa boobs ko.. WAPAKELS!

Pagkaharap ko ulit sa laptop kong bulok, mejo nakaramdam nako ng paninikip ng dibdib.
Sabi ko sa sarili ko.. 'Ah, tubig lang 'to'

Wala, masakit pa din..
Makapagyosi nga.. (Tanga)
Eh di mas lumala.

Hanggang sa hindi ko na kaya..
Nag-goodnight na ako sa ka-chat ko.

Eh di sabi ko nanaman sa sarili ko.
'Alam ko na, lambing lang 'to galing kay ermats'

'Moooommmy!!!'
eh si mommy tulog na, malamang alas-3 ng madaling araw ee.

'Maaaamy!! Chest pains ulit'
Naiiyak nako, kasi ang sakit talaga.
Parang may nakapatong na 5 Margarette (yung pamangkin ko) sa dibdib ko.

Iniipit ko na yung dibdib ko ng unan, tapos naka-fetus position pa ako.
As in namimilipit ako sa sakit.

Bumangon si ermats.
Aba! Galit (First time!)

'Ano ba naman yan! Anong oras na?'
Sa isip isip ko.. mata-taymingan ko ba yung sakit?
Kasalanan ko bang kumain ng pansit? Eh gutom ako.

'Wag ka nang lalabas!' (Sino ba naman lalabas ng alas-3 ng madaling araw na masakit ang dibdib?)
sabi ko.. 'Tutor'
'Mommy, tutor'

'ANO??!' Iritable talaga siya.
Naisip ko tuloy.. Di ako love ni mommy. (Bata ampotek)
Tutor... sabi ko ulit. (Kasi mamaya na ako mag-sstart)

Hinihilot niya na ulit ako..
tapos kinuha yung BP ko..

'Uminom ba kayo kagabi?'
umiling ako..
'Abusuhin mo pa yang katawan mo!'
Hindi nga po ako uminom ehh.

Hanep di ba? Namimilipit ka na, sinesermunan ka pa.

Ngayong umaga, dumating si kuya...
at the same time, malambing na din si mommy. Nasa wisyo na ee.

'May, wag ka na kasing maliligo ng madaling araw.'
Eh ang lagkit kayaa, kahit na sabihin mong may aircon.. iba padin pag fresss!
Atchaka, di ako naligo kagabi. Nagpalit lang ako ng damit.

'Alam mo bang 100 over 70 ka?, lowblood ka'
Ehh okay lang.. halos lahat sa tropa maga ganun ganun din ang score sa BP.

Eh di si kuya emeksena!
'Hoy! gusto mo bang magka-leukemia?? Ang bata bata mo pa! Wala na kaming kapatid!'

ANAK NG TIPAKLONG!!
Winner ah!
Para ngang sa tono niya, excited siya eh! Chaka, maka-leukemia naman 'teh!
Di ba pwedeng stressed muna?
Over eh!

Tanggap ko namang magkaka-cancer ako balang araw pero.. hindi cancer of the blood. Lungs, pwede pa..


Di ko din ma-gets kung malabing ba sila o may hidden agenda ee.
CHIIC!

'Under-aged ka pa nga sa ibang mga trabaho tapos ngayon 20 ka palang kung anu-anong sakit na yang meron ka'

Parang hinatulan eh.

4 comments:

  1. . . . yosi, inom, puyat. hindi mo rin masisi ang WHO kung ilalabas nila ang statistics nila na nagsasabing maaaga na raw namamatay ang mga tao. anyway, sa aking palagay, kailangan mo nang magpa-check up-

    boobs/dibdib word count for this post: 7

    ReplyDelete
  2. HAHAHAH!! natawa ako sa word count!
    Ganun na pala ka-obvious. Shit.

    ReplyDelete
  3. Hmm.. palit tayo ng BP best! :D 140/100 ako. Sana pwede pagsalinin tas divide by 2 para normal na :D neweys, take care of yourself :) Bata pa tayo at masyado pang maraming pwedeng ienjoy :)

    ReplyDelete