Showing posts with label commercialism. Show all posts
Showing posts with label commercialism. Show all posts

Thursday, June 21, 2012

PBB Teens: Promise, ayoko na i-try

Madami daming gabi na at pagkakataon na nagtrend ang #PBBTeens, isama na natin ang mga pangalan nila Myrtle. HAHAHA! Di ba? Sikat sila talaga, kahit na hindi nakakanood ng reality show na yun eh, alam ang pangalan. Sa twitter pa lang nakakainis na ang tema, ano pa pag pinanuod ko yan? Magtatanggal nalang ako ng alikabok sa bookshelf.

De joke. Kahit kasi gustuhin kong panoorin ang palabas na yan, eh wala din akong oras. (Feelingera si atih!) De, wala lang kami talagang TV. Anyway, halata naman na ang mga nanunuod nito ay walang magawa sa buhay, pasintabi lang ho sa fans ng show. (Pwede niyo na rin i-close ang tab na ito, dahil promise, walang pumilit sa iyong basahin to)

Pero seryoso diba? Kung magpapa-entertain ka lang naman, eh dun ka na sa masaya ka, hindi yung makapagtweet eh halos isumpa mo yung show, kesyo OA dahil umiyak lahat, kesyo landian ng landian... Aysuskupooo! madami kayang ibang channel, try mo pumindot ng iba sa remote noh?

Sabi nga nila, "kanya kanyang trip lang yan", eh kung trip niyong masira ang gabi niyo bago kayo matulog.. ah e labas nako jan, sino ba naman ako para pigilan ang kasiyahan niyo diba?

Sa kasalukuyan, #PBBTense and trending. Gosh, never failed to climb the trendlist ang show.

Sa may malaking boses na tinatawag na "Kuya", elibs ako sayo ser! Humaling na humaling sayo ang tweeps.

Siguro nga ang show na ito yung nagsasalamin kung ano ang tunay na personalidad ng mga kabataan ngayon,  at siguro nga kaya naaasar ang iba dahil hindi na tayo ganun kabata para lumandi at maging walang paki sa mga bagay na dapat may pakielam tayo.

Ang masama lang kasi, at nakakatampo, sana kung napansin na natin (sa loob palang ng bahay ni kuya) na wala na talagang sense ang pangyayari, imbis na drama ang gawing pakulay, sana medyo school-type yung ginawa. Yung may disiplina sana, yung mababawasan sana ang kalandian ta ka-dramahan.

Kasi pinapanuod sila ng buong bayan eh, para lang maiwasan na mapahiya sila sa harap buong bayan. Dahil tignan niyo, pati reaksyon natin nakakahiya.

"Ang landi landi talaga ni (kung sino man siya)" ---tweet

Mukha bang worth-tweeting? Hindi, nakakainis lang din, kasi mundo nila yun at nakikimundo ka, nakikiproblema ka.

Tama na, magtrabaho o mag-aral ka nalang.
So, sila pala yan.. K.





Monday, December 19, 2011

Dear Gasolina

Dear Gasolina,

Isa ako sa mga namumubrublema sayo sa twuwing magtataas ka, pa-cute ka naman pag bumababa ka.

O sige na, direchahan na tayo, ano bang balak mo? Magtataas ka nanaman ba? Lahat naman ngayon magmamahal na ulit o nagmahal na ulit, uso eh, pasko diba? Ikaw pa magpapahuli? Eh ikaw ang gasolina. Sikat ka, di matitiis ng tao.

Alam mo ba? Ngayong taon lang ako nagkaroon ng lisensya. Pwede ko nang mailabas ang kotse namin. Kaso di  ko magawa yun dahil wala pa akong pambili sayo eh.

Ibang klase ka talaga Gasolina, ibang iba talaga. Sigurista kang tunay. Elibs ako sa iyo, tigas mo. Di ka ba nakokonsensya? Ang daming nag-aaway dahil sa mood-shifts mo. Pisces ka ba? Hindi porket alam mong kailangan ka ng tao mag-dedemand ka ng ganyan. Di lahat ng tao kurakot, hindi lahat isasa-alangalang ang budget sa pagkain para lang makuha ka. Maawa ka naman.

Sige, sabihin na nating, Gasolina ka nga, sabihin na nating di mo kasalanang maging Gasolina. Kaso nagpapagamit ka e, di mo ba nakikitang maraming nahihirapan dahil sa trip ng mga lokong pinagttrabahuhan mo? Mga walang puso.

Kanina, sumakay ako ng jeep, bina-backstab ka ng tsuper. Dahil di ka nagmumura, halos lahat minumura ka na. Sabi ba naman ni manong, "Putanginang Gasolina yan, ubod ng taas."

Seryoso? Di ka ba magpapaka-humble? Wala ka man lang bang offer na unli?

Ayan, sobrang sama mo, pinipilit ka nang palitan. Napalitan ka na nga ng ibang taxi drivers eh, LPG pangalan niya. Ano? Malapit ka nang ma-deads. Pero siguro kakunchaba mo din talaga ang tadhana, mejo supot pa ang ideyang yun, kaya mejo napapaisip pa ang ibang gumaya sa konseptong yun.

Pero, dapat matakot ka na, matalino at madiskarte ang mga Pilipino. Mapapalitan ka din namin ng buong-buo.. SOON! May nakaimbento na nga pala samin ng makina ng kotse na tubig ang gamit bilang kapalit mo. May electricity-generated vehicles pang umusbong!

Hindi ka pa ba natatakot? Okay, kung di pa, sige, ikaw yan eh. Panindigan mo pagiging Gasolina mo, basta binalaan na kita. Okay? Klaro?

Okay, thanks, bye.

God Bless you. Merry Christmas.

Love,
Vivie


---------------------------------------------------------------
entry for: http://www.gasolinedude.com/2011/10/gasoline-dudes-blogversary-writing.html

Friday, September 16, 2011

100 Days before Christmas

Pasko na, sinta ko, wala akong hinahanap.

Ayan nanaman, sangkatutak na Christmas Love songs nanaman ang maririnig natin.. sa bus, sa jeep, sa grocery, sa ministop, 711, sa lahat talaga!

Hindi naman ako si Scrooge na galit sa pasko.. sadyang, eh overrated na kasi ang pasko para sakin.
Pinagsama-samang, piyesta, valentines, at bday ng lahat. Masaya naman sana eh, kaso puro materyal na.
Yun! Yun ang nakaka-turn-off, nagsimula akong lumayo sa 'pasko' dahil hindi na ito ang nakagawian.

Pagandahan ng cellphone, pabonggahan ng damit, pagalingan mag-social climb. Hindi ko na nakita ang presensya ng Katolisismo sa pasko.

Isa pa, pagka pasko, ang mga kabataan, dapat lagi kang may 'partner', boyfriend o girlfriend na magpapainit ng pasko mo.. o diba? valentines day din?

Pag wala kang partner, official member ka na ng SMP, Samahan ng Malalamig ang Pasko.
Eh teka, diba dapat nga daw lahat kasali? Bakit exclusive kayo bigla? Oh see? Nagkakalimutan ng concept eh. Nakakainis.

Kaya sa tuwing nakakarinig ako ng Christmas songs,imbis na matuwa, napapalakas ang ipod ko..
Sa mga tunog na yun, naaalala ko ang komersyalismo at pagka-materyalismo ng mundo.

Ayusin naman sana natin, sayang eh, para sa mga bata, iparamdam ang pagibig hindi ang lutong ng bagong pera.