Showing posts with label segway. Show all posts
Showing posts with label segway. Show all posts

Wednesday, October 9, 2013

Vibrate

Aha! message tone alert.

Message: Wala na sa buhay namin ang ex-gf ng kapatid ko natinawag akong "kupal". Sweeet!

Isang gabi, nag-overnight ako sa Cebu at may ni-room mate akong chics. Buong gabi kaming nagkulitan at nagharutan. Slumber party ee, bakit ba..

Umaga may nag-alarm, syempre nakakairita.. hindi ko pinansin.

Bigla ko nalang naalala bgla yung isang beses,nasa bahay kami. Wala na ang gumuhong relasayon ng kapatid ko at ng ex nya.. (halata bang ganun na lang ang galit ko sa ex?)
 Nsa kwarto kaming nuong pamilya, epro nandun yung ex nya.. weird. Wala na nga sila pero nasa bahay pa siya..

Tuwing lalabas ako sa garahe para magyosi, lagi kong nadadanan sa dning room ang cellphone ng ex ni kuya.. na bigay ni kuya.. Nagvivibrate. Diko na pinansin, pakelam ko sa phone nya.

Pasok ulit ako sa kwarto, lwemtuhan..
Labas ulit.. para magyosi, nadaanan ko nanaman yunglintik na cellphone nagvvibrate.
Pasok ulit.. kwento
Labas.. vibrate ulit lintik na cellphone.

Diko alam kung censor ba yun na tuwing lalabas ako magvvibrate. Nananadya pati cellphone. Badtripee.
Pero sige, hinayaan ko nalang at nagwwish na sana makaramdam yung ex ni kuya.

Balik sa routine,
Labas para magyosi
Pasok para kwento
Labast ulit..
Walang intis, bawat labas ko, nagvvibrate talaga.

Hanggang sa pumitik nako..

"Ano ba yang cellphone nayan?  Kung di papatyin yan lulublob ko sa batcha kasama ng pagong yan!!"

--Nanahimik lahat..
Lakas ng boses ko ee.

Yun pala nananaginip ako, at yung cellphone ng isang chics, nagvvibrate.. tinatawagan ng ermats nya.

Pakshet boys and girls, hanggang ngayon, binabangungot ako ng ex ng kapatid ko.

Tuesday, July 24, 2012

I soo love my job!

Grabe na 'to mga ate't kuya, kaunting kembot nalang eh magiging regular na ako sa trabaho ko. Sana lang maregular ako, dahil mejo kabado nga ako. May mga kaso din kasi akong naipon habang probationary ako. Anyway,gusto ko talaga tong trabahong to. Bukod sa hindi siya 8-hour job at hindi office work.. Dude! Ang gaganda ng mga tao. Ang popogi at mga dyosa! At may bago akong crush. Kapangalan siya ng nawala kong aso dati, pero walang tatalo sa ka-pogian niya. OA? De, sarap niya lang katrabaho, sobrang gaan. Cloud9 talagaaa. Pareho pa kami ng trip na tugtugan, my galleymate naman! Aaat! Yung sa post ko, na ito, sinabi niya yan eeee! Parang ako, 'sir, ako nalang?' 'choose me! Choose me!' haha! Kaso, kailangan gumising, daming kaagaw.FAIL. Di pa nagyoyosi, FAIL. Pero promise, ganado ako magtrabaho pag ikaw ang ka-galley. :) Di ko aatrasan, kahit pa masiraan tayo sa cotabato. Kinikilig kinikikig, kinikilig ako. Parang highschool.

Thursday, June 21, 2012

PBB Teens: Promise, ayoko na i-try

Madami daming gabi na at pagkakataon na nagtrend ang #PBBTeens, isama na natin ang mga pangalan nila Myrtle. HAHAHA! Di ba? Sikat sila talaga, kahit na hindi nakakanood ng reality show na yun eh, alam ang pangalan. Sa twitter pa lang nakakainis na ang tema, ano pa pag pinanuod ko yan? Magtatanggal nalang ako ng alikabok sa bookshelf.

De joke. Kahit kasi gustuhin kong panoorin ang palabas na yan, eh wala din akong oras. (Feelingera si atih!) De, wala lang kami talagang TV. Anyway, halata naman na ang mga nanunuod nito ay walang magawa sa buhay, pasintabi lang ho sa fans ng show. (Pwede niyo na rin i-close ang tab na ito, dahil promise, walang pumilit sa iyong basahin to)

Pero seryoso diba? Kung magpapa-entertain ka lang naman, eh dun ka na sa masaya ka, hindi yung makapagtweet eh halos isumpa mo yung show, kesyo OA dahil umiyak lahat, kesyo landian ng landian... Aysuskupooo! madami kayang ibang channel, try mo pumindot ng iba sa remote noh?

Sabi nga nila, "kanya kanyang trip lang yan", eh kung trip niyong masira ang gabi niyo bago kayo matulog.. ah e labas nako jan, sino ba naman ako para pigilan ang kasiyahan niyo diba?

Sa kasalukuyan, #PBBTense and trending. Gosh, never failed to climb the trendlist ang show.

Sa may malaking boses na tinatawag na "Kuya", elibs ako sayo ser! Humaling na humaling sayo ang tweeps.

Siguro nga ang show na ito yung nagsasalamin kung ano ang tunay na personalidad ng mga kabataan ngayon,  at siguro nga kaya naaasar ang iba dahil hindi na tayo ganun kabata para lumandi at maging walang paki sa mga bagay na dapat may pakielam tayo.

Ang masama lang kasi, at nakakatampo, sana kung napansin na natin (sa loob palang ng bahay ni kuya) na wala na talagang sense ang pangyayari, imbis na drama ang gawing pakulay, sana medyo school-type yung ginawa. Yung may disiplina sana, yung mababawasan sana ang kalandian ta ka-dramahan.

Kasi pinapanuod sila ng buong bayan eh, para lang maiwasan na mapahiya sila sa harap buong bayan. Dahil tignan niyo, pati reaksyon natin nakakahiya.

"Ang landi landi talaga ni (kung sino man siya)" ---tweet

Mukha bang worth-tweeting? Hindi, nakakainis lang din, kasi mundo nila yun at nakikimundo ka, nakikiproblema ka.

Tama na, magtrabaho o mag-aral ka nalang.
So, sila pala yan.. K.





Saturday, December 24, 2011

Aruykupo! Di pa ba tayo sanay?

Dati, sangkatutak na ka-konserbatibuhan ang pinapairal ng mga Pilipino. Pero ngayon, hindi na.

Dati, pag may lakad ang pamilya, lahat! Sasama, uunahin ang pamilya.
Dati, pag sinabing ito lang ang 'pwede', wag kang makulit dahil kahit anong ngawa mo jan, yon lang talaga ang pwede.
Dati, ang paninigarilyo ay para sa mga nakakatanda lang at may mga sweldo.
Dati, hindi tanggap ang babaeng lumalaklak ng serbesa sa kung saan saan.
Dati, ang nakasal lang ang pwedeng tumira sa iisang bubong.
Dati, ang alas-sais ng umaga ay mejo madilim pa.
Dati, ang mga bakla't tomboy ay kinamumuhian.
Dati, hindi kailangang magtrabaho ng mga nanay.
Dati, ang mga damit ng mga tao ay hindi pa kasing weird ni Lady Gaga na ultimo karne ginagawang damit.
Dati, ang usapang sex ay sagrado't walang pwedeng sumigaw ng mga private organs natin out loud.
Dati, di ka pwedeng mag-rason sa nakakatanda saiyo.

Lahat yan, dati na. Ahh, yung iba mejo natira..
Pero madami pang 'dati' na maaring idagdag sa listahan, masyado lang siguro akong bata para hindi malaman yung mga yun.
Nalaman ko lang naman yang mga yan base sa mga kwento ng Tanders e.

Ngayon, marami na ang pagbabago.
Ayaw mo man o hindi, wala kang kontrol sa takbo, pero may kontrol pa din kahit papano kung papairalin mo 'to sa pamilya mo o hindi. Mejo mahirap nga lang kontrolin. Para kang nagpigil ng tsunami.

Hhmm..may mga matatanda, elders na nakakaintindi sa mga pagbabago. At meron namang, wala, walang pag-asang makaintindi sa mga pagbabago. Pag isa sa mga nakagisnang 'Dati' ay hindi nasunod ng mga kabataan. Bastos ka na, walang modo, walang respeto, kulang nalang itakwil ka sa angkan.

Kung sabagay, may mga paraan namang nakakabastos. Pero may banat na innovative yet respectful. Maganda yun, kaya yung ibang elders nakiki-jive na din sa mga trip natin. Konting hide-hide nalang ng mga mejo extreme-trips na alam naman nating tayo lang ang makakaintindi. At least may effort silang umintindi. Kaya naman sa facebook, hala! Hide ng mga.. hhmm, alam niyo na yan.

Meron din namang mga elders na mababait. Open to changes. Kaso, minsan, naaapi nga sila, sabay tanong ng "Ganyan na ba talaga ang mga Kabataan ngayon?".. sabay analyze. Kaya dumadami ang wrinkles niyo mothers and fathers. Sabi nga eh, "Hindi porket nasanay na ang mga mata at tenga natin sa kabastusan eh tama na iyan, baka tularan pa ng mga mas nakakabata."

May mga pagbabago kasing hindi masyadong iniisip. Padalos-dalos ika-nga. Hindi natin napapansin na may natatamaan at naaapektuhan na pala tayo sa hindi magandang paraan. Sana ba kung sa atin lang ang mundo.. okay lang. Pero kahit papano kailangan nating MAKISAMA.

Hindi masyado magandang tignan kung sa isang pamilya, KANYA-KANYA na.
Walang pakielamanan sa nararamdaman ni nanay, tatay, kuya, ate o bunso. Kahit sana man lang yung tradisyon na yun lang ang maitago natin, okay na. Solb na.

Yun na nga lang ang magpapasaya sa'ting tunay e, tatakwilan pa ba?
Give and Take lang.

MERRY CHRISTMAS!

Tuesday, December 13, 2011

Tomboy Turns

Hello! Kakauwi ko lang galing sa tugtog namin dun sa Christmas party ng opisina ng kabanda namin. As usual, ano pa nga bang bago? Ang dami kong mali.. Anak ng grasshopper vie! mag2-2012 na, End of the world na o, sablay pa din ka pa din. Anak ng...

Dumating kami dun at mararamdaman ang aura ng.. 'Mabuhay ang kagandahan, ka-kinisan, ka-tangkaran at! Ka-kurbahan'. Mga magagandang dilag na nagdulot ng pagdadalawang isip ko kung babae nga ba ako o lalake. Ayan nanaman ho ang 'Identity Crisis'.

Kumain kami ng mga hindi ko mabigkas na mga pagkain, pero nalunok ko naman at nanguya ng maayos. Sarap nga ee, libre kasi, tapos ganun pa mga nakapaligid! Nakupooo nakakgana nga naman.

Maganda ang stage, puno ng instruments. Tapos, may lalake na naglatag ng bass. Sabi ko.. wow! Di ako ngunguyain nito, lunok agad! Alam ko magaling siya. Basta alam ko.

Habang tumutugtog kami, alam kong madami nakong mali pero fini-feel ko nalang yung kanta, tinigtnan ko minsan yung paligid, at nakikita ko na yung bahista ng kabilang banda na mejo nakatingin, kaya tumalikod nako. Hiya ako.

At nang matapos kaming tumugtog  sumunod nga yung isang banda na regular naman palang tumutugtog dun. Hanak ng! Ang galing nga ng bahista nila!!! Ewan ko, pero kasi bano talaga ako. Hindi siya madamot sa chords, talagang tinataas niya.

Cute siya! May dimples! At!

Pag napapatingin siya sa side namin, KINIKILIG AKO!!

Eh di lalo na nang magkaron ng eye-contact, MAS KINILIG AKO!

Nabawi ho! Babae na ulit ako! Magdamag nakong nakatitig sakanya.

Sabi ko sa kasama ko, "Ui! gusto ko magpa-picture!"
Hindi talaga ako ganun, pero for some reason, ewan ko ah? Lumalandi na ba ako o iba kasi ang kamandag ng dimples ni Kuya? Eh ewan ko.. basta kinikilig ako. Surebol.

Eh natapos na silang tumugtog, napapaisip ako kung itutuloy ko ang kalandiang naisip ko..
Nang biglang pumasok sa kokote ko na,
'Ay! di ko nga pala kilala mga tao dito, so.. if ever, walang makaka-alam, wapakels sila'
'Picture lang naman!'

Nag-cr ako.. nakita ko drummer nila sa labas.. pero nag-c.r. muna ako.
Di ko namalayan na nasa c.r. din pala ung kasama ko.
Pero nag-c.r. muna talaga ako, habang nag-wiwiwi ako..
"Ui!! nasa labas yung drummer! Pag lumabas tayo nandun parin sila.. Papa-picture ako ah??"
"Oba, ikaw bahala"

(Pero binilisan ko talagang lumabas para maabutan ko yung banda)

Success. Andun pa sila.
"Kuya, excuse me po, pwede po bang magpa-picture sa bahista niyo?"
"Ay nasa loob yata, sa may bar"
"Ay, okay po."

Pumasok ako.. takte, para akong batang nasaniban. Ang tapang ko, walang ka-demure-an na natira sa katawan ko. Hinanap ko siya. Nakita ko siya.

"Excuse me po, pwede pong magpapicture?"
"Ah! ikaw yung bassist kanina diba?"
"Joke lang po yun" (kasi nga dami kong mali di ba? AS IN)

(Pictuuure!)
Friend: Ay mejo malabo. Madilim kasi.
Crush: Sa labas maliwanag, sa may c.r.
Vivie: Taraaa!:) (kumikinang na mata ko)

(Pictuuuure!!!)
V: Thank you po!:D ano nga po pala name ng band niyo?
Crush: (Ewan ko, di ko maintindihan yung sinabi niya, pero ang lakas ng dating niya)
Ano nga pala name mo?
V: Vivie po.
Crush: as in BB? sabay turo sa phone ko.
(Kailangan may coordination kuya? Tsk! baka tayo mag-coordinate niyan!)
V: ay hindi po, v-v po.
C: ah, haha! Vivie
V: Eh kayo po?
C: Vince
(tapos inabot niya kamay niya, pero di kami nag-shake, nag-hawak lang, ANAK NG!! mas malambot pa kamay niya sakin! Nakakahiyaaaa!)

Mejo mga 6seconds din yun. Ahehehe.

KINILIG AKO!!! Merry Christmas sa lahat ng may crush!
Manatili tayong may 'dating'!

Buti di ako nag-heels

Sa kaibigan kong nangunsinti sa kalandian ko, yer the man!
Sa kabanda namin na nag-invite para tumugtog, SALAMAT!
Kay Vince, Hi po. :) You like science? Kasi we have chemistry oh!

Ipilit pa!

Friday, November 18, 2011

Halimbawa ng mga Halimaw

Biglaan lang kagabi nang magkita-kita ang ilan sa mga tropa. Kwentuhan, as usual.
Pinayuhan ako ng kaibigan na aralin ang tipa nito.


Siya si Halimaw example #1

Di ko alam kung ano naisipan ng kaibigan kong yun para i-recommend yan. Kasi kay Halimaw example #2 eh walang humpay na ang pagsamba ko.
 
Siya nga si Halimaw example #2

Alam ko namang marami pang mas halimaw sa kanila, kaso kasi, mukhang di ko na sila kayang tanggapin pa... grabe ang pagsira ng pangarap eeh. Lalo na si...

Halimaw example #3

Ewan ko naman kung anong trip nito ni kuya, ginawa na ngang piano yung bass.. di pa nakuntento sa isa. May utak ata na sarili ung kabilang kamay ee. 


Hay naku mga halimaw.

Sunday, November 13, 2011

Seatmate

Naalala ko lang yung seatmate ko nung college, kadaldalan ko yun.
Pero malas niya, siya napapagalitan, ako hindi. Di kasi marunong magpigil yung ng halakhak niya.
Itago natin siya sa pangalang 'Gloria'. Hhhmm! bango ng pangalan!

Isang beses, nag-check kami ng papel.
G:Vie, ano ulit sagot sa number 5?
V: (Sinabi yung sagot)
G: okay, thanks! Hhhmm, Vie, bakit nga pala wala ka pang boyfriend?
V: (Napa-super weird look ako sa kanya) Okaayy ka lang???
 Pagkatapos mo akong tanungin kung anong sagot, yan naman tanong mo? Anong relevance??
G: Napaisip lang ako
V: Nambabastos ka ba? o gusto mo lang na doktorin ko papel mo?
G: Gago ka, ano naman feeling mo sakin? Di ako papasa kung di mo dodoktorin yan?
V: Oo, kasi di ka nakakopya kanina e.
G: Ugali mo din eh noh? Sama mo.
V: Direchahan na kasi, ise-segway mo pa kasi sa kabastos-bastos na tanong e.
G: Tangek, natanong ko lang talaga.
V: Muka mo.

(# 17 na.. konti pa lang ang check ni Gloria)

V: O pano ba yan?
G: Pleeease?

Alam na.