There was an error in this gadget

Monday, December 19, 2011

Dear Gasolina

Dear Gasolina,

Isa ako sa mga namumubrublema sayo sa twuwing magtataas ka, pa-cute ka naman pag bumababa ka.

O sige na, direchahan na tayo, ano bang balak mo? Magtataas ka nanaman ba? Lahat naman ngayon magmamahal na ulit o nagmahal na ulit, uso eh, pasko diba? Ikaw pa magpapahuli? Eh ikaw ang gasolina. Sikat ka, di matitiis ng tao.

Alam mo ba? Ngayong taon lang ako nagkaroon ng lisensya. Pwede ko nang mailabas ang kotse namin. Kaso di  ko magawa yun dahil wala pa akong pambili sayo eh.

Ibang klase ka talaga Gasolina, ibang iba talaga. Sigurista kang tunay. Elibs ako sa iyo, tigas mo. Di ka ba nakokonsensya? Ang daming nag-aaway dahil sa mood-shifts mo. Pisces ka ba? Hindi porket alam mong kailangan ka ng tao mag-dedemand ka ng ganyan. Di lahat ng tao kurakot, hindi lahat isasa-alangalang ang budget sa pagkain para lang makuha ka. Maawa ka naman.

Sige, sabihin na nating, Gasolina ka nga, sabihin na nating di mo kasalanang maging Gasolina. Kaso nagpapagamit ka e, di mo ba nakikitang maraming nahihirapan dahil sa trip ng mga lokong pinagttrabahuhan mo? Mga walang puso.

Kanina, sumakay ako ng jeep, bina-backstab ka ng tsuper. Dahil di ka nagmumura, halos lahat minumura ka na. Sabi ba naman ni manong, "Putanginang Gasolina yan, ubod ng taas."

Seryoso? Di ka ba magpapaka-humble? Wala ka man lang bang offer na unli?

Ayan, sobrang sama mo, pinipilit ka nang palitan. Napalitan ka na nga ng ibang taxi drivers eh, LPG pangalan niya. Ano? Malapit ka nang ma-deads. Pero siguro kakunchaba mo din talaga ang tadhana, mejo supot pa ang ideyang yun, kaya mejo napapaisip pa ang ibang gumaya sa konseptong yun.

Pero, dapat matakot ka na, matalino at madiskarte ang mga Pilipino. Mapapalitan ka din namin ng buong-buo.. SOON! May nakaimbento na nga pala samin ng makina ng kotse na tubig ang gamit bilang kapalit mo. May electricity-generated vehicles pang umusbong!

Hindi ka pa ba natatakot? Okay, kung di pa, sige, ikaw yan eh. Panindigan mo pagiging Gasolina mo, basta binalaan na kita. Okay? Klaro?

Okay, thanks, bye.

God Bless you. Merry Christmas.

Love,
Vivie


---------------------------------------------------------------
entry for: http://www.gasolinedude.com/2011/10/gasoline-dudes-blogversary-writing.html

5 comments:

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. Let's use water instead.. http://www.panacea-bocaf.org/danieldinglewatercar.htm Kung Susuportahan lang ng gobyerno to, Basag yang si Gasolina!

    ReplyDelete
  3. . . . akala ko aquarius si gasolina. lols me.

    ReplyDelete
  4. @Mr.P: yun nga, eh kaso yung investors ata natin mababawasan pag yung ung makinang ginamit per vehicle. Ewan ko, nagmamarunong lang ata ako.

    @Zhurutang: Kung ano mang zodiac sign niya, anlupit parin talaga niya. Di makatarungan minsan eh.

    ReplyDelete
  5. After more than a month of reading and putting scores on each entry, FINALLY! Check my blog for the list of winners. Salamat sa paglahok at pagsuporta sa aking munting patimpalak. :)

    ReplyDelete