There was an error in this gadget

Saturday, December 24, 2011

Aruykupo! Di pa ba tayo sanay?

Dati, sangkatutak na ka-konserbatibuhan ang pinapairal ng mga Pilipino. Pero ngayon, hindi na.

Dati, pag may lakad ang pamilya, lahat! Sasama, uunahin ang pamilya.
Dati, pag sinabing ito lang ang 'pwede', wag kang makulit dahil kahit anong ngawa mo jan, yon lang talaga ang pwede.
Dati, ang paninigarilyo ay para sa mga nakakatanda lang at may mga sweldo.
Dati, hindi tanggap ang babaeng lumalaklak ng serbesa sa kung saan saan.
Dati, ang nakasal lang ang pwedeng tumira sa iisang bubong.
Dati, ang alas-sais ng umaga ay mejo madilim pa.
Dati, ang mga bakla't tomboy ay kinamumuhian.
Dati, hindi kailangang magtrabaho ng mga nanay.
Dati, ang mga damit ng mga tao ay hindi pa kasing weird ni Lady Gaga na ultimo karne ginagawang damit.
Dati, ang usapang sex ay sagrado't walang pwedeng sumigaw ng mga private organs natin out loud.
Dati, di ka pwedeng mag-rason sa nakakatanda saiyo.

Lahat yan, dati na. Ahh, yung iba mejo natira..
Pero madami pang 'dati' na maaring idagdag sa listahan, masyado lang siguro akong bata para hindi malaman yung mga yun.
Nalaman ko lang naman yang mga yan base sa mga kwento ng Tanders e.

Ngayon, marami na ang pagbabago.
Ayaw mo man o hindi, wala kang kontrol sa takbo, pero may kontrol pa din kahit papano kung papairalin mo 'to sa pamilya mo o hindi. Mejo mahirap nga lang kontrolin. Para kang nagpigil ng tsunami.

Hhmm..may mga matatanda, elders na nakakaintindi sa mga pagbabago. At meron namang, wala, walang pag-asang makaintindi sa mga pagbabago. Pag isa sa mga nakagisnang 'Dati' ay hindi nasunod ng mga kabataan. Bastos ka na, walang modo, walang respeto, kulang nalang itakwil ka sa angkan.

Kung sabagay, may mga paraan namang nakakabastos. Pero may banat na innovative yet respectful. Maganda yun, kaya yung ibang elders nakiki-jive na din sa mga trip natin. Konting hide-hide nalang ng mga mejo extreme-trips na alam naman nating tayo lang ang makakaintindi. At least may effort silang umintindi. Kaya naman sa facebook, hala! Hide ng mga.. hhmm, alam niyo na yan.

Meron din namang mga elders na mababait. Open to changes. Kaso, minsan, naaapi nga sila, sabay tanong ng "Ganyan na ba talaga ang mga Kabataan ngayon?".. sabay analyze. Kaya dumadami ang wrinkles niyo mothers and fathers. Sabi nga eh, "Hindi porket nasanay na ang mga mata at tenga natin sa kabastusan eh tama na iyan, baka tularan pa ng mga mas nakakabata."

May mga pagbabago kasing hindi masyadong iniisip. Padalos-dalos ika-nga. Hindi natin napapansin na may natatamaan at naaapektuhan na pala tayo sa hindi magandang paraan. Sana ba kung sa atin lang ang mundo.. okay lang. Pero kahit papano kailangan nating MAKISAMA.

Hindi masyado magandang tignan kung sa isang pamilya, KANYA-KANYA na.
Walang pakielamanan sa nararamdaman ni nanay, tatay, kuya, ate o bunso. Kahit sana man lang yung tradisyon na yun lang ang maitago natin, okay na. Solb na.

Yun na nga lang ang magpapasaya sa'ting tunay e, tatakwilan pa ba?
Give and Take lang.

MERRY CHRISTMAS!

2 comments:

  1. The laws of thermodynamics seem to dictate that nature should inexorably degenerate toward a state of greater disorder, greater entropy. Ibig sabihin nito, ang mundo ay pagulo ng pagulo habang tumatagal. Nakakatakot diba? Sana pagdating ng panahon na may mga pamilya at anak na tayo, maintindihan natin sila at sana wag silang ubod ng gulo! haha :) Happy New Year! :)

    ReplyDelete
  2. Mr.P: napa-huwat ako sa techy terms ah, pero muka ngang masaya pag-aralan yang thermodynamics na yan. :)

    ReplyDelete