There was an error in this gadget

Thursday, August 25, 2011

Grabe na toh!

Solid na talaga ang pagiging bum ko!
Anak ng tipaklong na kumpanyang yan! Napakagaling magpasabik!
Pag ako, pag kami, hindi tinanggap! anak ng lahat ng tatay! Giyera na!

Ewan ko kung nabanggit ko na dito, pero, pakiramdam ko nabanggit ko na yung ibang epekto o aktibidades ko habang bummed ako.

-Naglalampaso
-Tagadala ng laundry sa kanto, at minsan masaklap.. ako pa ang naglalaba. (Wala na atang point of comparison sa gaspang ng papel de liha at palad ko)
-Taga-dampot ng bomba ng mga aso. Forevermore.
-Ay, mejo tumutulong pala ako ngayon sa thesis ng mga friends ko. HANEP! mukhang matalino ako noh? HAHA! ayun, nakakailang revisions na ata sila dahil sakin. Sorry friends.
-Taga-grocery, taga-bayad ng bills, taga-withdraw (dahil walang ma-deposit)

At hulaan niyo! pagkapost ko ng last entry ko dito sa blogger, natripan kong magfacebook. Eh hindi nako masyado nagffacebook ngayon.. kung hindi lang dahil sa responsibilidad kong mag-upload ng pictures.. Sarap noh? ikaw na nagpicture ikaw pa maguupload, burden ang camera.

Anyway.. pagbukas ng facebook, ayun.. notifications. Sims Social daw..

Maaring lingid sa inyong kaalaman pero, Sims fan ako.. lahat ng cheats nagawa ko dun. Samu't saring cheats talaga! HAAHAH! Meron dun, pwede lang mamili ng kulay ng pubes ng sim mo. Takte! PAUSO!!! Pink, Purple, Green pubes... take your pick! HAAHAH!

Naalala ko nun yung.. move-_objects_on ba yun? basta.. ganun.
Habang nagpaparaos ng 'Bladder' yung sim ko... kukunin ko yung toilet. Alam mo yung sadista? May sakit ata ko bata pa lang ako..

Dahil sa Sims, namulat ang mata ko dahil sa "WOOHOOO!!" tapos, biglang sisigla yung parehong sim, pagkatapos nila mag 'WOOOHOO!!', pagandahan pa ng kama nun.. naalala ko may heart shape pa nga nun. Epekto ng Sims, di maipagkakaila ang mga epekto na ginawa ng sims talaga sakin, sa PC namin at sa pagtaas ng kuryente dahil magdamag akong nakababad sa harap ng monitor.

Hindi lang yon! Nagaaway pa kami ng mga kapatid ko nun, dahil sino-solo ko daw yung computer. Hati-hati pa kasi kami noon sa iisang unit. Yun pa nga yung mga panahon na nahuhuli ko sila kuya na nanonood ng porn. HAHAHAHA!! Wala kasing 'Privacy' o hindi lang makapagpigil? (I'm not suuure!)

Ako naman si curious.. hala sige! Imbestiga! Ayuuun!! Complete attendance ang United Nations mehn! mula Pinoy, Amerikano, Brazilian, iba pa, at Cartoons! (Takteng Goku yan) Kumpleto sila utol! Pinanood ko ba? Syempre hindi. Browse lang.

Tangina, dami ko na nasasabi.. dahil lang sa SIMS!

Nawawala nanaman sa 'flow' ee. Anyway.. nung nakita ko yung notification, pinansin ko siya.. usually kasi.. pag games, wala akong pake.. sawa nako jan! Yung Fashion Wars nga yung una kong pinatulan eh! Pero since Sims nga yon.. ibang usapan.




Pipindutin ko na dapat yung 'Allow' kaso.. hindi na talaga ako fan ng mga facebook apps. Kasi naman, hindi naman yun ang purpose ng facebook eh. Para yun sa pagssocialize. Pero sakin lang yun.

Meron kasi, ginagawang warground ang facebook, trial and error ng bukas-sinding relasyon, at marami pang iba na kabalbalan. Hala siya! Bahala kayo.

Nakakabadtrip ang facebook. Sayang sa oras at! Para sa lahat ng nagsspy ng profiles!
Mga !@#$%^&* niyo! oo! wala pakong trabaho pero mas yayaman ako kesa sainyo!

(EVIL LAUGH!!!)

Joke lang, Bum lang talaga ako, at GRABE NA TALAGA TO! Pati facebook inaaway ko na.

Make love not war.
Sa sims, WOOHOO! not war.


No comments:

Post a Comment