There was an error in this gadget

Thursday, August 25, 2011

Sorry na kasi, marupok na talaga

Siguro matapos ang last post ko dun sa wordpress, madami dami na din akong naipon na drafts. Mga sunod sunod na buhos ng 'viviethoughts' yun nga lang, mejo bitin lahat ee.. di mapalawak. PALPAK.

Nakakalungkot nga naman isipin na pagkatapos 'kong gumraduate, chaka pako nawalan ng gana magsulat, kahit na alam ko talagang wala naman akong talento magsulat.. eh MSARAP EH!

Dito naman sa blogger, ngayon ko lang din nabisita ulit, eh sa alam ko namang walang nagbabasa ee. Kaso naalala ko bigla, pag wala nga palang praktis ang utak mo sa ingles mas mabilis ang takbo ng mga kung anu-ano sa utak mo pag mas sanay ka sa dialekto.. kasi hindi limitado.

Kaya eto ulit, sumusubok na labanan ang katamaran. Ibang klase ang atake ng katamaran ngayon, sarap buhay ee.. yun lang talaga, sakit sa bulsa. Walang pang-gas.

Holy Shit! akalain niyong pinoproblema ko na ang gas ngayon? joke lang, ilusyonada lang, di naman papadala sakin ni ermats to noh, lalo na kung di kasama si utol.

Matapos ba naman nung isang beses, edi ayon.. nagddrayb ako.. Kaming tatlo lang nun sa sasakyan, ubod ng bagal ng traysikel sa harap ko! at tuwing mag-oovertake ako.. anak ng tipaklong laging may surprise na kasalubong.
Binusinahan ko na, sarap ata ng soundtrip, reggae pa siguro yon. Hanep! lakas!
sobrang pikon ko, nagovertake na talaga ko kahit na may nakikita akong kasalubong..
BUZHIIING!!
Nakalampas ako, tapos yung sedan na nakasalubong ko.. mejo ok naman.
Buhay naman kami lahat.
Naiwan lang sa kanto yung puso ng nanay ko pati ni utol. HAHAHA!
Higpit ng hawak ni utol sa handbreak eh. At least, walang bangga.. isang malupit na exhibition ko lang yun. MASUSUNDAN PA YON!!!

...

Tapos ngayon.. ah! siguro kaya hindi nako pinag-ddrayb ni ermats.
Bukod sa namamakyu ako ng mga nakaharang na traysikel at mga nagmomodel na tumatawid, lakas ko daw umapak sa gas.

Tsk! Napasobra ata ako ng nood ng Transporter at Fast and the Furious.


No comments:

Post a Comment