There was an error in this gadget

Wednesday, August 31, 2011

'Hide' mo kung guilty ka.

Lahat naman siguro ay may facebook sa mga panahon ngayon. Pwera nalang kung sobrang busy mo na tipong wala kang panahon mag-facebook, super anti-social ka, bata ka pa masyado o matanda ka na masyado sa mga bagay na tulad ng facebook.

The point is, imposibleng wala kang facebook, pero! Kahit wala kang facebook, makakarelate ka sa entry na ito.

Kasi ganito, hindi ko maintindihan kung bakit kailangang itago ang bagay na alam mong wala namang masama. Walang pinagkaiba ang pagtatago sa pagsisinungaling.

Bakit? eh kung ibalik ko yung tangang tanong na yan sayo, bakit hindi?

Ilang beses na kasi kaming nagaaway ng erpats ko dahil jan sa Facebook na yan. Kesyo nakikita daw ng mga  ka-opisina niya na umiinom ako, naninigarilyo at may mga kaibigan akong mga lalake.
(Yung lalake: one seat apart pa madalas, at! wala akong boyfriend! Higit sa lahat! DI AKO MALANDI!)

Hindi ako proud alcohol drinker at smoker. Pero, sa tingin ko, walang masama sa pagiging drinker at smoker kaya bakit kailangan kong itago yun? Isa pa, kung masama man tignan sa mata ng karamihan na ang babaeng pango na tulad ko ay umiinom at naninigarilyo, wala na ako dun, kayo ang makibagay, nakikitingin nalang kayo. At guess what. Ako ito. Walang pakelamanan.

Hindi ako galit, sadyang ayoko lang talaga ng mga taong bumabato ng puro pagmamarunong lang naman ang alam.

So ayun, naisip ko minsan na, 'Sige na nga, !@#$%^ para matapos na tong napakababaw na isyu, i-hide na nga lang'.

Wala, hindi ko kaya. Magalit na kayo sakin dahil manginginom ako at iba pa, pero di ko kayang magpaka-plastik sa mundo ng facebook. Hindi ako anghel sa facebook at hindi ako demonyo sa tunay na buhay.

Hindi sapat ang libo-libong litrato para husgahan ang tao. At kahit anong gawin niyo, walang karapatan ang kahit na sino mang-husga. Lalo na kung hindi ka hinihingan ng opinyon, dahil hindi ka nakakatulong.

Naisip ko naman, di kaya inggit lang ang mga taong to? Malamang! hindi lahat may lakas ng loob magpakilala sa mundo kung sino talaga sila eh, kaya ayan, sobrang tago.. di na rin nila kilala sarili nila. Di nila alam kung ano ang kapasisdad nila.

Minsan na akong naging duwag para magpakilala at promise! Napakalungkot ng buhay, napaka-plastik. Ayoko nang bumalik dun.

Ang mga taong 'to ay hindi limitado sa mga ka-opisina ng mga magulang natin, mga ka-eskwelang luging lugi sa social life, mga kapamilyang inggit sa kalayaan at iba pang mga tao. To sum them up, mga insecure.

Sorry nalang talaga sa mga taong hindi natutuwa sa mga nakikita nila tungkol sakin. Pasensya na pero lahat ng nanggagaling sa akin, ako yun. At !@#$%^ niyo, di ko kayo pinipilit na gustuhin ako.

Sa lahat ng nagbabasa nito: Wag kayong matakot magpakilala, wag tayo masyadong kampante sa pagiging plastik. Eco-friendly dapat ang banat.

6 comments:

  1. Ganyan dahil ang karamihang tao. Makitid ang mga utak masanay na tayo. Kung makahusga satin akala mo pumatay tayo ng tao eh. Hay naku minsan nga din naiisip ko na inggit ang nangingibabaw sakanila dahil hindi nila magawa ang mga nagagawa natin dahil takot sila o baka naman sadyang hindi nila talga kayang magpakatotoo. Sa madaling salita PLASTIK ang tawag sakanila.

    ReplyDelete
  2. Korek! Wag' pansinin ang mga taong walang alam. Hindi mo kaylangan magbago para lang sa ibang tao.

    ReplyDelete
  3. Mabuhay ang mga taong may pinanghuhugutan!!:D Salamat sa mga comment ladies!:) :* Inform me when you have blogs of your own.. I'll be your first fan!:)

    ReplyDelete
  4. may mga bagay na kailangan nating i hide na lang para sa ikabubuti ng tao.

    ReplyDelete
  5. I have no facebook account but i love this article :) And as usual, straight to the point no BS no kaplastikan article from Vivie :)Mas mabuti na yang nagpapakatotoo ka kesa yung mapagpanggap sa facebook. dami kong kakilalang ganun eh. Konting kibot may ipagyayabang alam mo namang pa-cool lang. naging lungga ng mga epal na nilalang ang FB so i prefer twitter. Neweys, nice article vivie Keep it up!

    ReplyDelete
  6. @pap : case to case basis nga naman but we must not forget that everybody deserves to know the truth, no matter how painful it is.

    @mr. P: HAHAHA! Overused na din kasi minsan ang facebook, actually, madalas. Thanks for reading!:)

    ReplyDelete