There was an error in this gadget

Friday, August 26, 2011

Make Believe

Di talaga mapagkakaila ang pagiging slow ko paminsan minsan.. ang masaklap.. nagiging madalas na ang pagiging slow ko. Hello?? limang buwan ka ba namang ma-tengga at gumising ng alas-dose. Walang saysay ang buhay. Sayang ang oras. Parusa, walang productivity.

Oh, eh di yun na,, mejo gets niyo na talaga na slow ako. Kahapon, nagpost ako... dahil wala nga akong mgawa kasi, katulad ngayon na wala rin akong magawa. Sumubok akong mag explore at magmasid dito sa blogger.

Nagsimula akong mgafollow ng mga blogs. Kahapon ko lang nagawa yun! Akalain mong sa tinagal tagal kong nagsususlat ng kung anu ano dito eh kamakailan ko lang nagawa yun?

Lord, ako ba ang simbolismo ng Pilipinas? ang bagal umasenso. Nyemas.

Ayun... join join join ako sa mga blogs. Napansin ko, halos lahat ng na-follow ko ay puro lalake. Iba kasi yung atake, iba yung dating pag nagsusulat ang lalake. Impressive.

Kaya siguro ang mga babae, naaaliw din. Halos lahat ng followers ng mga lalakeng blogger, babae. Chics. Biktimang chics. Isipin mo din naman kasi, wala halos pinagkaiba yan sa mga kanta nila Bruno Mars at !@#$%^ sige, Justin Beebar.. Ang benta nila diba? kasi yung mga lyrics nila, yun yung gustong marinig ng mga chics.

Ang tao, mas mabilis maniwala kapag yun ang ina-anticipate nilang marinig.

Kawawang chics.. kawawang chics na walang utak, madali talagang maloloko yan. Ay teka, di ko sinasabi na, yung mga sinusubaybayan kong blogs ay puro bolero ah. Para lang silang... chic-flick movies. Ganon. May pagkakatulad ang banat.


Kaya inisp ko tuloy.. mag-disguise kaya ako ng lalake? Sus! di na baka matuluyan pako sa pagiging tomboy ko. Sa lambing pa naman ng mga chics ngayon. Penge niyan!

----
Tulad ng mga pulitikong hanep manligaw para lang makanakaw. EFFORT!

No comments:

Post a Comment